Chapter 22

11.5K 347 122
                                    

REBECCA'S POV

Pagkatapos ng may mangyari sa amin ni Messiah ay bigla nalang akong nahiya sa kanya. I didn't answer his calls and texts at kahit nakikita ko pa siya na tinitignan ako sa balcony ng kwarto ko ay kaagad akong umiiwas at nagtatago sa kanya.

I didn't regret that he took my virginity but my conscience really hits me dahil kahit saang anggulo pang tignan ay nagcheat pa rin ako kay Aiden. He doesn't deserve what I did to him at kailangan ko siyang makausap ng masinsinan.

Ngayon na nalaman ko rin kay Messiah na may sakit si Aiden ay naiintindihan ko na ang mga ikinikilos niya these past few days. He have an Obsessive Disorder at mas makakabuti kung tutulungan ko siyang gumaling kahit na sa susunod kong gagawin ay kailangan ko na siyang palayain.

Hindi magwowork ang relasyon namin kung hanggang ngayon ay may pagtingin pa rin ako kay Messiah. I knew that I love Aiden pero mas matimbang pa rin sa puso ko si Messiah.

I sighed.

Nandito ako ngayon sa bahay at nagpapasalamat ako dahil naunang umuwi si Kuya Rodney kina Mom at Dad sa business trip nila sa Canada.  I have a chance right now to talk to my brother personally at gusto ko na rin humingi ng tawad sa kanya.

I went to Kuya Rodney's room at nakita ko siyang nakatanaw lang sa bintana na parang may malalim na iniisip. Nakatalikod siya sa akin pero alam kong alam niyang nakapasok na ako sa loob ng kwarto niya na hindi naman naka lock.

"Kuya,"

Hindi pa rin ako pinansin ni Kuya. Talaga ngang malaki ang tampo niya sa akin dahil hindi ko siya pinaniwalaan sa mga sinabi niya tungkol kay Aiden..

"I'm sorry. Bati na tayo, please..." Nangingilid na naman ang mga luha ko.

Hindi ko na talaga kayang hindi kami okay ng kuya ko. Super close kami sa isa't-isa at sobra talaga akong nalulungkot na ngayon ay parang hindi na kami magkakilala.

Humarap naman sa akin si Kuya Rodney at nakita ko ang galit sa mga mata niya.

"Ano bang pinakain sa'yo ng lalakeng 'yon at siya pa ang pinaniwalaan mo kaysa sa akin na kapatid mo?" Sigaw niya sa akin.

Nagulat ako sa inasta niya dahil sa tanang buhay ko ay ngayon lang nagalit at nasigawan ako ni Kuya Rodney ng ganito.

Lumapit siya sa akin habang nanlilisik ang mga mata niya sa galit. Hindi ko matignan si Kuya Rodney ng diretso. Sa totoo lang ay nakakatakot siya ngayon.

"Sinabi ko na sa'yong hindi siya makakabuti sa'yo. Alam kong baliw si Aiden dahil naikuwento na sa akin ni Messiah na may sakit sa pag-iisip ang lalakeng 'yon. You're putting your life into danger to that guy, Rebecca!" Madiin niyang sabi at mabilis ang paghinga nito na parang nagpipigil lang siya ng galit.

Hinawakan ko naman ang kamay ni Kuya Rodney kahit nanginginig na ako sa takot.

"S-Sorry kung hindi kaagad ako naniwala sa'yo. M-mahal ko kasi si Aiden kaya naniwala ako ng una sa kanya pero ngayon narealize ko nang may hindi tama sa kanya kaya sorry talaga, Kuya..." Tuluyan na akong napaiyak habang si Kuya Rodney naman ay nakatingin lang sa akin.

"Mapapatawad lang kita kung makikipaghiwalay ka na sa kanya." Seryoso niyang sabi.

Ayon naman talaga ang plano ko at kahit hiwalayan ko si Aiden bilang naging kaibigan na rin niya ay tutulungan ko siyang gumaling sa sakit niya.

"S-Sige, hihiwalayan ko na siya, Kuya."

Napangiti naman si Kuya Rodney at niyakap niya ako.

"Thank you, lil sis."

Possessively Owned by MessiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon