TWENTY-FOUR

11 0 0
                                    

ROSE found out that Joey, Enrique, Kent, and Harold were ended dead. Si Joey at Harold ay kapwa namatay sa sakit. Cardiac arrest and cancer while si Enrique at Kent naman ay sa aksidente. Ang apat ay walang mga girlfriend kundi mga naulilang asawa. The four wives were still grieving at walang kahit na anumang galit sa kanya. Si Daniel na lang ang kailangan niyang i-verify. Saulado niya pa rin ang address ng mga ito kahit matagal na nagkahiwalay. Not that she wanted it. Blame it on her memory.

Sa isang kilalang condominium ang huling destinasyon niya. Sumasakit na ang batok at paa niya sa paglakad. She just wanted this day to end.

Ilang ulit din ang pag-doorbell niya bago may bumukas.

Nanlaki ang mga mata niya nang lumabas mula sa pinto ang nakatapis lang ng tuwalya na si Daniel.

Nakabalandra sa mukha niya ang hubad nitong pang-itaas. Tumutulo pa ang droplets ng tubig pababa sa katawan nito.

How sexy.

Nakaka-appreciate pa rin naman siya ng magandang katawan but it ends there.

“You’re alive,” she said.

“Whoah. Bakit parang disappointed ka na buhay ako, Rose? Ganyan ka kagalit sa akin? Remember. It was you who broke up with me.”

“You even beg me not to. Lumuhod ka sa harapan ko.” She was not boasting. She was only stating the fact.

There was really nothing wrong with Daniel. In fact, mabait ito at may disenteng trabaho. Isang electrical engineer at may sarili ng negosyo. Ni minsan, hindi siya nakapagpalabas ng sariling pera sa mga dates nilang dalawa. She mind at first pero kalaunan, tinanggap na rin niya. Anito, masaya ito sa ginagawa. He loved her so much but dumating sa point na nagsawa na siya rito. She broke up with him and left him devastated.

“Let’s bury the past, Rose. I’m happily single. But not ready to mingle. Mas gusto ko na muna mag-focus sa trabaho ko.”

“Who’s asking, Dannyboy? Since you are still alive, I will go.”

“Wait!” Mabilis nitong hinablot ang kanang braso niya habang may ngiti sa mga labi nito. “Hindi ka pa rin nagbabago. You are still the same. Agad-agad aalis kapag wala ng kailangan. I have a lot of spare time for you, babe. Maybe we could…”

“Sex is out of the question. I don’t do that thing anymore.” Nowadays, hindi na appealing sa kanya ang sex. Maybe that was because she was focused on her revenge.

Humalakhak ang lalaki.

Kulang na lang malaglag ang tapis na tuwalya nito kung hindi lang mahigpit ang pagkakalagay.

“Still playful. I really like you. No wonder patay na patay ako sa iyo noon. But no. I had my vow of celibacy. After you, there was no woman anymore.”

“Tigang na tigang ka na pala.”

“You could say that but I do not listen to my urges. I divert my attentions. Come inside. Magkwentuhan muna tayo.”

“I’m not here for the reunion. Our reunion.”

“Aw, come on. Huwag kang killjoy. Para namang wala tayong pinagsamahan.”

Wala na siyang nagawa nang kaladkarin siya ng lalaki.

DANIEL was always a neatfreak. Makailang beses na itong nagreklamo dahil sa mga kalat niya noon pa man. As usual…walang anumang makikitang na disarrange sa mga gamit nito na black and white ang tema. Karamihan sa mga muwebles na gamit nito ay order pa sa mga katutubo mula sa Mindanao. Hindi naman ito lugi sa quality dahil pulido ang pagkakagawa.

Iniwan na muna siya nito sa sala habang kumuha ng damit sa kwarto nito. Ilang minuto lamang ay lumabas na ang lalaki na naka shorts at naka-itim na plain t-shirt.

“Actually, Rose, may ka-meet sana ako ngayon pero dumating ka. You are more important sa kanya kaya nag-cancel na lang ako sa meeting namin. Aren't you touched?"

"Why would I? Ikaw ang nag-decide na unahin ako. Hindi ko iyan hiningi sa iyo. Let's get to the point, Daniel. Why are you still alive?"

"Gusto mo talaga mamatay ako? I'm hurt, Rose. Hindi ito ang pinangarap kong reunion natin."

"Someone told me that you're dead already. I came to check."

"And here you are. Disappointed of the result."

"You could say that."

"Honestly, I was shocked when I saw you. I mean...come on! It's been seven years already but here I am still have feelings for you."

Akma siyang tatayo nang pigilan ulit ng lalaki. "Let. Go."

"Rose...mag-usap muna tayo."

"We are talking. Now let go. Bago ka pa magsisi."

Sa huli, tumalima rin ito. "Gusto ko lang naman makausap ka. I think there's nothing wrong with that."

"There's something wrong with that kapag ayaw na makipag-usap ng kausap mo. We're done, Daniel."

"Dahil ba sa may pagtingin ka pa rin kay Kadriel? For crying out loud kasal na ang tao! Pwede bang sa iba mo naman ibaling iyong pagtingin mo? Nandito pa rin ako. After seven years...ikaw pa rin."

"The feeling is not mutual. Akala ko ba may vow of celibacy ka?"

"Willing ako kalimutan ang vow na iyan kung bibigyan mo ulit ako ng chance. We can start again." Lumuhod ito sa harap niya. "Rose, just give me a chance... Babawi ako. Lahat ng pagkukulang ko, pupunan ko. Please..."

Sa isang iglap dumampi ang palad niya sa pisngi nito. "Sapat na siguro ang sampal na iyan para magising ka. Wake up from your delusions. We're done. Just accept it."

Tumulo ang luha nito. "Mababayaran ko lahat ng gusto mo. What do you want? Jewelries? Clothes? Designer bags? Name it, Rose. Name it."

Tumayo siya. "You're pathetic, Daniel. Snap out of it. Walang magandang maidudulot kung makikipagrelasyon ulit sa akin. That would be a one-sided love. Pinahirapan lang kita noon. You deserve someone who is not a bitch. You deserve someone who will not set you aside. And...I have someone already. It's not Kadriel."

Tinalukuran niya ang lalaki.

Who would have accept na mabubuhay ang pagmamahal nito sa kanya?

"I will not stop until you say yes, Rose. Hindi ako naniniwalang may boyfriend ka."

"I already have. Believe me."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 26, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Only Rose Where stories live. Discover now