Chapter 2

9 2 0
                                    

Arcane's POV

Napahagulgol ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, bakit nangyayari ito sa akin, wala naman akong kasalanan...
Bakit?

"Oh Arcane anak nandito kana pala. Ba't umiiyak ka?"

"Bakit kasama niyu yang mga hinayupak na yan nay?" Tanong ko.

"Eh, magbabakasyon daw sila nak, dito daw sila tutuloy ng tatlong buwan. Hindi naman ako makatanggi dahil may utang na loob din ako."

Talagang nanlaki ang mga mata ko sa narinig, nagpantig ang tenga ko. Anong tatlong buwan huh? 3 months with them will surely be a torture.

"Nay wala tayong maipapakain sa kanila."

"Grabe ka naman Kakay, nahuhurt ang feelings ko ah." Arnold, nag act pang parang may masakit sa bandang dibdib niya.

"Ayhetchu na Kakay. Di ka na namin lab." Segunda no Bryan.

"Waaaaaahhhh! Ate Kakay bakit ganiyan ka." Ang dakilang prankster si Mayla. Wala na napahagulgol nanaman ako.

Why Earth? Ba't ako pinaparusahan Ng ganito? Naging masunuring anak naman ako kay inay huhu...

Nataranta naman silang lahat, si Bryan ayon parang tatawag na ng ambulansya, si nanay natatawa pa, si Mayla as usual nagkakalkal Ng makakain, at si Arnold eto sa tabi ko, pinapatahan ako.

Jusko...

"KAKAYY! Sinong nagpaiyak sayo, babangasan namin yun, magkamatayan ma-" binatukan ko nga.

"Tinatanong mo talaga kung ba't ako umiiyak ah. Itanong niyo sa sarili niyu yan mga hinayupak kayo, tabi nga." Napanganga naman silang lahat sakin, maya-maya humagalpak ng tawa ang tatlo.

Eto na eto na, may mga sapak sa utak talaga hays. Sana lang talaga nagbago na sila huhu.

"Kakay, nagbago na kami. Pramis Hindi na kami tulad ng dati."

"Di ko na sisirain yung laptop mo."

"Di ko na rin pupunitin mga novel books mo."

"Di narin ako mag popost sa Facebook na may anak kana."

"Pramis Kay! Di na talaga hehe."

Ano pa nga ba magagawa ko? Alangang paalisin ko sila eh nandito na nga't nakahilata na sila. I smiled devilishly when an idea popped in my mind. Nagtataka naman nila akong tiningnan habang nakanguso *smirk*.

" Nanay Stella nababaliw na po si Kakay, kanina parang pusang umiiyak tapos ngayon parang asong nakangisi." Peste ka talaga Bryan mapapatay kita ng wala sa oras. Bigla ko siyang pinanlisikan ng mata, ngumiti naman siya ng alanganin. " Ang ganda mo talaga Kay, kaya dapat lagi kalang nakangiti ha?" Pang uuto ni Bryan.

"Gusto niyo talagang magbakasyon dito? Ayus lang naman sainyo na manatili dito sa maliit naming bahay?" Nanay asked. Oo nga naman, hindi naman sila welkam pero kasi alam Namin na Hindi sila sanay sa maliit na bahay eh.

" Syempre naman nay. Yun nga eh kung ayus lang kay Kakay?" Sagot ni Arnold at bigla silang bumaling ng tingin saakin. Napakibit balikat nalang ako, sumimangot naman ang tatlo na lalong kinatawa ni nanay.

" Payag ako, but in 3 conditions..." kaniya kaniyang angal naman ang tatlo kesho ang sama daw ng ugali ko, wala daw awa HAHAHA. "Oh edi wag na kayo Dito, umalis na ka-"

"Ano ba yang 3 kundisyon mo ha?" Putol ni Arnold. Napangisi naman ako.

"Sabihin niyo munang payag kayo."

"Oo nga, sabihin mo na kase!"

"Daming Arte jusq"

"Spill it Kay."

" Una, tutulungan niyu si nanay sa palengke. Pangalawa, tutulong kayo sa gawaing bahay, pangatlo wag niyo akong guguluhin intyendes?" Napamaang naman ang tatlo sa mga sinabi ko. Di na napigilan ni inay mapahalakhak sa ekspresyon ng tatlo. Natawa nalang din ako ng bigla silang sumimangot.

" Abuso ka talaga Kakay ha. Di mo naba kami mahal?"tanong ni Bryan, inismiran ko lang habang naghihintay ng sagot.

"Oo na, payag kami. Salamat sa pagpapatira samin ng may sama ng loob kakay ha." Pabalang na sagot ni Bryan. Nyinisian ko naman siya.

" You're welcome." Sagot ko saka ngitian ng matamis. Napairap naman ang tatlo.

Napabaling naman ang paningin ko sa mga tao sa labas ng bahay namin, mga chismosa nga naman. Kung asan ang tae doon din ang langaw.

"Magsi-alis nga kayo dito! Mga usyusador." Sigaw ni nanay. Nagsialisan naman sila.

-----------

Pagpasok ko palang ng paaralan kaniya kaniyang ng lait ang kampon ni satanas. Habang naglalakad ako ay may biglang pumayid sakin, nagtawanan naman ang nakita. I just rolled my eyes to their childish attitudes. Tatayo na sana ako ng may lumapit sakin and he lended me his hand. Sinipat ko ang Mukha niya, he has these thick eyebrows, those round almond eyes with curled eyelashes, katamtamang taas ng ilong at manipis at mapulang labi.

" Miss, do you need help or you just wanna stare at my face?" Tanong niya na nagpabalik sakin sa ulirat. He smiled at me when I pouted. Napaiwas naman ako ng tingin dahil dun, jusko gwapooo.

Inabot ko naman yung kamay ko, at tuluyan niya akong inangat. ' ang lambot ng kamay niya pipol!' agad ko namang hinablot ang kamay ko dahil sa hiya.

" A-ahm, salamat hehe." Alanganin akong ngumiti sa kaniya.

"You're welcome. Next time, be careful okay? Uhm I'm Chester Samson by the way. What's your name?" He asked. Napangisi naman ako bago sumagot.

" Arcane. Arcane Cruz, nice to meet you Chester." Nagtaka ako ng biglang mangunot ang ang kilay niya. Kalauna'y bigla naman siyang ngumiti't inabot ang kamay niya sakin.

" Nice to meet you too again, Arcane. "

Bitin? Hehe sorry next ud naman

Lost Fiancee [ON-GOING]Where stories live. Discover now