Chapter 24

11.2K 347 157
                                    

THIRD PERSON'S POV

Ngayon ay nakatambay si Rebecca sa isang parke malapit sa subdivision ng bahay nila. Sobrang litong-lito na siya sa mga gagawin niya. Alam niya na kailangan niyang pumili kina Aiden at Messiah.

Hindi pupwedeng pagsabayin niya ang mga ito dahil ang pagmamahal ay dapat lang ilaan sa isang tao.

Alas 9 na ng gabi pero hindi pa rin siya umuuwi sa kanila. Ayaw niyang makita muna si Aiden o si Messiah kahit ngayong araw lang. Naiipit siya sa isang sitwasyon na kung saan ay may kailangan siyang piliin at masaktan.

"Nandito ka pala,"

Nagulat si Rebecca nang makita niya si Harry na nasa harapan niya. Nakasuot ito ng itim na pulang jacket habang nakapamulsa. Kitang-kita ang pagkakaroon nito ng foreign blood dahil sa kulay asul nitong mga mata at blonde na buhok. Kamukhang-kamukha talaga nito iyong paborito niyang singer nung 90's na si Justin Timberlake ng NSync.

Umupo ito sa tabi ng inuupuan ni Rebecca na wooden bench habang nakangiti sa kanya. Palagi itong nakangiti si Harry at para bang tila walang problema sa mundo.

"You didn't love, Aiden. I can see it in your eyes." Banggit ni Harry habang nakatanaw lang ito sa mga kotse at street lights na natatamaan ng ilaw sa gitna ng dilim sa parke.

Napayuko naman doon si Rebecca. Nahalata na pala iyon ni Harry.

"Do you still love Messiah Avenido? 'Yung matalinong senior high school student noong 1st year high school palang tayo?" Humarap si Harry sa kanya habang nakangiti kaya napatingin na rin siya dito.

Kung may audition lang ang Colgate malamang bagay na maging model doon si Harry dahil sa ganda ng mga ngipin at ngiti nito. Napakagwapong nilalang nga naman!

"Halata ba talaga na patay na patay ako noon sa kuya nina Isaac at Eli?" Tanong naman ni Rebecca.

Tumawa doon si Harry at tumango. "Yup. Kilalang snobber 'yon nung nag-aaral palang tayo. Sa dami yata ng babaeng lumalapit sa kanya ni isa wala daw siyang pinatulan o nilapitan." Sabi naman nito.

Tumango doon si Rebecca. Tama si Harry, snobber na talaga noon pa si Messiah sa mga babae. Kapag related lang sa pag-aaral ang topic ay saka siya mamamansin ng mga estudyanteng babae noon.

"Alam na alam mo, ah?" Sabi niya at napatawa nalang rin.

"Ako ang Student School President e, kaya alam na alam ko ang mga chismis do'n." Tumawa ulit si Harry habang umiiling.

"Kumusta nga pala si Faye?" Biglaang tanong ni Rebecca.

"Nasa amerika na. She married an american army and they already have a daughter and son." Sabi ni Harry.

Tinignan ng mariin ni Rebecca si Harry. Hindi naman ito mukhang malungkot nang banggitin niya ang ex-girlfriend nito. Nakangiti pa rin ito habang nagkukwento.

"Do you still love her?" Kaagad umiling si Harry.

"Matagal na akong naka move-on sa kanya. Naisip ko nga na hindi ko naman pala siya sobrang minahal nun, maybe na attract lang ako sa kanya pero after niyang makipaghiwalay sa akin dahil pinagpalit niya ako sa ibang lalake ay naka move-on rin naman ako kaagad." Sabi nito.

Tumango nalang si Rebecca dahil wala na siyang masabi.

"I think nalaman mo na rin ang balita noon na crush daw kita. Gagong Tom 'yon! Napakachismoso talaga dahil kumalat pa 'yon sa buong school at nakarating kina Isaac at Eli." Tumawa ulit si Harry habang inuunat nito ang leeg niya.

Tila nahiya naman si Rebecca sa sinabi sa kanya ni Harry. Talaga ngang may crush na ito sa kanyang noong high school palang sila pero hindi niya ito pinaniwalaan dahil girlfriend nito si Faye noon na ngayon ay ex-girlfriend nalang niya.

Possessively Owned by MessiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon