Chapter 25

10.8K 340 68
                                    

REBECCA'S POV

Nandito ako ngayon sa field at hinihintay si Aiden dito. Ito na ang araw na alam kong ikakadurog ng puso niya. Nagtaksil na ako sa kanya at hindi na niya deserve ang isang babaeng katulad ko. Sana sa naging desisyon kong ito ay maalagaan pa rin ni Aiden ang sarili niya.

Nang matanawan ko na si Aiden ay lumapit kaagad ito sa akin at hinawakan ang kamay ko. Nakangiti siya at wala itong ideya sa sasabihin ko.

"Why you went here alone? Pwede naman kitang sunduin sa classroom mo, e. Paano nalang kapag nakita ka ni Isaac dito? Baka guluhin ka pa niya ulit." Nag-aalala nitong sabi.

Ngumiti ako ng malungkot pagkatapos ay tinignan siya ng seryoso sa mga mata niya.

"Aiden, l-let's break up."

Hindi kaagad ito nakapagreact sa sinabi ko pero kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot at sakit nang sabihin ko iyon.

"Baby, is this a prank? Kung ganon, hindi ako natutuwa." Umiwas siya ng tingin sa akin at binitawan na ang kamay ko.

Doon na ako tuluyang napaluha. "A-Ang akala ko, kapag sinagot na kita ay m-makakalimutan ko na siya pero hindi pa rin pala. I-I still love Messiah at ayoko nang masaktan ka pa ulit kaya itigil na natin 'to." Sabi ko.

Sumisikip ang dibdib ko dahil sa sakit. Sobrang nasasaktan ako dahil sinaktan ko ang damdamin ni Aiden. I can see that he's really changing and determine to cure his mental health pero kung patuloy pa rin kami sa relasyon namin ay hindi na maganda iyon. Ayoko nang dagdagan pa ang kasalanan ko sa kanya kaya ititigil ko na ito.

Tumango-tango naman si Aiden pero nakita ko ang pangingilid ng mga luha niya.

I hurt him.

"So, tama pala ang sinabi ni Isaac sa akin." Nakangising sabi niya na ikinagulat ko.

Sinabi ni Isaac sa kanya na nakita niya kaming magkasama ni Messiah?

"Yes, Rebecca. Isaac told me na may nangyari na sa inyo ni Messiah. I don't believe it at first dahil baka sinisiraan ka lang niya sa akin para maghiwalay tayo pero mukhang tama nga ang sinabi niya." Madiin niyang sabi at bigla ay tinitigan niya ako ng masama na mukhang nabasa nito ang iniisip ko.

"I'm sorry, Aiden..." Sabi ko nalang habang patuloy pa rin na umiiyak.

"You cheated on me. Wala ka palang pinagkaiba sa ibang babae." Tumawa ito ng sarkastiko at pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa mga mata niya.

Nagulat nalang ako nang biglang sipain ni Aiden ng paulit-ulit 'yung puno na nasa tabi lang namin. He curse repeatedly at ilang beses niyang hinawi ang buhok niya dahil sa matinding galit at frustrations.

"Arghhh! Fuck!" Sigaw niya habang patuloy pa rin siya sa kanyang ginagawa.

Napahikbi nalang ako dahil sa sakit ng nararamdaman ko na nakikita siyang nasasaktan rin.

"You left me, too. I need you Rebecca but you already destroy me. Hindi ko na alam ang mangyayari sa akin pagkatapos nito. I hope na maging masaya ka na kay Messiah but don't expect me to be happy dahil kahit na kailan ay hindi ko na mararanasan 'yon. Mag-iingat ka pati na rin sa kuya mo." Malungkot niyang sabi at nag-umpisa na itong maglakad papalayo.

Napaupo nalang ako sa bench at napatakip sa mukha ko habang umiiyak. Ang bigat-bigat at ang sakit ng kalooban ko sa paghihiwalay namin ni Aiden pero ito lang ang tanging paraan para hindi ko na siya ulit masaktan pa. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Harry kagabi ay napag-isipan ko na ng mabuti ang desisyon kong ito.

Habang patuloy pa rin akong umiiyak ay naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin. Nagulat ako nang makita ko si Messiah na nasa harapan ko na pala.

Possessively Owned by MessiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon