Prologue

287K 4.8K 331
                                    

Hindi ko alam kung tama ang gagawin ko, pero alam kong ito ang mabuti para sakanya. Hindi ko sya kayang buhayin, kung kami nga ng mga kapatid ko ay minsan lang makakain ng tatlong beses sa isang araw. Ayokong maranasan ng anak ko ang nakakaawang lalagayan namin.

Nakatingin ako sa isang bahay na napakalaki. Halatang mayaman ang mga nakatira dito. Sa pagkakaalam ko dito nakatira ang pinsan kong si Raquel. Angat ang pamilya nila sa lahat, ang mama nya ay kapatid ni Mama. Ang alam  ko ay matanda sakin ng limang taon si Raquel  wala syang anak pero hindi ko alam ang dahilan. Sakanya ko napiling iwanan ang anak ko, alam ko tatanggapin nya ito at ituturing tunay na anak.

Napatingin ako sa batang babae na karga ko. Napakaganda nya. Hindi ko alam na may mabubuo sa isang gabing pag kakamali ko, noong panahon na gipit na gipit ako at halos wala pa kaming makain ng mga kapatid ko ay napilitan akong gawin ang hindi normal na ginagawa ng mga kaedad ko. Nakipag one night stand ako kapalit ng halagang limang libong piso, pero hindi ko pinag sisisihan iyon dahil doon ay nakita ko ang masayang mukha ng mga kapatid ko dahil may nakain silang masarap. Hindi ko na inulit ang pag kakamaling iyon at nag hanap ng mas disenteng trabaho.Sa edad na labing pitong taon ay nagkaanak ako at hindi ko kilala kung sino ang ama.

Ayokong danasin nya ang hirap ng buhay na dinadanas ko ngayon. Hindi ko sya kayang bigyan ng masagana at kumpletong pamilya, kaya hahayaan kong ibang tao nalang ang mag bigay sakanya nito.

Muli kong tinignan ang anak ko.

"Sana balang araw mapatawad mo ako." Sabi ko sa natutulog na dalawang buwan gulang kong anak. Saka sya hinalikan sa noo.

Inilagay ko sya sa basket na puno ng mga damit nya at inilapag sa tapat ng malaking gate. Nag doorbell ako ng sunod sunod saka nagtago sa isang malaking puno katapat ng bahay nila Raquel.

Nakita kong may lumabas na katulong at mukang nagulat pagkakita sa Anak ko na nasa basket. Maya maya lang ay lumabas ang isang magandang babae. Si Raquel ang pinsan ko.

Kita sa mukha nya ang pagkagulat, pagkayari ay lumingon lingon. Kinuha nya ang anak ko at pumasok sa loob ng bahay.

Unti-unting nagsibagsakan ang kanina ko pa pinipigilang luha ng sumarado ang malaking gate. Gusto kong bawiin ang anak ko pero alam ko ito ang tama.

**

"Nina bilisan mo ang pag huhugas ng plato!"

Pinunasan ko ang pawis na nasa noo ko saka binilisan ang pag huhugas ng plato. Sumasakit na rin ang mga daliri kong kanina pa babad sa tubig at sabon.

"Ano ba Nina! Bilis bilisan mo ang kilos!!" Sigaw ng may ari ng karendirya na pinag tatrabahuha ko bilang tagahugas ng plato.

Sa sobrang pag mamadali ko ay dumulas ang isang plato na hinuhagasan ko.

"Ano ba naman iyan!! I-aawas ko iyan sa sweldo mo!." Galit na sabi ng amo ko.

Ito na ata ang karma ko. Ang lalong hindi umasenso sa buhay dahil sa isang desisyong ginawa ko anim na taon na ang lumipas.

Pinilig ko ang ulo ko para iwasan pag iisip ulit sa nakaraan. Kahit na pag balikta baliktarin ko ang mundo wala ng mangyayari.

Pagkatapos kong iwan ang anak ko sa malaking bahay na iyon ay bumiyahe kami paalis ng metro para sana mag bagong buhay. Pero wala ding nangyari, sa pag daan ng mga panahon nanatili kaming isang kahid isang tuka ng mga kapatid ko.

Natapos ang oras ng trabaho ko sa karendirya. At napag pasyahan kong dumaan sa kanya.

Naghintay pa ako ng kalahating oras. Nang maglabasan ang mga estudyante ay napatuwid ako ng tayo.

"Daddy!!' Sigaw ng isang napakagandang batang babae saka tumakbo sa lalaking naka damit pang opisina. Hindi ko alam ang tawag sa suot ng gwapong lalaki dahil wala namang nag dadamit ng ganoon sa karenderyang pinag tatrabahuhan ko basta alam ko pang opisina iyon.

"How's your day babe?" rinig kong tanong ng gwapong lalaki

"It's great dad" sabi ng batang babae at hinalikan sa pisngi ang tinawag nyang daddy.

Napangiti ako sa nakita ko. Nakakagaan ng pakiramdam na nasa mabuting kalagayan ang anak mo,masakit na makita sya pero hindi ko sya mahawakan pero sapat na ang makitang masaya sya. Tumalikod ako at nag simulang mag lakad.

Ganito ang routine ko araw araw. Pagkatapos ng trabaho ay dadaan ako sa school nya para tignan sya. At pagkayari ay uuwi sa bahay na may panibagong lakas para mag patuloy sa buhay.

kahit na ipinamigay ko sya, sa kanya pa rin ako kumukuha ng lakas. Sya ang buhay ko.


Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon