CHAPTER 29

10.1K 471 229
                                    


Limang taon, sa limang taon na lumipas. Sa limang taon na lumipas kung iisipin ay maikli lamang 'yon, walang masyadong mangyayari sa pagitan ng limang taon, kung iisipin ay walang masyadong nagbago. Ngunit sa paglandas ng tingin ko oras na makapasok kami sa lupain ng San Soriano, may nasisiguro ako na isang pakiramdam na hindi nagbago.

Sa pagpasok namin sa lupain na ito, tila nagbalik na parang naging agos ng tubig na walang tigil ang pag-alon. Nagbalik yung mga sakit at maging ang mga luha ko na naubos habang nasa lupain na ito ako. Hindi ko sigurado kung ano nga ba talaga ang mga nagbago rito dahil tanging nakikita lamang ng mata ko ay mga bagong gusali, ngunit nasisiguro ko na tanging pamilya pa rin nila ang namamayagpag sa lupain na ito. Ang pamilya ng Soriano at Ardiente.

"Wow!" Napatingin ako sa anak ko na manghang-mangha sa mga magagandang tanawin dito sa San Soriano. "Dito na po talaga tayo forever, mama?"

"Hindi ko pa alam anak eh. Mamaya dadalhin kita sa lola mo, hindi ka pa ba pagod?"

"Hindi po mama, gusto ko rin po malibot dito." Tumango-tango naman ako sa anak ko, sumandal siya sa akin at hinalikan ko siya sa noo. "Bukas na po ba talaga agad start ng school ko? Mama, ang bilis po ng bakasyon."

"Ayaw mo ba? Bago na yung mga classmates mo tapos si mama pa yung teacher mo."

"Gusto!"

Oras na makababa kami sa sinasakyan namin ni Soraya na bus ay dumiretso na kami sa titirahan namin, maliit na bahay lang ito. Nirerentahan ko lang ito at alam ko naman na sa paglaki ng sweldo ko ay mababayaran ko naman ito, mabibilhan ko pa ang anak ko ng mga gusto niya. Kaya kahit medyo labag sa loob ko ang pagbalik sa San Soriano ay kailangan ko pa rin, dahil sa malaking pasweldo sa skwelahan dito.

"Mama, sa tingin mo po magkakaroon ako ng bagong bestfriend?"

"Oo naman, 'di ba nga ang sabi ko sa'yo, magugustuhan ka ng mga tao dito." Kung alam mo lang anak, kung alam mo lang na anak ka ng isa sa mga naghahari dito sa San Soriano. Hangang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang nangyari sa lab test, pero isa lang ang sigurado ako. Soriano ang anak ko.

Mondiego ang gamit na aplido ni Soraya, mas gugustuhin ko na ang aplido ko ang ipagamit sa kaniya. Mas sigurado ako na walang aapila, dahil hindi niya naman maaring gamitin ang Soriano dahil hindi naman kinikilala ang anak ko. Pero para sa akin at sa puso ko, Soriano ang anak ko.

"Daddy hero!" Agad na tumakbo papunta si Soraya kay Dominique, natatawa itong binuhat ni Dominique. "Namiss kita daddy hero! Saka dito ba yung province n'yo po?"

"Dito yung province namin ng mama mo." Pagtama niya naman kay Soraya. "Tara na? Puntahan na natin yung lola Carmilla mo?"

"Sige po, lilibot din po tayo after?"

"Hindi ba kayo pagod ng mama mo?" Tanong ni Dominique.

"Ayos lang ako, si Soraya hindi pagod 'yan. Gustong-gusto niya na nga malibot dito eh."

"Sige ililibot ka ni daddy hero, gusto mo ba pumunta sa mga falls okaya malls dito?"

"Meron falls dito, daddy hero?" Tumango-tango naman si Dominique. "Sige po!"

Buhat ni Dominique si Soraya nang bumaba kami ng kotse, agad ay naglakad kami papunta sa puntod ng lola ko. Bahagya ko na nilinis ang lapida, binaba ko agad ang mga bulaklak na binili ko para kay lola.

"Lola, ito na po yung apo ninyo, ang ganda-ganda at ang talino."

"Hello po!" Kumaway-kaway pa ang anak ko.

"Sigurado ako na sobrang proud na ngayon si Lola Carmilla sa inyo ni Soraya. Lalong-lalo na sa'yo, Sanya."

"Nako, kung nabubuhay si lola sigurado ako na hindi sila maghihiwalay lagi ni Soraya." Pagsagot ko naman kay Dominique, bahagyang lumakas ang hangin kaya hinawakan ko ang bistida ng dress ko. "Lola, natupad ko na po yung pangako ko sa inyo. Napalaki ko po nang maayos at mabait ang anak ko, tapos guro na po yung apo ninyo."

Ominous MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon