40

308 19 4
                                    

" babe !" Sigaw ni Celine kay Jungwon na ngayon ay naglalatag ng blanket sa damuhan .

Inaya niya si Celine sa isang picnic date at ngayon ay nandito sila sa isang burol na parte ng lupa ng mga magulang nya sa probinsya . Ngayon lang ulit nakabalik si Jungwon dito , makalipas ang ilang taon dahil sa Seoul na sila nakatira ngayon .

" Lagay mo nalang dito babe , tas ikaw nalang mag ayos para ako nalang kukuha nung mga pagkain .. baka kasi mabigatan ka " sagot naman ni Jungwon sa kanya habang inaabot ang dala nitong box ng pizza .

Tumango din naman si Celine at umupo sa gilid ng picnic blanket na kanina ay inilalatag ni Jungwon .

Pagkatapos ng ilang sandali ay , natapos din si Jungwon sa pagkuha ng mga dala nila sa sasakyan . Naupo narin ito sa tabi ni Celine .

" Hey babe , do you like the view ?"

Napangiti naman si Celine sa kanya .

" Ofcourse .. di ko inakalang may ganito pala dito . Pero in fairness ha , nakakarelax dito .. ang lamig pa ng simoy ng hangin para tayong nasa advertisement sa tv habang kumakain " tumawa naman silang dalawa dahil sa sinabi nito .

Almost two weeks na silang in a relationship at naeenjoy nila ang company ng isa't isa . Para silang magbarkada with feelings kasi naman hindi sila tulad ng ibang magjowa na puro pa sweet-sweet lang . Mas gusto nila yung parang barkada lang at tsaka yung open sila sa isa't isa . Mas mabuti ngang ganito ,mas lalong nilang na eenjoy kahit parating nagseselos si Jungwon . Kahit pa naman nung di pa sila eh napaka seloso nya talaga .

" Gusto ko nga dito nalang tumira eh , malayo sa polusyon tsaka hindi gaanong maingay . Kasi dun sa city masyadong maingay . " Sabi ni Jungwon habang nakasandal sa puno

" Ay ganon ba ? Sige , dito nalang tayo tumira .. gusto ko din dito eh . May pa beach pa dun sa kabilang banda . Sa inyo din ba yun ?" Sagot naman ni Celine na sinusuportahan ang sinabi ni Jungwon .

" Kay papa din yun , pero di akin haha ! Gusto mo maligo tayo dun pagkatapos nating kumain dito ? Kaya lang di pa nadedevelope .. pinag iisipan pa nila mama at papa kung gagawing resort yun at ioopen sa public o hindi . Pero may bahay kami dun "

Bigla namang na excite si Celine sa narinig . Gustong gusto na nya kasing mag beach kahit di sya marunong lumangoy . Hanggang dalampasigan lang sya o di kaya ay lumulusong din naman sya pero dapat hanggang beywang nya lang yung tubig kasi takot syang malunod .

" Oh sige ! Excited na akong mag tampisaw sa tubig kaso di ako marunong lumangoy eh " sagot nito kaya tumawa si Jungwon na para bang tinutukso sya .

" Sige tawa pa "

" Sorry babe , pero wag kang mag alala nandito naman ako .. tuturuan nalang kita mamaya " . Sabi ni Jungwon habang tinutusok ng tinidor ang strawberry at isinubo ito

" Kaso wala tayong extrang damit na dala " well , tama naman sya . Di siya prepared kasi nga picnic lang naman ang sabi ni Jungwon sa kanya . Wala naman syang idea na may beach pala dito .

Sinubuan naman ni Jungwon ng strawberry si Celine bago sumagot .

" Wag kang mag alala babe , I got you " sagot nito kaya kumunot ang noo ni Celine ..

Tumayo si Jungwon at pumunta sa likod ng sasakyan nya at may kinuhang bag . Inangat naman nya ito para makita ni Celine . Pero she just tilted her head . Kaya bumalik nalang si Jungwon sa tabi nya matapos ibalik ang bag sa loob ng sasakyan nya

" Damit ba ang laman ng bag na yun babe ?" Tanong ni Celine sa kanya kaya tumango naman sya

" Ay hala sanaol laging handa .. aminin mo , pinlano mo to no " dagdag pa ni Celine kaya tumawa ng mahina si Jungwon

It's you from the start || y.jungwon ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon