Chapter 21

25.7K 656 59
                                    

Pumunta siya ro'n para humingi ng sorry kay Thunder. Yun nalang ang pagkabigla niya ng madatnan ang dalawang naghahalikan. Ang bilis naman makahanap ng pamalit.

Nang makauwi siya sa bahay ni Thunder ay 'di na niya inabalang ilagay sa ref ang mga pinamili at inilagay nalang sa ibabaw ng island counter saka umakyat sa kaniyang kwarto. Inimpake niya na lahat ng mga damit niya at aalis na siya sa bahay nito at magreresign na sa trabaho.

Walang tigil pa rin ang pagbuhos ng kanyang mga luha dala ng sakit na nararamdaman. May nararamdaman na siya rito pero wala pa ring pinagbago ang boss niya, babaero pa rin.

"You're not leaving.." malamig na tinig ang kaniyang narinig mula sa likuran.

Tumigil siya sa kaniyang ginagawang paglalagay ng damit sa maleta at pinahiran ang mga luhang umaagos na bumabasa sa kaniyang pisnge. Humugot siya ng malalim na paghinga saka hinarap ang boss niyang malamig na nakatingin sa kaniya.

"Ba't ka pa nandito? Nabitin ka ba sa babae mo at ako naman ngayon ang gagamitin mo? Masarap ba siya? Magaling ba lumaplap?" matapang niyang tanong sa boss niya.

Naging manhid na siya sa kakaparamdam sa boss niya pero para lang itong bato na walang reaksyon.

"It's not what you think Riya.." tugon nito sa walang reaksyong mukha.

"No need to explain Thunder. Sawang-sawa na ako kakaintindi sayong lalaki ka! 'Di ka naman bato pero ba't antigas mo?! Binigay ko na lahat-lahat Thunder! Pati katawan ko binigay ko sa'yo! Alam ko namang maraming naghahabol d'yang mga babae pero binalewala ko yun kasi nga akala ko magbabago ka, pero putangina mo!" singhal niya saka hinila na ang maleta at aalis na sana ng pigilan siya ni Thunder sa braso dahilan para mapatigil siya.

"Just let me explain first, please." pagsusumamo pa nito.

Napaiwas siya ng tingin dahil baka maawa pa siya rito at patawarin. Marupok pa naman din siya pagdating sa lalaking 'to.

"Aalis na ako sa trabaho, aalis na ako sa pamamahay mo. Aalis na kami. Mas makakabuting 'di na tayo magkita pa, at salamat nga pala sa pagpapatira sa bahay mo. Salamat nalang sa lahat." sagot niya sabay hila sa mga braso niya.

"Riya,, let me explain first please!" rinig niyang pahabol nito.

Wala ng iexplain kasi kakalimutan na niya ito magmula ngayon. Sobra na ang binigay nitong pagpapahirap sa kaniya at sakto na yun para maging manhid siya. Pinagkatiwalaan niya ito ng buong-buo pati katawan niya ibinigay niya para lang di na ito maghanap pa ng iba.

"Mali ang nasa isip mo kasi hindi ko siya hinalikan. Pilit ko naman siyang inilayo sakin kaya lang huli na dahil nakita mo kami sa ganoong posisyon. Naabutan mo kaming ganon, at inaakala mong naghahalikan kami? No, mali ka."

Huminto siya sa labas ng bahay ni Thunder. 'Di niya pinansin ang sinabi ng lalaki at pumara ng taxing kakahinto lang.

"Ma'am asawa niyo ba yung lalaking humahabol?" tanong ng driver habang umuusad ang sasakyan.

Napakunot ang noo niya dahil sa tanong ng driver kaya napasilip siya sa bintana ng taxi. Naawa siya sa boss niyang tumatakbo at pilit na humahabol kahit na malayo na ang agwat ng distansya nila.

"Riya Venice!!" rinig niyang sigaw ni Thunder.

Parang sinaksak ng paulit ulit ang puso niya. Sobrang sakit lang dahil 'di niya binigyan ng tsansa ang binatang magpaliwanag. Pero dapat lang yun dahil sa ginawa nitong panloloko sa kaniya. Wala siyang oras para makinig sa mga panlolokong sasabihin nito.

"Bilisan niyo nalang ho ang pagmamaneho." utos niya sa driver.

Nakakasama sa bata na dinadala niya ang sobrang stress kaya sumandal siya sa backseat at inirelax ang isipan. Babalik siya sa probinsya nila, sa lugar ng lola niya. Miss niya na rin ito at matagal ng hindi ito nadadalaw.

"Ma'am, 'di naman sa nangingialam ako pero may tampuhan ba kayo ng asawa mo?" pambasag sa namutawing katahimikan.

Inihilig niya ang ulo sa bintana at di sumagot. Ayaw niyang pag-usapan ang bagay na yun.

"Pasensya ulit ma'am ah pero may tanong ako?" ulit na naman nito.

Walang gana siyang sumagot.
"Ano?"

"Kung may tampuhan po kayo ng asawa mo o alitan, wag mong idaan sa pag-alis. 'Di yun nakakatulong para makalimutan mo siya. Bakit 'di mo subukang makinig muna sa kaniya? Minsan ibaba rin po natin ang pride na meron tayo kasi nauuwi yun sa mga mag-asawang naghihiwalayan. 'Di ka ba naawa sa kaniya kanina? Kasi bilang lalaki rin ano, masakit rin sa dibdib namin na 'di pinapakinggan ang side namin. 'Di lahat nasa inyong mga babae ang pabor, tinitiis lang namin ang mga salitang binibitawan niyo kahit na nakakasakit na. Kasi di namin pinapakitang nasasaktan kami sa harap ng mahal namin."

"Ganiyan rin kami ng misis ko noon, nakita niya akong may kasamang ibang babae kahit na inihatid ko lang sa bahay nila kasi naliligaw. Umalis ang misis ko noon at umuwi sa kanila dala ang anak ko. Sinundan ko siya at ilang araw na 'di niya ako pinansin pero pilit ko siyang sinusuyo kahit na 'di niya ako pinapansin. Nagpaliwanag ako kahit na baliwala sa kaniya lahat ng mga sinabi ko. Hanggang sa may aksidenteng dumating."

Nacurious siya kaya nagtanong siya ulit sa driver.
"Anong aksidente?"

Sinulyapan siya ito sa rearview mirror.
"Inatake ng mataas na lagnat ang anak ko kaya agad namin siyang dinala sa hospital. Sobrang pag-alala ng asawa ko no'n kaya niyakap ko siya. Umiyak lang siya sa balikat ko kaya sinabi ko sa kaniyang kahit kailan man ay 'di ko sila iiwan ng anak ko. Kahit saan pa sila ay pupuntahan ko."

Naantig ang puso niya don sa sinabi ni manong driver.

"Sana ganiyan lang kadali magpatawad manong." tugon niya.

"Mahirap magpatawad oo, pero bakit 'di mo subukang pakinggan ang panig niya? Kung mahal ka talaga niya ay pupuntahan ka kahit sa'n ka pa. Sana naman pag magkita na ulit kayo, mapatawad mo na siya." yun lang ang huling sinabi ni manong driver ng makahinto na ang sinasakyan nila at tinulungan siya sa kaniyang bagahe.

Nagbayad na siya at nagpatuloy na papasok sa eroplano. Bago pa lumipad ang eroplano ay may naaninag siyang bulto ng lalaking pamilyar sa kaniya.

Gustuhin niya man na bumaba pero huli na dahil lumipad na sa himpapawid ang eroplano. Sa huling sandali ay nasulyapan niya ang lalaking naging dahilan ng kaniyang pag-alis. Ang boss niya. Nasa gilid lamang siya ng bintana kaya kitang-kita niya ang nagmamakaawang si Thunder na papasukin sa eroplano na pilit hinaharangan ng mga guards dahil 'di na pwede.

Pumatak ang luha sa kaniyang pisnge habang nawawala na sa kanyang pananaw ang presensya ni Thunder.

'Sana totoo yung sinabi ni manong, na sana may pag-asa pa.' saad  niya sa kanyang isip.

Night Encounter COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon