CHAPTER 45

1.2K 153 19
                                    

*Months after*




Amy's POV



"Gabrielle, Jaydee, ano ba!! iuuwi na na namin kayo, araw-araw nalang kayong nag-iinom." Saad ko naman at pilit na itinatayo si Jaydee, si Jagiya naman ang umaalalay kay Gabrielle, pero ayaw talaga nilang umuwi, sa halip ay tumungga pa sila ng soju. Ganyan na ang naging routine nung dalawa, puro inom. Pinabayaan na nila ang sarili nila pati na rin ang pag-aaral nila mula nung iniwan sila ni Ate Ella at Frances.






















Flashback



Birthday ni Jaydee kahapon at sobrang nag-enjoy naman kami. Ginanap ito sa isang resort nila Jaydee, si Frances din ang nag set up non. Nakita ko naman na sobrang saya niya kahapon, pero bigla nalang nabawi ang lahat.


"Gabrielle! Jaydee! ano ba, umuwi na tayo, 11pm na oh! kanina pa kayo nag-aantay diyan." Saad ko naman. Pagkatapos na pagkatapos ng birthday celebration ni Jaydee ay hindi na nagparamdam si Ate Ella at Frances. Nang mapuntahan namin ang bahay nila, care taker nalang ang naiwan dito. Sinubukan siyang kausapin nung dalawa at ang tanging sinabi lang nito ay kinuha na ng magulang nila si Frances at ate Ella, hindi na raw sila babalik dito kaya pinapabenta na rin ang bahay. Ayaw niyang sabihin kung saan sila nagpunta dahil iyon daw ang ibinilin sakanila ng magulang nila frances.


Hindi ko na alam ang gagawin namin ni Jagiya para mapauwi silang dalawa. Umaga palang ay nandito na 'to. Dinalhan namin sila ng pagkain pero ayaw nilang kainin.


"Gabrielle! umuwi na tayo!" Saad naman ni ate Sela pagkababa ng sasakyan niya-- kasama nito si Ate Abby-- tinawagan na namin siya dahil ayaw umuwi ng kapatid niya-- agad niya namang nilapitan si Gabo at niyakap ito.


"Ate, ang sakit-sakit eh. Isang taon na kami tapos bigla bigla nalang siyang mang-iiwan. Hindi manlang niya nagawang magsabi at magpaliwanag, maiintindihan ko naman eh, sana nagexplain siya hindi yung ganto." Saad naman ni Gabo habang umiiyak--


"Wala na tayong magagawa sa desisyon nila Gabrielle, hindi naman natin alam ang totoong nangyari kaya please lang, umuwi na tayo, Gabrielle at Jaydee." Saad naman ni Ate Abby-- pati ito ay sobrang nalulungkot din sa mga nangyari-- Ilang minuto pa ay pumayag na rin silang umuwi.


"Samin na kayo sumakay-- ipapakuha ko nalang kay manong ang mga sasakyan niyo-- sigurado akong hindi niyo kakayanin magdrive dahil pareho nang namamaga ang mga mata niyo, baka maaksidente pa kayo." Saad naman ni Ate Sela pagkasakay sa passenger seat---




End of Flashback




























"Gabrielle! Jaydee! pwede bang sumunod nalang kayo." Inis na saad naman ni Laney, 3 am na at ayaw parin nilang magsi-uwi. Si Ate Sela at Ate Abby lang ang nakakapagpauwi sakanilang dalawa pero ngayon wala sila dahil may bussiness trip sila.


"N-nakakainis-- ayoko nang m-maging masaya ulit! l-lahat nang yon, may k-kapalit na m-matinding lungkot! h-hindi pa kami ganon katagal ni F-frances pero bakit sobrang sakit? S-sana pinatay niya nalang ako." Utal-utal na saad naman ni Jaydee-- at inistraight ang isang bote ng soju, kanina pa ito umiiyak.


"Kami nga n-nagtagal naman pero nagawa parin akong i-iwan, nakakatangina nalang talaga yung m-mundo." Saad naman ni Gabrielle.


"Wala na kayong magagawa sa desisyon nila! Tanggapin niyo nalang!  2 months na mula nung iniwan nila kayo, gumising naman kayong dalawa!! wag niyong tapusin ang ikot ng mundo nang dahil lang sa isang tao!! Konti nalang madodrop out na kayo, buti nalang sila ate Sela ang owner ng school natin dahil kung hindi baka matagal na kayong nadropped." Inis na saad ko naman sa dalawang 'to. Aaminin ko, nagagalit ako kay ate Ella at Frances pero pinipigilan ko lang dahil baka may maayos namang dahilan kung bakit sila nang-iwan.


"Marami pang ibang babae diyan Gabo at Jaydee. Wag niyong ikulong ang sarili niyo sa isang tao na bigla-bigla nalang kayong iniwan. Hindi niyo sila deserve!" Saad naman ni Laney.


"Jaydee?" nagulat naman kaming dalawa nang may biglang nagsalita mula sa likod---










































































Si Madie.



"What happened to her? bakit siya naglalasing" Alalang tanong naman niyo at nilapitan si Jaydee na nakatulog na.


"Broken hearted." Maikling sagot ko naman.


"Kay Frances?" Tanong naman nito at tumango lang ako.


"Bigla lang naman siyang iniwan nang magaling na si Frances, wala manlang pasabi o kahit dahilan man lang." Sarcastic na sabi naman ni Laney.


"I wasn't expecting that." Saad naman ni Madie.


"I thought she was different, dahil nung pinakilala siya sakin ni Jaydee, she was so kind." Dagdag pa ni Madie


"Sa una lang naman yon." Sarcastic pa ulit na sabi ni Laney.


"Jagiya, kumalma ka diyan. Hindi naman natin alam ang totoong dahilan kaya wag mo muna silang husgahan" Saad ko naman at nilapitan na si Jaydee.


"Akayin na natin to para makauwi na tayo." Saad ko naman at unti-unting itinayo si Jaydee-- inalalayan naman ako ni Madie.


"Pati pala tong si Gabrielle tulog na-" Saad naman ni Laney at itinayo ito-- kaya niya naman si Gabo dahil matangkad siya.


4am na nang makarating kami kila ate Sela. Napagdesisyunan namin na dito nalang matulog dahil ito ang pinakamalapit sa bar na pinag-inuman nung dalawa na ang pamilya pala ni Madie ang may-ari. Kakabalik lang nito last week sa Pilipinas para sa isang event ulit. Agad naming inakyat ang dalawa sa kwarto-- tulog na tulog sila.


---------------------------


































Surprise na plot twist hahaha!

sana maenjoy niyoo!!

90 votes??

Twitter au update will be posted later, thank you!

Twitter au update will be posted later, thank you!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

P.S nagpalit po ako ng username

FOOL FOR YOUWhere stories live. Discover now