001 - HER DEATH

11.5K 420 38
                                    

Puting buhok at maputla na balat na maihahalintulad sa gatas. Maputlang labi at parang kalansay na ang buong katawan ng isang dalaga na sa edad bente-tres ay mahahatulan ng kamatayan dahil sa isang krimen na kanyang ginawa.

Siya si Asteria Avalanche, isang anak ng pinaka makapangyarihan na Duke sa kanilang bansa. Ang bansang Auzmelia, na hawak ng angkan ng dugong bughaw na Auzmelia ay napamunuan ng maayos ang kanilang ari-arian. Si Asteria ay nasa linya ng susunod na mapapangasawa ng prinsipe sapagkat isa siya sa kandidatong tatakbo bilang prinsesa.

Ang mamumuno ay kailangan na matalino, marunong humawak ng emosyon at eksperto sa ibang talento gaya ng pagpinta, pag-awit, pag-sayaw at iba pang aktibidad na dapat matutuhan ng prinsesa. Isang perpeksyon na titingalain ng lahat at rerespetuhin ng buong puso.

Hindi naman kinakailangan ng magandang pigura o mukha dahil ang pamilyang Auzmelia ay naniniwala na – "Ang tunay na ganda ay makikita sa puso."

Ang ibig sabihin nito... Na ang tao ay mamahalin ng lahat kung siya mismo ay nagpapakatotoo at lahat ng ikinikilos ay walang halong akto.

Paano nga ba napunta sa ganitong sitwasyon si Asteria?

Nagsimula ang lahat ng naging kakumpitensya niya si Deianira. Usap-usapan sa mga mararangal na tao sa iba't ibang pamilya na ang kumpetisyon ay hindi pribado sa mga mahihirap. Kahit sino ay pwedeng mag ambag ng partisipasyon... Minamaliit ng mga ibang tao ang mahihirap sapagkat ang oras ng makalumang panahon ay ibang-iba kumpara sa hinaharap.

Ang mga mahihirap ay trabahador, walang alam, naghihirap ngunit maliit ang kinikita. Sila din ang nasasalinan ng krimen kung ang isang aristokratikong nilalang ay nadamay sa isang krimen.

Napatawa si Asteria sa sarili na parang baliw. Tunay na mas masahol pa nga sa hayop ang isang makapangyarihan na tao na gagawa ng isang krimen. Ngunit sa kanyang sitwasyon, kahit anong isabat o idakdak niya ay hindi siya paniniwalaan ng iba. Kung may ebidensya man ay hindi sapat at maibabaliktad din ng kalaban.

Hindi siya nagkasala... Ang kagagawan nito ay hindi siya. Ang kanyang sala ay nagmula sa hampas lupang si Deianira! Ang kontrabida sa kanyang maayos na buhay na unti unting nasisira na parang pulbura.

Hindi siya mapagpanggap, hindi siya isang lobo na nagbalat ng isang tupa para maakit ang nakararami. Hindi siya isang masamang tao na iniisip ng iba.

Todo ang iyak ng dalaga sa apat na sulok ng isang kuwarto. Mahinang hikbi at kinakampana ng mahinahon ang kadena na nakapalibot sa kanya. Wala na din siyang lakas para sumigaw o magmakaawa dahil ilang araw na din siyang ikinulong na parang daga ng mga gwardya.

Ang pinakamamahal na prinsesa na si Annalise ay nalason na sanhi ng kanyang pagkamatay. Ang mga katulong ni Asteria na pinagkakatiwalaan niya ay tra-traydurin din pala siya.

Halos lahat ng nasa palasyo ay walang angal na ang susunod na uupo sa trono ay si Asteria. Malakas din ang kanyang impluwensya sa ibang bansa at maging sa ibang kontinente ng mundo. May naangking kaakit akit na anyo ang binibini. Si Asteria ay parang isang dyamante na inukitan ng maraming ginto at pilak na nakapaligid.

Walang tao ang hindi mamamangha sa kanya... Isa siyang diwata ngunit pinangalanan na isang anak ng mangkukulam.

Maraming kuro kuro na may abilidad siyang makapagpagaling ng may sakit, makapag bigay ng maganda at hindi magandang hinaharap sa isang nilalang at ang huli... May mahikong itim na abilidad at iyon ay ang...

SUMPA.

Sino na ang inaakalang diyosa ng lahat ay isang demonyo? Isang malinis na ngayon ay nadungisan. Kilala na siya ngayon bilang isang mangkukulam na dapat ng mamatay dahil naniniwala ang karamihan na siya ay isang sumpa ng kamalasan.

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon