Chapter 352

662K 24.5K 50.2K
                                    

A/N: Hindi umabot yung additional chapter.

I was hoping for more.

Sana ma-enjoy niyo pa rin. Maraming salamat guys sa pagsuporta kahit matagal ang update.

Culprit in red

Jay-jay's POV

Gusto kong manuntok. Gusto kong manuntok ng horoscope. Gusto kong suntukin ang muka ni Aries the horoscope.

Gigil mo si Ako.

Hindi ko alam kung proud ba siya na andito na ang kotse niya na galing sa TATAY ko. O nahihiya siya dahil lahat kami ay nakapaligid sa sa kanya at sa bagong kotse niya.

At hindi lang basta-basta kotse. Mamahalin, at nakikita kong ginagamit sa mga telenovela sa tv. Yung sinasakyan ng mga mayayaman.

"Nice car." Sarcastic na sabi ni Kuya Angelo sa kanya habang hawak ang mga papers ng kotse.

Kumpleto na sa papeles. Rehistrado at my plaka ng nakakabit.

"P-paano na yung dating kotse ni Aries?" Naiilang na tanong ni Tita Gema.

"I will still use it—."

"Wag na. Nakakahiya naman sa bago mong kotse." Putol ni Kuya sa sagot ni Aries.

Napakamot nalang sa ulo ang kapatid kong hindi nahulaan ang sariling kapalaran niya ngayon araw na to.

Buti nga.

"Hindi na ba maibabalik yan?" Tanong ni Mama.

"Gustuhin man natin saan natin ibabalik? Sa bumili o sa binilhan? Either way, none of them will accepted it." Sagot ni Kuya.

Napanguso ako ng makita ang sarili kong reflection sa katawan ng kotse dahil sa sobrang kintab. Para tuloy ang sarap kumanta, ala Lea Salonga.

Who is that girl I see?

"Mas mabuti siguro kung mamaya nalang natin pag-usapan ang gagawin sa kotse. Mahuhuli na sila sa school." Sabi ni Tita Gema at sumang-ayon naman si Kuya.

"I will talk to you later." May pagbabantang sabi ni Kuya kay Aries bago siya hayaang lumapit sa bagong kotse niya.

Napansin ni Kuya ang hindi ko paggalaw sa kinatatayuan ko. Pinagtaasan niya ko ng kilay.

"Hatid mo ko." Pakiusap ko.

Tinuro niya ang bagong kotse ng kapatid ko. "This car is from your Dad. Ayaw mo bang maamoy ang pera ng Tatay mo?"

Halatang nang-aasar siya. Napasibangot ako sa kanya na kinatawa naman niya.

Hindi nakakatuwa.

"Ayoko dyan."

"Paano ka papasok?"

"Kung hindi mo ko ihahatid, lalakad. Pwede ring tatakbo, gagapang o kaya gugulong. Kung anong option available."

Agad niya kong inambaan ng batok kaya mabilis akong lumayo sa kanya at iniharang ang mga braso ko.

"Ihatid mo na kasi ako." Pangungulit ko.

Tinignan niya si Aries mula sa loob ng kotse. Napailing pa siya bago maglakad papasok ng bahay. Buong akala ko ay hindi niya tutuparin ang pakiusap ko pero agad akong napangiti ng marinig ang sinabi niya.

"Kukuhanin ko lang ang susi."

Napapalakpak ako sa tuwa at mabilis namang napairap ng mapansing nakatingin sakin si Aries. Napailing siya bago paandarin ang bagong kotse paalis.

Ang Mutya ng Section E (Part Three) The Final BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon