005 - PARTE NG MEMORYA

4.4K 264 27
                                    

"Oops, sorry behs. Pasensya ka na. Hindi talaga namin sinasadya." natapon ang juice mula sa ulo ni Shania. Katabi nito si Ione Lazuli na naging kaibigan nito since grade seven pa lang sila sa Royal Possession Academy.

"O–O–Okay lang... H-H-Hindi mo naman sinasadya eh." Shania replied with her usual voice as she stand up from her seat. Walking away from the cafeteria as she attempted to go to her locker to find some spare clothes to wear.

Sanay naman na maganon si Shania. Hindi niya din magawa sabihin sa nakakataas o sa kanyang magulang ang ganitong sitwasyon sapagkat alam niya na magiging pabigat lang siya. Ayaw niya na din lumala pa ang away dahil busy ang lahat ng tao sa kani-kanilang ginagawa.

Balak sana buksan ni Shania ang kanyang locker ngunit nangangamoy basura ito. Pagkabukas niya ng locker, nawala lahat ng nilalaman ng kanyang locker at tanging basura ang nakapaloob doon. Hindi niya mapigilan na mapaiyak ng sobra at dinadam masyado ang paghihiram na nararanasan niya.

"Kumalma ka Shania... Everything is going to be okay." she calmly stated at kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa mula sa palda. Asking for her butler to deliver some spare uniform for her to wear.

━━━━━❘༻༺❘━━━━━

Grade 8 election at marami nang nagbabalak bumoto kung sino ang mga tao na nararapat mamuno at mapaupo sa student council. Habang nanonood si Shania sa kanyang kuwarto, Ione sent her a picture full of edited pictures of herself. It was a banner of her promotion as a Vice President. Si Beatrice Gillian ang may pakana ng lahat ng ito. Ione hated Beatrice Gillian from head to toe dahil lagi na lang nitong sinasaktan si Shania. Ione did try her best to report this case kaso laki lang din sa hirap ang babae at natatakpan ng pera ni Beatrice ang binabalak ni Ione.

Hindi din alam ni Shania kung bakit mainit ang ulo ni Beatrice sa kanya dahil she never did something to offend the 'IT GIRL' Of their campus.

Tanging iyak lang ang nagawa ni Shania when she saw a lot of memes that was featuring her face. Yung iba katawan na ng porn star while her face was applied on the porn star's face. Humigpit ang hawak ni Shania sa cellphone not knowing na namula na ang kanyang kamay sa sobrang pangigigil.

She wanted to rant out something. Nag try na din siya na tawagan ang kanyang mga magulang upang mapagusapan ang kanyang kalagayan sa school but sadly, both of them have a business to take care of. Dahil busy ang kanyang mom at dad, laging out of reach ang dalawang importanteng tao sa kanyang buhay. She tried sending some messages pero hindi pa din nila ito nasi-seen. Both of her parents have two phones. Yung isa ay sa pang business at yung isa ay para sa family ngunit hindi ata nagagamit madalas ang isang cellphone para makausap ang kapamilya.

So she did something... She tried to make a diary to rant out all of her problems from this world.

Ng sa ganong paraan ay gumaan naman ang kanyang pakiramdam. Sa bawat pag sulat ng hinanakit at sama ng loob, unti-unti nang kumakalma si Shania at parang mas naaliw pa na habaan ang pag sulat sa bawat pahina ng papel.

━━━━━❘༻༺❘━━━━━


Napadilat si Shania ng wala sa oras at tumingin sa orasan na naka lapag sa ibabaw ng lamesa na malapit sa kanyang higaan. Naabutan niya pa na nagising siya ng alas tres ng madaling araw. Dali dali niya din kinapa ang ibabaw ng lamesa para abutin ang salamin dahil medyo nanlalabo ang kanyang paningin.

"A-A-Ano iyon?!" napahawak siya sa kanyang sarili at nagsimula na naman mangirot ang kanyang ulo. Tila'y lumabas ang senaryo ng pamilyar na lugar ngunit lahat ng ito ay sadyang nandidilim at nanlalabo. Nakakarinig din siya ng iba't ibang boses na nagmula sa ibang tao na hindi niya kakilala.

Parang sinasaksak ang ulo niya na hahantong na itama niya ang sariling ulo sa pader. Nangati din ang kanyang kamay na kalikutin ang tenga dahil nakakarinig siya ng bulong.

Tuloy tuloy ang pag bibigay ng flashback na parang nasa isang sine siya nanonood. Ng tumigil na ang ganitong pagpaparamdam ay agad na may nahulog na bagay mula sa bookshelf niya.

Isang makapal na libro na nababalot ng katad ng ahas. Agad na tinakbo ni Shania ang direksyon patungo sa isang bagay at binuklat iyon.

D-D-Dugo!! May dugo ang bawat pahina ng talaarawan ng dating Shania!

"Salamat at narinig niya din ang ninanais ko. Maaring ito ang maging daan para makabalik ako ng maaga sa aking mundo!"

Dala dala ang talaarawan, agad siya bumalik sa higaan para basahin ang nilalaman. Nagsimula sa paunang pahina na mukhang sinapawan ng kape ang unang pahina.

UNANG ARAW,

     Hello, this is my first time writing
     something in my diary, hoping that I
     could fully express what is on
     my mind as well as my heart's
     desire. Since this is the intro,
     I would like to fill this journal
     full of happy memories... Hopefully.

Binuklat ni Asteria ang susunod na pahina at medyo mahaba haba ito kumpara sa unang nilalaman.

IKALAWANG ARAW,

     Hello, my parents are both busy dahil
     nagkaproblema ang kumpanya.
     Hahahaha, hindi alam nila mama na
     naguidance ako dahil
     Beatrice accused me for stealing
     her money. I told them na it
     was not me ngunit may nag edit
     ata ng CCTV footage sa
     loob ng room. My friend
     Ione defended me pero I don't
     want her to put in this trouble
     kaya inako ko na yung
     kasalanan kahit
     hindi naman talaga totoo. I just want
     a peaceful life...
     Bakit hindi ko magawa?
     I was hoping that Beatrice could
     approach me in a straight way kung
     may atraso ba ako sa kanya or may
     nagawa akong mali sa kanya.

Asteria balled her hand into a tight fist as she was gripping the journal full of force. Hindi niya masikmuraan na ginaganito si Shania ng isang basura. Yes, she shall call that Beat-bitch as a trash. Pag naglandas sila ng daan matitikman ng basura na iyon kung paano magalit ang isang Liebesfreud.

IKATLONG ARAW

     OMG!!! FOR REAL I THINK THIS IS
     FIRST LOVE?! IMAGINE NA NOTICE
     AKO NG CRUSH KO!! Ok, ok, I don't
     know if this was just a coincidence.
     Nakuha ko ang titolo ng Vice
     President na role sa school namin! I
     was so happy like this moment is a
     dream come true! Alam niyo ba kung
     sino ang president ng school namin?
     Walang iba kung hindi ang campus
     crush at isang genius na si Jairuss
     Kingston! He is a pure blood from a
     royal family!!! Napaka suwerte ng
     kanyang magiging girlfriend. Matalino
     naman siya eh... Gwapo, Malakas,
     Magaling sa sports at parang nasa
     kanya na ang lahat.
     Alam kong masyado ko itong
     bini-big deal pero I get so nervous
     tuwing naglalapit kami. It was
     normal to be in the same room with
     him because we are part of the
     student council... This day is such
     a good blessing. Thank you Lord for
     making my crush noticing me!

Dahan dahang isinara ni Asteria ang journal at agad na inisip kung anong kaugalian at katarantaduhan ang kanyang natuklasan... Ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang salitang pag-ibig.

Is it possible that this Shania has an issue when it comes to love?? At ano ang crush?? Hindi mawari ni Asteria kung ano ang ibig sabihin nito ngunit para siyang nandidiri tuwing pinapakinggan ito.

"Ugh... Puta." she didn't hesitate to curse out of the blue. She rarely curse... Pero sa sitwasyon ngayon tila'y mapapamura siya because she has a feeling that the journal contains a lot of cliche love story.

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon