. . . ⇢ 06 ˎˊ˗

297 15 18
                                    

"so sunoo, when was the last time you and nica talked?"

agad gumuhit ang lungkot sa mga mata ni sunoo nang itanong 'yon ni cyril sa kanya. it's already 10 pm at nandito pa rin sila sa dalampasigan, nakapalibot na nakaupo sa ginintuang buhangin.

cyril suddenly felt guilt as she awkwardly smiled. "u-uhh, you don't have to-"

"almost 3 months na kaming hindi nag-uusap, i guess? last naming usap nung nasa in denial stage pa lang si jungwon sa feelings niya for francine." sagot ni sunoo at pekeng tumawa.

nahalata 'yon ng mga kaibigan niya at hindi maiwasang makaramdam ng lungkot. cyril looked at jake with guilt on her eyes, blaming herself for asking but jake just pulled her closer to him and gave her a soft smile.

they were playing the cliche game called truth or dare at bote ang gagamitin para malaman kung sino ang tatanungin. saktuhan namang si cyril ang nag-spin sa bottle at si sunoo ang napili.

"sunoo.." lumapit si charlotte at binigyan ng yakap ang kaibigan. "we're here for you."

"thanks noona." sagot ni sunoo at sinubukang pasiglahin ang sarili. "oh, bakit ganyan ang mga mukha ninyo? ituloy na natin 'to!"

alam nilang lahat na sinabi 'yon ni sunoo para maibsan ang tensiyon kaya hindi na sumagot ang iba at nagpatuloy na lang sa paglalaro na para bang hindi nangyari iyon.

"ahem, ahem. spicy questions tayo, okiee?" hagikgik ni charlotte na ikina-excite ng iba habang 'yung iba ay mga killjoy naman, lol.

"kj niyo, lunurin ko kayo diyan." nang sabihin 'yon ni jungwon ay napanguso na lang ang iba at ang iba naman ay natawa.

sa ngayon, hawak ni francine ang bote- meaning: kung kanino man tumapat ang bote ay 'yon ang tatanungin niya. sinimulan niya na ang pagpapaikot sa bote at tumama ito kay julie dahilan para mapangisi si francine.

"umayos ka, fran."

normal lang ang boses ni julie nang sabihin niya 'yon pero pakiramdam ng lahat nagbabanta si julie kaya hindi na nila naiwasang matawa. napatango lang si francine pero nandoon pa rin ang ngisi sa kanyang labi.

francine cleared her throat, she looked at heeseung and julie which made julie scoffs that make her chuckled. "okay, okayyyyyy! julie, truth or dare?"

"truth." agad na sagot ni julie.

"truth, huh?" muling ngumisi si francine. "okay here's the questionnnnn! ahem, ahem. so julie, sa iyong palagay magtatagal kaya kayo ni heeseung?"

"hindi."

ang lahat ay nagulat nang marinig nila ang sagot ni heeseung. si julie na dapat sasagot ay natigilan at kunot noong binalingan si heeseung, nagtataka sa sinagot nito.

"what do you mean-"

"hindi, hindi ako papayag na malayo sa akin si julie. hinding-hindi ko siya pakakawalan at mananatili kaming magkasama hanggang sa huli." muling pananalita ni heeseung na ikinatahimik ng lahat.

pero mas lalong natahimik ang lahat nang si julie naman ang magsalita. "paano kapag may isa sa ating nakiusap?"

napakurap-kurap si heeseung pero bago pa ito makapagsalita ay agad na tumayo si jay at pumalakpak. "okay, haha. mukhang malamig na ang simoy ng hangin, dapat na yata tayong bumalik sa hotel?"

tumango naman si joy bilang pagsang-ayon. "tama, haha. sige, mauuna na kami." awkward itong tumawa saka hinila sina francine at julie.

sumunod naman sina charlotte at cyril since ang girls ay magkakasama sa isang malaking kwarto kaya ang mga lalaki naman ang naiwan sa may dalampasigan.

nanatili lang na nakaupo si heeseung hanggang sa sunod-sunod na nagsilapitan ang mga kaibigan niya sa kanya. nagpakawala ng hininga si ni-ki at hinawakan si heeseung sa balikat.

"hyung.."

napayuko lang si heeseung at lihim na napabuntong hininga. pagkatapos non ay nag-angat siya ng tingin with fake smile on his lips saka tumayo. "t-tara, bumalik na rin tayo."

hindi na sila hinintay ni heeseung na makasagot dahil nauna na itong naglakad palayo sa kanila pero agad ding sumunod si ni-ki at nang maabutan niya si heeseung ay inakbayan niya pa ito.

nagkatinginan naman sina jay, jake, sunghoon, sunoo at jungwon. sunghoon just heaved a sigh. "next time, 'wag na tayong maglalaro ng truth or dare."

tumango naman si jay. "tandaan, delikadong laro ang truth or dare."

"pero mas delikado pa rin ang bibig mo." dugtong ni jungwon, halatang nang-aasar.

pero bago pa man makaganti si jay ay agad na siyang hinila ni jake paalis. "bye, ikaw na lang sunghoon ang bahala sa dalawang batang 'yan!"

"excuse me?" hindi makapaniwalang usal ni sunoo at napatingin kay jungwon na nakataas ang kilay.

"heard that? mga bata daw kayo kaya pumasok na kayo kung ayaw niyong kainin ng aswang sa labas." kalmadong saad ni sunghoon.

mas lalong napataas ang kilay ni jungwon. "mas nakakatakot pa kayong maglandian ni charlotte noona kaysa sa aswang. tara na nga sunoo." sagot ni jungwon at si sunoo ay natatawang nagpahila kay jungwon.

napailing-iling na lang si sunghoon.

-♡️-

julie
@liekim

heeseung
julie tulog ka na?

heeseung
madam julieeeee!

julie
i'm sorry

heeseung
sorry for what?

julie
kanina

heeseung
oh

heeseung
bakit mo nga pala nasabi yon?

julie
hee, alam nating pareho na hindi imposibleng mangyari ang sinabi ko

heeseung
alam ko pero lalabanan naman natin ng magkasama diba?

heeseung
walang bibitaw sa atin diba?

heeseung
diba julie?

julie
matulog ka na hee

julie
matutulog na din ako

julie
sleep well, i love you

heeseung
oh hahaha

heeseung
sige goodnight!

heeseung
i love you too

heeseung
and i will always love you

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon