. . . ⇢ 09 ˎˊ˗

288 16 7
                                    

"so.. paano ka naligaw?"

tahimik lang naglalakad ang dalawa nang basagin ni mae ang katahimikang bumabalot sa kanila. napatingin si ni-ki sa kanya pero agad ding bumaling sa nilalakaran nila.

"sinundan ko 'yung liwanag."

"you mean 'yung ilaw sa lighthouse?" tumango lang si ni-ki. "oh.. dapat hindi mo na lang sinundan 'yon dahil kapag nagkataong iba ang nakakita sa'yo— for sure mapapagalitan ka."

dahil sa sinabi ni mae ay hindi maiwasan ni ni-ki ang magtaka. "bakit? ano bang.. meron sa lugar na 'yon?" tanong niya.

mae heaved a deep breath. "to be honest, ang lighthouse mismo ang pinagbabawal na puntahan kaya hindi pwede doon. ang lighthouse na 'yon ay tinatawag na love light.. dati."

napatingin si ni-ki kay mae, nag-aabang sa susunod nitong sasabihin. "tapos..?"

"dalaga pa lang si mama, dito na siya nagt-trabaho bilang janitress. dahil doon ay alam ni mama ang nangyari between CEO park and CEO sim— jay and jake's father. nakwento sa akin ni mama na binata pa lang sila ay matalik na silang magkaibigan at ganun din ang mga magulang nila sa business world. pero siguro nga sinubok ang katatagan ng pagkakaibigan nila CEO park at CEO sim dahil iisang babae ang inibig nila."

bahagyang nanlaki ang mga mata ni ni-ki dahil sa nalaman. pero tipid lang na ngumiti si mae. "pero hindi 'yon naging dahilan para mabuwag ang pagkakaibigan na meron sila dahil.. isa sa kanila ang nagparaya."

"nagparaya si CEO park para sa kaibigan niya. pero hindi rin nagtagal ay pinaubaya din ni CEO sim ang babae kay CEO park dahil ang totoong mahal ng babae ay si CEO park. dahil doon ay nagsama ang babae at si CEO park at sinuportahan sila ni CEO sim." dagdag ni mae at malungkot na napabuntong hininga.

"pero hindi din nagtagal ang relasyon nila. si CEO park ay nakabuntis at iyon ay nagbunga— si jay. habang bigla namang umalis ang babae. nalaman 'yon ni CEO park kaya hinanap niya ang babae, pero hanggang ngayon ay hindi niya na pa rin natatagpuan. mga ilang buwan ay nalaman ni CEO park na buntis ang babae at may possibility na siya ang ama ng bata dahil sa lighthouse na 'yon naganap ang matamis na gabi nilang dalawa." pagpapatuloy niya.

"but sadly, piniling itago ni CEO park ang love light dahil ayaw niya na maalala ang nakaraan nila at lumilitaw lang ang love light tuwing gabi para linisin at paandarin ang ilaw."

ni-ki just blinked. hindi makapaniwala sa kanyang mga nalaman. "paano 'yon natatago?"

"sa ilalim ng lupa. kung titingnan mo ang lighthouse habang nakabaon ito sa lupa ay aakalain mong isa lang 'yon matambok na materyal pero hindi talaga dahil iyon ang ulo ng lighthouse." paliwanag ni mae.

"whoa.." usal ni ni-ki at napatulala na lang habang naglalakad. pero agad din siyang natigilan nang may marealize siyang isang bagay. "wait.. di'ba sabi mo buntis 'yung babae na first love ni tito nung umalis ito? at only child lang si jay hyung, ibig sabihin ba non may possibility na may kapatid si hyung?"

mae just shrugged her shoulder. "i don't know.. pero sabi-sabi ng iba, baka nga anak 'yon ni CEO park."

"oh." 'yon na lang ang nasabi ni ni-ki.

"wait, hindi mo ba dala ang phone mo?" biglang tanong ni mae.

"dala—"

"ayon naman pala, so bakit 'di mo ginamit?" putol ni mae kay ni-ki na napabuntong hininga na lang.

"low.. bat. lowbat." sagot ni ni-ki na ikinatawa lang ni mae.

"oh well, malapit na rin naman tayo."

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon