CHAPTER 60

1.5K 85 19
                                    

COLEEN'S POV

"Girls! Tara!" mabilis kaming nagsitayuan nang nagsalita si Ate Sela sa ibaba ng bleachers. Kausap niya kasi kanina si Coach "Naghihintay na yung school van sa parking lot, pupunta tayo sa USH"

Magbblocking siguro kami, titignan namin kung gaano kaluwag yung court na kung saan kami magpperform. It's Monday and sa Wednesday na ang start ng Sportsfest. I'm excited, hindi lang halata.

Ang alam ko pumunta na ang mga varsity ngayon doon to check the court. Ang USH kasi ang host this year, last year naman kami.

Nakaramdam ako ng pag-ihi habang nasa byahe kami kaya ngayon kumekembot-kembot ako para pigilang lumabas. Unting tiis nalang Coleen, kaya mo 'to.

"Kuyaaa, nawiwiwi na akoo." Pangungulit ko sa driver na ihinto muna ang sasakyan sa isang gasoline station pero ayaw kasi malapit naman na raw.

Tch, kung lalaki lang ako baka sa bote ko nalang ilabas 'to. Nakakainis, ba't ba kasi ngayon pa ako na-ihi.

"Coleen, bilisan mo ha. Sunod ka nalang sa Gym." Sambit ni Ate Sela nang makababa kami ng van.

Nandito na kami, kailangan ko nalang makahanap ng cr. Nakapunta na 'ko rito dati kaya hindi naman siguro ako maliligaw. Agad akong naglakad sa hallway  habang naghahanap ng cr. Napapansin kong nakatingin naman ang ibang estudyante sa'kin dito sa hallway kaya medyo naiilang ako.

Alam na nilang sa HHU ako nag-aaral dahil sa uniform ko. Yung iba naman ngumingiti kaya nginingitian ko na rin sila. Mabait ako ngayon, 'wag kayong epal.

"Uhm, Hello Ma'am. Saan po yung bathroom?" Nakakita ako ng isang teacher kaya kaagad na akong nagtanong. Hindi ko na talaga mapigilan, naiihi na ako.

"Ah diretso ka lang dito tsaka kumaliwa ka, makikita mo na yung way papunta sa comfort room" Nagpasalamat na ako at kaagad na sinunod ang sinabi nito. Diretso tsaka kumaliwa.

Kumaliwa? What's kumaliwa? Left or right? Alin doon ang kaliwaaa. Naiinis na akooo, nakalimutan ko kung ano yung kaliwa! Hmm, maybe i'll go left. Feeling ko tama ako e.

Bigla namang nagningning ang mga mata ko nang makita ang sign papunta sa cr. Mabilis ako tumakbo papasok at pumunta sa isang cubicle.

Successs!! Sabi na nga ba, left 'yun e. Hindi ako bobo duh!

Nang maka-ihi ako ay lumabas na ako kaagad para pumunta sa gym. Habang pinapag-pag ko ang ang skirt ay may biglang bumunggo sa balikat ko kaya napa-upo ako.

Napatingala ako sa kaniya at may mga kasama pa siyang tatlong babae. Mean girls, huh? Mukhang wala silang balak na tulungan ako kaya tumayo nalang ako kaagad.

"Huh? High Horizon University" ika niya habang nakatingin saakin "What a clown" kaagad nagsalubong ang kilay ko sa kaniyang sinabi.

Wtf did she say?

"Pardon?"

"Oh, my bad" ngumisi ito tsaka dahan-dahang lumapit saakin "You're Coleen Trinidad, right?" Napapa-atras naman ako sa ginagawa niyang paglapit hanggang sa maramdaman kong pader na ang nasa likuran ko.

"What the hell is your problem?" Palaban kong sabi tsaka ko siya tinignan mula ulo hanggang pa. Isa-isa ko ring tinignan ang tatlong babaeng nasa likuran niya habang nakangisi silang nakatingin saakin.

Akala ba nila matatakot ako sakanila? Eh sa mukha nilang 'yan parang taga-linis lang ng cr. Yung isa mukha pang toilet bowl.

"Nasa schooltrip ka 'diba? Ah oo, kasi nakita kitang kasama ni Gabb e" magtatanong tapos siya rin lang ang sasagot. Bobo ba 'to?

LOVE WARNING // (UniCoco Series: I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon