Chapter 353

311K 17.2K 36.1K
                                    

A/N: kumusta? Miss niyo sila? Miss ko din mag-UD.

Anyway, sana magustuhan niyo.

Moving in

Jay-jay's POV

Mag-asawa pala si Sir Alvin at Ma'am Cindy?

Mag-asawa sila? Bakit? Kailan pa? At bakit hindi ako na-inform? Kung hindi ko pa nakita si Ma'am Cindy dito sa bahay ni Sir hindi ko pa malalaman.

Mag-asawa sila. Kung ganon, si Sir ang tunay na dahilan kung bakit andito si Keiren. Hindi dahil close si Ma'am at Keifer.

"Ayusin mo yang muka mo." Utos ni Kuya ng mapansing nakabusangot ako.

"May iniisip kasi ako."

"May isip ka pala?" Takang tanong niya.

Napahawak ako sa dibdib ko at umarteng nasaktan at nagulat sa tanong niya. Masyadong nakakasakit ng damdamin.

Sinaktan mo ko kapatid.

"Masama ba gising mo?" Inis na tanong ko. "May nanakit ba sayo?"

"Wala. Pero napalaban ako dahil sa kakulitan mo." Sagot niya at akmang kukutusan ako.

Sandali akong napaisip ng maalala ko ang baril na hawak niya kanina. Hindi basta-basta ang baril na yon.

"Bakit ka may baril? Saan ka nakakuha non?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya at sandali siyang natigilan.

"Marami akong sideline." Mabilis niyang sagot.

Magtatanong pa sana ako pero naagaw ng paparating na kotse ang atensyon namin. Dalawang magkasunod na sasakyan yon. Alam kong ang Hari ng mga Ulupong ang isa sa kanila pero hindi pamilyar ang kasabayan niya.

Huminto ang dalawang kotse sa harap namin. Hindi nga ako nagkamali na si Keifer ang driver ng naunang kotse. Hinintay ko ang pagbaba ng driver ng kasunod niya. Bahagya akong nagulat ng makita si Sir Alvin.

Wala sa itsura niya ang mabilis magmaneho.

"What's with this chaos Angelo?" Bungad ni Sir kay Kuya.

Parang hindi siya si Sir Alvin. Tunog istrikto siya ngayon at parang pagnagkamali ng sagot sasapakin niya. Malayo sa malumanay at laging nakikiusap na sir Alvin sa school.

Tinitigan ko siyang mabuti habang nakikipag-usap. Ibang iba ang kilos niya at ang pananalita niya pero kapareho pa ring manamit. Mas matindig nga lang ang katawan nito kay sa Sir Alvin sa school dahil bahagyang yukos ang likod non.

Kambal ni Sir?

Baka merong kapatid si Sir Alvin tapos kambal sila at magkamukang magkamuka sila.

Hinintay kong matapos ang pag-uusap nila pero hindi ko pa rin inaalis ang tingin kay Sir. Hanggang lumakad siya palapit.

"Ano pong pangalan mo?" Salubong ko sa kanya.

Taka niya kong tinignan. Pati si Kuya at Keifer taka ding napatingin sakin.

"Kambal ka ni Sir di ba?" Dagdag ko.

Napailing si Keifer habang nakangiti at napabuntong hininga naman si Kuya.

"I-I don't have a twin." Sagot niya sakin.

Napatanga ako. "Ay bakit kayo magkamuka ni Sir? Double hanger ka ni Sir?"

Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Keifer. "It's doppelganger not hanger."

Ang Mutya ng Section E (Part Three) The Final BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon