Kabanata 2

3K 108 27
                                    

Every 17th

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Every 17th

•••

MASAYA ANG NAGING HANDAAN KINA RAFAEL. Patuloy lang ang pagdagsa ng mga bisita lalo na't kapag may birthday, o selebrasyon dito ay buong barangay ang imbitado.

Natatawa na nga lang ako nang tinatagayan si Paeng ng mga manong, pero tumatanggi 'to dahil 'di s'ya mahilig uminom. Iniisip n'ya rin kasi siguro na kailangan n'ya pang maglinis pagkatapos ng selebrasyon, hindi n'ya pwedeng iasa na lang iyon kay Tiyang.

Nang mag aalas-cinco na ay kinailangan ko na rin umuwi, mahirap na kasi kung maabutan pa 'ko ng dilim, mag-aalala lang sa'kin Papa.

"Una na 'ko, Paeng," paalam ko rito. Sinundan ako nito patungo kung saan itinabi ko ang bisikleta ko.

"Hatid na kita," presenta n'ya sa'kin.

"Huwag na," tanggi ko rito. "Asikasuhin mo mga bisita mo. Magkita na lang ulit tayo bukas."

Agad na 'kong sumakay sa bisikleta ko at kumaway rito bago ako umalis.

"Magkita na lang tayo bukas!" sigaw ko nang makalayo na 'ko ng kaunti rito para marinig n'ya dahil umaapaw ang ingay ng kumakanta sa videoke.

Nakahalukipkip si Rafael na sinundan ako ng tingin papaalis.

Malapit lapit lang din naman ang kubo nila Rafael sa bahay namin kaya mga sampung minutong pagpadyak ay nakauwi na rin naman ako sa bahay. Si Papa ang sumalubong agad sa'kin nang makapasok pa lang ako sa pambungad na pintuan. Napansin ko na mukhang galing ito sa biyahe imbis na galing sa bukid. Suot-suot kasi niya ang polo na madalas lang naman n'yang sinusuot kapag umaalis kami.

"Saan ka na naman galing?" bungad sa'kin nito. Nakataas ang isang kilay na inuusisa ako.

Nagmano ako bago ako sumagot. "Kina Paeng po."

Bumusangot ang mukha ni Papa na parang 'di n'ya nagustuhan ang sagot ko. Natawa naman ako sa reaksyon nito at hindi ko iyon tinago. Ganito lang naman si Papa, madalas s'yang nagseselos sa oras ko na kasama si Rafael.

At dahil alam din n'ya, obvious naman, na may nararamdaman ako kay Rafael kaya ganito ang itsura n'ya. Pero okay lang, close din naman sila ni Paeng. Hindi n'ya lang siguro matanggap na nagdadalaga na ang anak n'ya.

"Pa, bawal ang nakasimangot, magkaka-wrinkles ka," biro ko rito na nagpangiwi sa kan'ya. Umiling-iling 'to at 'di nagtagal ay lumambot din ang ekspresyon n'ya.

Nawala ang atensyon ko rito nang biglang may ingay akong narinig na mukhang nanggagaling sa kusina. Nanlaki ang mga mata ko.

Nakalimutan ko na ngayon s'ya darating!

Agad akong tumakbo patungo kung saan nanggagaling ang ingay, sinundan ko ang boses ng isang lalaki na matagal-tagal ko na rin hindi nakikita.

Dumungaw ako sa kusina bago ako tuluyang pumasok rito, malapad akong ngumiti nang makita ang pigura nito at ni Mama. Siguro ay ngayon lang din sila nakarating galing ng biyahe nila sa Maynila dahil hanggang ngayon ay pareho pa rin silang nakamaong na pantalon.

Every 17thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon