Kabanata 4

1.7K 93 16
                                    

Every 17th

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Every 17th

•••

MATAPOS ANG KLASE ngayong Lunes ay diretso rin naman agad ako para umuwi na. Wala naman kasi masyadong gawain, isang tipikal na Lunes lang. Naghiwalay na kami ni Miran bago pa 'ko makalabas ng eskwela dahil may kailangan pa raw s'yang ibalik na libro sa library. 

Pumara ako ng tricycle pagkalabas ko ng gate ng eskwela. Buti na lang ay may mga tricycle na nakaparada lagi rito kaya kahit wala ang bisikleta ko ay ‘di ako mahihirapan na umuwi. 

Naisipan ko na sumandali kina Rafael nang madaanan ng tricycle ang lugar nila. Doon na ‘ko pumara. 

Tumungo ako sa kubo nila Rafael, pero nang pumasok ako roon ay wala s’ya. Si Tiyang Rosa lang ang nadatnan kong naroon.

Dahil hindi naman kalakihan ang kubo nila Rafael ay wala nang dibisyon ang ibang parte nito. Iisa ang sala, ang kusina, at ang hapag-kainan nila. Syempre, nahihiwalay lang ang palikuran at ang kuwarto ni Paeng at ni Tiyang. Pero kahit ganoon, madalang kong makita na magulo ang loob ng kubo. Palagi itong malinis.

Nasa kusina si Tiyang Rosa na mukhang nagluluto. Lumapit ako rito para magmano. 

“Tiyang, wala pa po si Paeng?” bungad na tanong ko.

“Wala pa, ‘nak, pero pauwi na rin ‘yon galing eskwela panigurado.” Ginawi nito ang ulo n’ya para ituro kung nasaan ang hapag-kainan. “Mag merienda ka muna habang hinihintay mo.”

“Ay, Tiyang, hindi na po siguro. Baka pagod na po ‘yon, babalik na lang po ako bukas.”

“Sigurado ka? Hintayin mo na, sandali lang naman at darating na ‘yon.” 

Dala-dala ang bagong lutong kamote cue patungo sa hapag-kainan a sinundan ko ito. 

“Hindi, okay lang po. Mauna na rin po ako,” paalam ko rito. Inayos ko ang pagkakasabit ng backpack ko. 

“Sige, mag-ingat ka,” paalam naman ni Tiyang pabalik. 

Nang tumalikod na ‘ko para umalis ay napasinghap ako at napapikit dala ng pagkagulat. Bigla kasing sumulpot si Paeng. Hindi ko man lang naramdaman ang presensya n’ya.

“Loko ka, ginulat mo ‘ko!” Hinampas ko ang balikat nito na hindi n’ya nailagan. Narinig ko rin na napatawa si Tiyang dahil dito.

Malapad na ngumiti ‘to dahil sa reaksyon ko. “Magugulatin ka masyado,” ang sagot na lang n’ya. Hinubad nito ang satchel na suot-suot nya at pinatong ‘yon sa lamesa. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung paano n’ya pinagkakasya ang mga gamit n’ya sa eskwela ro’n. Inalis n’ya rin sa pagkakabutones ang puting polong suot-suot n’ya, may panloob na suot pa naman kasi s’yang t-shirt. 

“Uuwi ka na? Mag merienda muna tayo,” aya nito sa’kin. 

Hinatak nito ang dalawang silya na gawa sa rattan. Sinabayan ko ito nang maupo na s’ya, at hinubad din ang backpack ko at pinatong ‘yon sa kandungan ko.

Every 17thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon