Chapter 13

73 13 2
                                    

Warning: This chapter contains gore. There will be bloodshed and violence. READ YOUR OWN RISK.

Chapter 13...Argument



Mary's Point of View

Si Louise at Nikki ay pumunta sa library kanina, ang iba ay nasa gym pa rin habang si Bruise naman ay hindi ko alam kung nasaan. Baka umuwi na.

Nag-inat ako at naghikab. Ako lang mag-isa ngayon kaya naman binalak ko nalang din umuwi. Wala nang katao-tao dito dahil nasa gym ang iba at ang iba naman ay nagsi-uwian na. Mag-isa lang akong nakaupo dito sa balcony ng isang building at hindi alam kung ano'ng hinihintay basta nakatambay lang. At dahil ubos na ang mga tao dito sa labas, nagdesisyon na akong umalis. Kaso pagkababa ko palang ay sinalubong ako agad ng maraming kalaban. Marami sila pero may sumulpot pa sa likuran ko maging sa magkabilang tabi ko. Means, napapalibutan ko.

I smirked.

"Ang dami nyo ngayon ah."

Nagkunwari akong may kukunin sa bag ko at tulad ng inaasahan, agad na may lumapit sa akin.

"Just kidding."

Hinampas ko ang aking bag sa dalawang lumapit sa akin at nilabas ang isang kutsilyo sa loob ng blazer ko saka mabilisan silang sinaksak sa leeg kaya naman natumba ang dalawa. Sa leeg ako madalas sumaksak para siguradong hindi sila mabubuhay at mabilis silang mamatay.

Nilaro ko ang kutsilyo sa kamay ko. "Let's end this. Gusto ko nang umuwi."

Sumugod ako sa kanilang lahat. Madami sila oo pero walang-wala sila kumpara sa akin. Kada malalapitan ko sila ay mabilis ko silang natataga sa leeg. Ni isa sa kanila ay walang makahawak sa akin. Nagtatalsikan ang mga dugo nila sa mukha ko pero wala akong pake. In fact, I like it. It is good to feel the blood of my enemies.

I am using my feet to kick them and my hands to kill them. Sinaksak ko ang isa sa kanila at mabilis na kinuha ang kutsilyo nito para dalawa ang magamit ko at mas mapadali ang laban. And for the last kill, binunot ko ang dalawa kong kutsilyong nakabaon sa dibdib ng dalawang natitirang kalaban. Bumagsak sila at ako naman ay tumingin sa mga nagkalat nilang bangkay.

"Tch. Why can't they just use a gun if they want to kill me? Hindi ba nila alam na experto sa kutsilyo ang kinakalaban nila?" Humakbang ako papalit sa bag ko at kinuha iyon. "Sila na ang bahalang linisin ang mga bangkay nyo."

Dahil nasa parteng likod ako ng school, dito ko nalang naisipang lumabas. Tsaka mas maganda kung dito ako dadaan para walang maraming taong makakakita sa kalagayan ko. Duguan at may hawak pang kutsilyo. Matakot pa sila sa akin. Isa pa mas malapit dito dahil shortcut ito patungong village. Wala nga lang dumadaan kasi delikado.

Magdidilim na at paniguradong mamaya-maya pa ang uwi nina Alex. Uuna na ako sa kanila.

Habang naglalakad sa medyo magubat na parte dito sa likod ng school, may bigla nalang akong naramdaman sa bandang likuran ko na papalapit. Mabilis akong lumingon at sinaksak ang isa na namang kalaban. Pagbagsak nito sa lupa, muling may sumulpot kaya naman muli ko itong sinaksak. Pero alam kong hindi pa dito natatapos ang lahat dahil inaasahan kong marami sila dito. Naging aware ako sa paligid. 

"Bwisit." Binitawan ko ang bag ko para makalaban ng ayos.

Pinatay ko nang pinatay ang lahat ng mga sumusulpot at unti-unti na rin akong nakakaramdam ng pagod dahil hindi sila nauubos. Makalipas ang mahabang minuto, bumagsak na ang mga tuhod ko sa lupa at hingal na hingal sa pagod. Wala nang sumusulpot at sana wala na talaga. Pagod na ako pero kung may kalaban pa, kaya ko pang lumaban. Ang kaso ayoko ngayon dahil maggagabi na at ayoko sa lugar nangangati ako.

Pass or Die? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon