Chapter 32

8.9K 287 11
                                    

REBECCA'S POV

Nakabalik na kami ni Messiah sa Maynila kasunod nun sina Steven at Kuya Rodney na hawak na ng mga pulis. Hindi ako makapaniwalang magagawa akong dukutin ng sarili kong kapatid dahil lang sa matinding obsesyon niya sa akin.

Oo, umamin si Kuya Rodney na mahal niya raw ako nang higit pa sa isang nakababatang kapatid. Our Mom passed out after he said that while Dad punch him on his face.

Hindi makapaniwala sina Mom at Dad sa ginagawa ni Kuya Rodney. Ngayon ay nakakulong ito at hindi ko pa alam ang mga hakbang na gagawin nina Mom at Dad dahil sa ginawa sa akin ni Kuya.

Alam kong masakit para sa kanila ang nangyari dahil sarili ko mismong kapatod ang naglagay sa akin sa panganib. I also know deep inside in their heart na ayaw nilang makulong si Kuya Rodney but they still did dahil hindi tama ang ginawa nito sa akin.

And for Messiah and I, we're now in a relationship. Marami na siyang nagawang kabutihan sa akin at ilang beses na rin niya akong iniligtas sa kapahamakan kaya sinagot ko na siya. Bakit ko pa papatagalin iyon gayong alam ko na simula palang nung una ay mahal ko na siya?

Kailangan ko namang pagbigyan ang puso ko. Kailangan ko sundin ang tibok nito. Ilang beses na akong nagparaya at nagbigay ng chance sa mga lalakeng alam kong minamahal ako na akala ko'y matututunan ko rin mahalin pero hindi pala.

Messiah is here, he already admitted that he loves me, too so our feelings are now mutual.

From: Babyloves
I'll pick you up later.

Hindi ko maitago ang kilig ko nang makareceive ako ng text mula kay Messiah. 1 week na rin ang nakakalipas simula nung dukutin ako ni Kuya Rodney at ngayon ay nakapasok na ulit ako sa school at hinihintay ang professor na papasok sa huling subject namin.

Babyloves na ang tawagan namin ni Messiah since naaasiwa ako sa baby na palagi niyang tawag sa akin dahil tawagan namin iyon ni Aiden nung kami pa. Speaking of him, nakakapasok na rin pala siya sa school at napansin ko noong unang linggo simula nang makita ko siya ay nakabenda ang kaliwang braso niya. Ano kayang nangyari sa kanya matapos naming mag-usap sa ospital?

I should thank too dahil hindi na niya inulit ang tangka niyang pagpapakamatay at mukhang ayos naman na siya. I can see that he's already avoiding me pero maganda na rin iyon para hindi na kami magkasakitan pa.

To: Babyloves
Opo. I will wait you :)

Ilang segundo lang ay kaagad naman siyang nagreply.

From: Babyloves
I love you

Kung pwede lang sumigaw ay ginawa ko na dahil sa matinding kilig na nararamdaman ko ngayon.

Nananaginip lang ba talaga akong boyfriend ko na ang isang suplado at tahimik na si Messiah Avenido na dati ay binabaliwala at pinagtataguan lang ako?

Hindi na ako nakapagreply pa sa kanya dahil dumating na ang huling prof namin at nagsimula na itong magdiscuss ng lesson namin.

Nang matapos ang mahigit isang oras sa wakas ay dismissal na. Kaagad ko nang itinago ang mga libro, notebook at ballpen sa shoulder bag ko at tumayo na para makalabas ng classroom.

Nakita ko naman na nakasandal si Earl sa pader ng classroom at mukhang kanina pa niya ako hinihintay.

Binabati at nginingitian pa siya ng mga estudyanteng napapadaan sa harapan niya. Earl is really famous in our school dahil member ito sa banda nila Isaac at gwapo pa kaya napakaswerte ni Sheila sa kanya.

"Earl!" Tawag ko dahilan para mapatingin siya sa akin at lumapit pagkatapos.

"Rebecca, buti at nakalabas ka na." Sabi niya.

Possessively Owned by MessiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon