Chapter 21

1.4K 41 0
                                    

Kylie P.O.V

"Kuya", mahinang saad ko.

Nakita kong may tumulong luha sa mga mata nito. Gusto ko itong yakapin ng mahigpit at sabihing 'na miss kita kuya' pero hindi ko magawa.

Tiningnan ko lang ito ng may galit, puot, inis at pagsisi. Pagsising naging kuya ko ito.

Sabi nila malaki ang Maynila. Maraming tao. Pero bakit nagkita kami? Bakit?

"Prinsesa ko", mahinang saad nito. Nakita ko ang pangungulila nito sa akin, pagkamiss at pagkagulat na muli kaming nagkita.

Bumalik lahat ng sakit na nagawa sa akin ng dating minahal kong pamilya.

"Prinsesa ko", tawag uli nito sa pangalan ko. Ibinuka nito ang mga palad na nagpapahiwatig na yakapin ko ito pero nanatili lang ako sa posisyon ko.

Hindi. Hindi ko siya yayakapin. Hindi ko siya lalapitan. Hindi ko siya patatawarin. Hinding-hindi na ako magtitiwala sa kanya kahit na kailan man. Ayoko ko nang maging kuya ito.

Pinigil ko ang sarili ko at walang pasabing tumalikod para puntahan ang mga anak ko.

Pero hindi ko na magawang pumasok pa sa loob dahil nandito na sila sa harap ko nakatingin ng matalim sa dati kung kuya.

Kinakabahan naman ako sa nangyayari. Nakita ni Kuya ang mga anak ko. Sasabihin ba nito kay Veil na may anak kami? Kukunin ba nito ang anak ko?

"Prinsesa ko", tawag sa akin nang nasa likod. Pero hindi ko na ito inabalang tiningnan ito at tinuon ang pansin sa mga anak ko.

"Mga anak halina kayo at ipagpatuloy niyo ang paglalaro niyo", sambit ko dito. Naramdaman ko naman na merong humawak sa braso ko at nakit si Kuya Vladimir na umiiyak.

"Hey you man don't touch my man", galit na saad ni Cynill.

Kilala ito ng mga anak ko dahil nung araw na sinabi ko ang totoo na niloko ako ng pamilya ko ay nagpumilit itong ipakita ang nga litrato nila para daw sa oras na may lumapit sa akin o sa kanila ay makilala agad nila kung isa ba sila sa nanakit sa akin.

Lumapit si Cynill sa akin at hinila ako at tinago sa likod nito kahit na hanngang dibdib ko lang ang height nito.

Nagtatakang tiningnan naman ito ni Kuya. "M-M-Mom!?", utal-utal na tanong nito na may halong gulat na nakatingin sa gawi ng mga anak ko.

"Oo mama ko siya kaya wag mo siyang hahawakan you cheater!!", galit na saad ni Cywill. Pinagtitinginan na din kami ng mga tao kaya medyo naiilang na din ako.

"M-May mga a-anak ka? B-Bakit hindi mo sinabi sa asawa mo? Bakit hindi mo sinabi sa akin", nagtatakang tanong nito habang nakatingin sa akin.

"Bakit susumbatan mo ko?", galit na tanong ko dito. Ano siya santo na pagsasabihan ko ng mga sikreto ko ehh siya nga mismo ang isa sa mga dahilan na hindi ko nasabi ang pagbubuntis ko sa nga oras nayun.

"Hindi! Hindi kita susumbatan. Pero sana naman sinabi mo sa akin o kahit lang sa asawa mo pagsabihan mo", pagsusumamo nito.

"Kuya yung araw na malaman ko niloloko niyo ako yun din ang araw na sasabihin ko sa DATI kung asawa na buntis ako pero hindi ko na nagawa dahil nakita ko kayo na niloloko ako", nakita ko naman ang gulat sa mga mata nito.

"S-Sorry kung nangyari iyon", tangibg sambit nito.

The Possessive TripletsWhere stories live. Discover now