Chapter 12

505 9 6
                                    

"Why are you smiling? Masaya ka na bumalik sya?" Sabi ng ina ni Gabby na may tonong panghuhusga. Simula't sapul ay hindi maganda ang relasyon ng mga pamilya ni Gabby at Matthew. Nang iniwan ni Matthew si Gabby habang nagdadalang tao ito ay sumama ang loob ni Amelya at Rodolpo, ang ina at ama ni Gabby. Nakita nila na sa pagkakamali ng dalawa ay si Gabby lamang ang nagdusa at naapektuhan habang si Matthew ay nasa Amerika, namumuhay nang walang iniisip na batang kailangan palakihin.

"Are you crazy? Ofcourse I'm happy! You should see Katharine. She's very happy to be with him, mom." Sagot ni Gabby. Naiinis sya sa gustong palabasin ni Amelya ngunit alam nyang hindi sya pwedeng sumagot sa kanyang ina dahil siguradong ipapamukha nitong muli ang ginawa sa kayang pagiwan ni Matthew.

"And it's all for Katharine, right? Nothing more?" Sabi ni Amelya na halatang naghihintay nang isasagot ni Gabby.

"Mom. It's crazy that you think this way! I'm with Peter. I'm not gonna give up my relationship with him for someone who left with no goodbye." Galit na sabi ni Gabby. Alam nyang alam ni Amelya na kahit papaano ay may saya na maiihatid si Matthew sa kanyang pagbabalik ngunit ayaw nyang aminin ito sa kanyang ina dahil alam nyang paguguluhin lamang nito ang sitwasyon na maaari namang maging simple lamang.

"Good. Tell him I wanna see him. We're all having dinner tomorrow. Your dad said he wants to speak with Matthew." Sabi ni Amelya. Agad itong tumayo upang lumabas ng opisina ni Gabby. Alam nyang kapag tumayo sya ay hindi na makakasagot pa si Gabby.

Lumingon si Amelya at tumingin kay Gabby.
"7:00 P.M. Don't be late."

"Mom." Sabi ni Gabby na para bang sya ay nagbalik sa pagkabata. Gusto nitong magprotesta ngunit pinutol agad sya ng kanyang ina.

"7 P.M. Goodbye." Tumalikod muli si Amelya at tuluyang lumabas ng opisina. Pagbukas nito ng pinto ay halos masubsob si Russell dahil nakadikit ang tainga nito sa pintuan upang pakinggan ang paguusap nang mag ina. Tiningnan lamang sya ng masama ni Amelya at agad nitong inayos ang kanyang pagkakatayo. Binati nya ito at sinabing masaya sya na dumating ito ngayong araw. Naglakad ng tuloy tuloy si Amelya na para bang walang narinig.

"Kamusta naman? Enjoy sa family reunion nyo bukas." Natatawang sabi ni Russell. Nakatulala lamang si Gabby dahil hindi nya alam kung paano yayayain si Matthew upang kitain ang kanyang mga magulang. Alam nyang mayroong takot si Matthew sa mga ito dahil sa ginawa nitong paglisan nuon ngunit mas malaki ang takot ni Gabby dahil ayaw nyang masaksihan ni Katharine ang gagawing pakikitungo ng kanyang ama kay Matthew.

"Gaga ka." Ito na lamang ang nasabi ni Gabby.

----

"You're home late... Again." Malamig na sabi ni Gabby kay Katharine nang pumasok ito sa kanilang bahay. Nanunuod ng telebisyon si Gabby nang narinig nitong nag park ng kotse si Katharine sakanilang garahe. Agad nitong pinatay ang TV at umarteng naghihintay ng matagal sakanyang anak.

"You should really go out, hindi yung palagi mong iniintay yung paguwi ko, mom." Seryosong sabi ni Katharine sa kanyang ina. Nagaalala na talaga ito kay Gabby dahil wala na itong ibang ginawa kung hindi ang magtrabaho at manatili sa kanilang bahay. Hindi na nito nakikita si Gabby na nag eenjoy.

"Peter's busy." Malungkot na sabi na lamang ni Gabby. Gustong gusto nyang lumabas ngunit nawawalan sya ng gana kapag naiisip nya na sya lamang magisa ang pwedeng umalis. Naiinis na rin ito sa kanyang sarili dahil pag uwing pag uwi nya galing sa trabaho, ang pagdating ng kanyang anak lamang ang kanyang hinihintay. Dati ay walang kaso sakanya ang paguwi ng gabi ni Katharine dahil gusto nyang magsaya ang anak at maenjoy nito ang kanyang kabataan, ngunit ngayon ay sumasama ang kanyang loob sa anak dahil hindi man lamang nito naiisip na samahan sya kahit na alam nyang nalulungkot ito.

"That sucks." Ito na lamang ang naisagot ni Katharine. Tumabi ito sa ina at binuksan ang telebisyon. Nakita nya na ang pinapanuod ng ina ay isang home shopping network. Natawa ito dahil halatang halata sa ina ang pagkaburo sa bahay.

"Seriously?" Natatawang sabi ni Katharine. Hindi natawa si Gabby, lalo pang naging seryoso ang mukha nito nang naramdaman nyang pinagtitripan sya ng kanyang anak.

"We have a problem." Sambit ni Gabby.

"Oh no. Is it grandma?" Takot na sabi ni Katharine.

"Pano mo alam?" Gulat na sabi ni Gabby. Napatingin ito sa kanyang anak at halatang nagtataka ito dahil wala syang naikukwento sa anak tungkol sa pagdating ng kanyang ina sa opisina.

"Mom I'm sorry!" Napatayo si Katharine. Paulit ulit sya sa paghingi ng tawad sa ina hanggang sa napagod ito dahil hindi nawala ang inis sa mukha ni Gabby. Habang paulit ulit na nagsosorry si Katharine ay napagtanto ni Gabby na ang kanyang anak ang nagsabi sa kanyang ina nang tungkol sa pagbabalik ni Matthew.

"Katharine!!" Sigaw ni Gabby sa anak.

"Mom I just got really excited. She called me and asked me how I was and then I accidentally told her about dad coming home." Malakas na sabi ni Katharine. Ipinagtatanggol nya ang kanyang sarili dahil alam nyang maraming pagkakaiba ang kanyang lola at ang kanyang ina. Hindi sila nagbabangayan pero kada na lamang magkasama silang dalawa ay hindi pwedeng hindi sila nagkakasamaan ng loob.

"It's okay." Maikling sabi ni Gabby. Umupong muli si Katharine sa tabi ng ina. Tinitingnan lamang nito ang ekspresyon sa mukha ni Gabby.

"What does she want now?" Seryosong tanong na lamang ni Katharine.

"She wants to have dinner tomorrow." Sabi ni Gabby sa anak. Hindi nito tinatanggal ang tingin kay Katharine dahil gusto nyang makita ang ekspresyon nito pagkatapos nyang sabihin ang natitira pang balita.

"That's not that bad. We have dinner with them every week. What's the big deal?" Sabi ni Katharine habang nakakunot ang noo nito.

"With your dad." Malakas na sabi ni Gabby. Nang nakita nya ang gulat sa muka ni Katharine ay tumango ito at nginitian ng pangiinis ang anak.

"You're kidding." Maikling sabi ni Katharine.

"Since it's your fault. You need to convince your dad to go with us tomorrow. Sige na I'll go to sleep. Goodnight anak." Mabilis na sabi ni Gabby. Tumayo ito kaagad at hinalikaan sa noo ang kanyang anak. Derederecho ang lakad nito. Hindi nya na hinintay na makapagsalita ang anak dahil siguradong marami pa itong itatanong sa kanya.

Until It Beats No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon