Midnight Lover - 26

139K 1.8K 126
                                    

RAVEN

Naging regular ang pagpunta-punta ni Asher sa condo dahil na rin sa paanyaya ng kuya kong si Raze. At hindi ko alam kung sinasadya ba niyang ipakita sa akin ang sweetness nila ni kuya.

Kaya ang ginagawa ko kapag alam kong nandito siya sa condo, magkukulong na lang ako sa kwarto ko at magsusulat hanggang sa igupo ako ng antok.

Pero may mga pagkakataon rin na nako-corner niya ako kapag lumalabas ako ng kwarto ko saglit para kumuha ng tubig tapos nagkataon namang nasa banyo si kuya. And during those times, hindi ko mapaglabanan ang emosyon ko.

Hindi ko alam kung magagalit ako sa kanya dahil sa tuwing mako-corner niya ako, basta niya na lang akong hahalikan at mabilis ring iiwan lalo na kapag alam niyang pabalik na ng sala si kuya. Minsan naiisip kong sobra naman na yata ang pagpapasakit niya sa 'kin. Pero sa tuwing naalala ko ang pagsisinungaling na nagawa ko sa kanya noon, doon ko parang naja-justify kung bakit niya ko pinagseselos ng ganito.

Kung tutuusin pwede ko namang sabihin na lang kay kuya Raze ang totoong rason kung bakit nakikipaglapit sa kanya si Asher. Pero natatakot ako dahil ayokong mawala ang mga kislap sa mata ni kuya sa tuwing kasama niya si Ash.

After all these years, ngayon ko na lang ulit nakita si kuya na ngumiti nang abot hanggang mata. Sa tuwing kasama niya si Ash ay saka ko lang naririnig ang halakhak na alam kong mula sa puso at hindi pilit. Kuya is genuinely happy with Ash. Kaya hindi ko mahanap sa puso ko ang lakas ng loob putulin ang kaligayahang nararamdaman ni kuya ngayon. I don't want to be selfish with my own brother.

Kaya talagang nagulat ako nang isang araw ay bigla na lang dumating si kuya Raze na may kasamang ibang lalake. At take note, familiar sa akin ang lalakeng bitbit niya kaya alam kong nakita ko na siya somewhere. Nasagot lang ang sagot ko nang pumunta siya ng kusina saglit habang nasa kwarto naman 'yong lalake na medyo bagets pa.

"Sino 'yon?" agad na tanong ko sa kanya na nakataas ang kilay.

"Si Kyle. Hindi mo na natatandaan? Ex ko."

Napabuntong-hininga ako. "Eh, ba't nandito?"

"May pag-uusapan lang daw kami," anito na medyo naging mailap ang mga mata.

"Mag-uusap tapos nasa kwarto kayo? Pwede namang sa sala na lang kayo mag-usap. Sa mall o 'di kaya sana nag-usap na lang kayo sa telepono."

Naalala ko na. Ito 'yong guy na iniyakan ng bongga ni kuya last year. Pinag-aaral niya ito at nagpapadala ng buwanang sustento pero sa huli ay nakabuntis rin ng babae. Kuya Raze was devastated that time. Nakita ko kung gaano siya naging miserable nang makabuntis ang Kyle na 'to na ngayon ay kasama na naman niya.

"Baka naman mamaya huthutan ka na naman niyan," sabi ko sa mahinang boses. "Kuya naman, hindi ka pa ba nadadala?"

Tinapik-tapik ni kuya ang braso ko. "It will not happen again, okay? Just trust me, sissums."

And I did. After all, hawak naman niya ang utak niya. Siya ang magdedesisyon para sa sarili niya. At mas nakakatanda siya sa akin kaya alam niya kung ano ang mas makakabuti para sa kanya.

Ang isang beses na pagpunta ni Kyle sa condo ko ay nasundan pa ng ilang beses. Hanggang sa bihira ko na ring makitang magkasama sina kuya Raze at Asher.

Pero isang araw ay bigla na lang sumulpot sa condo ko si Ash. Kilala na siya ng mga guard kaya naman malaya na siyang nakakalabas-masok sa building na 'to.

"Ash?" gulat na bati ko sa kanya. Hindi ko magawang buksan nang todo ang pinto dahil nasa kwarto sina kuya Raze at Kyle. "Anong kailangan mo?"

"Gusto ko lang makausap kuya mo. Andiyan ba siya?"

Bago pa man ako makasagot ay lumabas ng kwarto si kuya at nagsalita mula sa likod ko. "Sino 'yan, sissums?"

Nanigas yata ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. At bago pa man ako makapag-react ay itinulak ni Ash ang pinto at nagtama ang mga mata nila ni kuya.

"Akala ko ba nasa Tagaytay ka?" tanong ni Ash na nakakunot ang noo. Hindi ko alam ang tungkol sa Tagaytay so clueless ako. "Pinagtataguan mo ba ako?"

At bago pa man makasagot si kuya ay lumabas naman ng kwarto si Kyle na walang ibang suot na damit kundi boxer shorts.

"Babe, bakit ang tagal mo?" anito na umakbay kay kuya. Hindi nito napansin si Asher na nakatayo sa tabi ko.

Parang eksena sa pelikula na nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Asher, kuya Raze at Kyle. Pero muling bumalik ang tingin ko kay Ash at nakita ko ang pagtatagis ng bagang niya. Masasalamin ang matinding galit sa mga mata niya.

"Ash, let me explain..." nagtangka pang magpaliwanag si kuya pero mabilis na inawat siya ni Asher.

"You really don't have to, Raze. Ngayon maliwanag na sa 'kin ang lahat."

And just like that, Asher walks away and never looked back. Ako ang unang nakahuma sa aming mga naiwan.

Mabilis na sinundan ko siya palabas pero pasara na ang elevator kaya nag hagdan na lang ako. Pigil-pigil ko ang paghinga ko habang mabibilis ang bawat hakbang ko sa hagdan. Sa lobby ko na naabutan si Asher.

He isn't raging with anger anymore. But I can see the sadness in his eyes. Mabilis na naiharang ko ang sarili ko sa dadaanan niya. Galit na napahinto siya at nang-uuyam ang mga tinging ipinukol sa 'kin. There's even this particular twitch at the tip of his lips—as if mocking me.

"Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong kasalanan at lagi na lang akong niloloko ng mga tao. Pero alam mo kung ano ang magandang bagay na nangyari sa bagay na 'to? Nadiskubre ko na magkapatid nga kayo ni Raze kasi pareho kayong manloloko."

Parang may bumarang mapait na likido sa lalamunan ko dahil sa sinabi niyang 'yon.

"Ash, please..."

Pero wala yata talaga siyang makinig sa mga sasabihin ko. Nilagpasan niya lang ako at tuloy-tuloy hanggang sa may main gate. Hindi ko alam kung masokista ba ako o ano pero sinundan ko siya hanggang sa may gate at tinawag ko pa siya nang tinawag kahit nakita kong pumara na siya ng taxi.

At tila nananadya naman ang panahon na agad may dumaang taxi na walang laman at agad na nakasakay siya.

Tumakbo ako par asana habulin pa siya pero nagsimula nang umandar ang taxing sinasakyan niya.

Wala akong nagawa kundi habulin na lang ng tingin ang taxing 'yon kung saan nakikita ko mula sa kinatatayuan ko ang likod ni Ash.

At ganoon na lang ang gulat ko nang pagdating ng taxi sa may stoplight ay bigla na lang may rumaragasang ten wheeler truck na dire-diretsong bumangga sa taxi na sinasakyan ni Asher. Ang sumunod na narinig ko ay ang pagkikiskisan ng mga metal kasunod ang malakas na pag-ingit ng gulong.

Shocked na naitutop ko ang dalawa kong kamay sa bibig ko at nag-unahan namang mamalisbis ang mga luha sa mata ko.

Hindi ko alam kung paano ko nagawang ihakbang ang mga paa ko pero namalayan ko na lang na nakalapit na ako sa pinangyarihan ng aksidente. Nanghihinang napaluhod ako habang nakikita ko na halos nayupi na ang taxi kung saan nakasakay si Ash at may umaagos na dugo na alam kong dugo ni Ash.

"Ash!!! No!!! Ash!!!"

Panay ang tawag ko sa pangalan ni Ash na tila ba may magagawa ang pagsigaw kong 'yon. Hanggang sa unti-unti nang dumami ang taong nasa paligid ko at hindi ko alam kung sino ang humawak sa 'kin at inalalayan akong maupo sa isang tabi habang panay pa rin ang tawag ko sa pangalan ni Ash.

Hanggang sa hilahin na ang truck na nakabunggo sa taxi na sinasakyan ni Asher ay panay pa rin ang tawag ko sa pangalan niya. Hindi ako makapaniwalang sa ganito lang magtatapos ang lahat.

"Ash..." sa puntong 'yon ay hindi ko na mapigilang mapahagulgol.


PLEASE CHECK OUT MY VLOGS! ❤️❤️❤️

Midnight Lover [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon