Chapter 34

8.3K 289 45
                                    

ELI'S POV

Napabuntong-hininga nalang ako habang rinig na rinig namin ni Selah ang pagwawala at pagbabasag ni Kuya Messiah ng mga gamit niya mula sa loob ng kwarto niya.

We already know that Rebecca will going to marry Steven, Kuya Messiah's friend.

Bakit ba hindi man lang kumontra si Steven sa kasalang magaganap sa kanila ni Rebecca? What a traitor friend he is.

"Kuya Eli, sobra na talaga akong nag-aalala kay Kuya Messiah. Baka mamaya may kung anong gawin pa siya sa sarili niya kapag hindi natin siya napigilang magwala sa loob." Umiiyak na sabi ni Selah.

Napailing naman ako at kinuha mula sa bulsa ng suot kong pantalon ang duplicate key ng kwarto ni kuya. Nang mabuksan ko na ito ay ganon nalang ang pagkagulat namin ni Selah nang makita kung gaano kagulo ang buong kwarto niya.

Kuya Messiah really looks miserable at kitang-kita pa ang mga sugat na natamo niya sa katawan dahil sa pagwawala. Nasa isang sulok lang siya ng kwarto habang nakasabunot sa mga kamay nito ang buhok niya.

Kaagad naman namin siyang nilapitan ni Selah.

"Kuya, are you alright?" Nag-aalalang tanong ni Selah kay Kuya Messiah na nakatungo pa rin.

"No. I will never always be alright. I have a friend who betrayed me and a girl that I can't reach anymore." He chuckled.

Seeing my brother likes this makes me feel pity for him. Inagawan pa namin siya ni Eli ng karapatan noon at ngayong nagkaroon na siya ng tsansa kay Rebecca ay saka pa nangyari ito.

Nagalit sina Tita Naomi at Tito Daniel sa kanya dahil nga binaril nito sa braso si Rodney na muntik pang ikamatay niya. My older brother is a beast when he is mad kaya nga pati si Isaac na sarili pa naming kapatid ay muntik na niyang patayin sa pambubugbog niya noon. He can't think straight lalo na kapag si Rebecca ang pinag-uusapan.

"We will do everything para hindi matuloy ang kasal nila Ate Rebecca at Kuya Steven. We will help you, kuya." Sabi ni Selah para pagaanin ang loob ni kuya.

Doon ay napatingin sa amin si Kuya Messiah at ngumiti ito ng malungkot.

"Thank you for having a siblings like you." Seryosong sabi niya.

Tinapik ko naman ang balikat niya. "No problem, bro. Tanggap ko nang sa'yo lang si Rebecca at tutulungan ka namin ni Selah sa lahat para mabawi mo si Rebecca." Nakangiting sabi ko na ikinangiti rin ni Selah.

"Thank you, Eli." Mahinang sabi ni kuya.

I just nodded pagkatapos ay inalalayan namin si Kuya Messiah na umupo sa kama niya. Kumuha naman si Selah ng first aid kit sa cabinet ni Kuya Messiah pagkatapos ay nilinisan niya ang sugat at mga kaunting pasa ni kuya sa katawan.

"I don't understand at all. Hindi ba't matagal na kayong magkaibigan ni Steven? Bakit mukhang para yatang payag siyang magpakasal kay Rebecca at hindi siya tumutol do'n?" Tanong ko.

Umigting bigla ang panga ni Kuya Messiah sa sinabi ko. "Its obvious that he likes Rebecca, too. I can't believe that he's also an asshole like Rodney. Nagsisisi tuloy akong humingi ako ng tulong sa kanya para sagipin namin si Rebecca kay Rodney." Madiin niyang sabi at ginulo nito ang buhok niya.

"Tsk! Wala na talagang kaibigang mapagkakatiwalaan sa mundo. Kaya nga iniiwasan ko na rin ang mga plastic kong friends sa school. Palibhasa sa akin nagkakagusto ang mga crushes nila." Umiiling namang sabi ni Selah na ikinatawa ko.

"And don't you dare to have a boyfriend dahil nag-aaral ka pa. Malalagot talaga sa akin kung sinuman ang manligaw sa'yo ngayon, Selah." Banta ko kay Selah na inirapan lang ako habang dinadampian ng bulak na may betadine ang mga sugat sa braso ni kuya.

Possessively Owned by MessiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon