LBLAS (CHAPTER 5)

8 7 0
                                    

LUCAS' POV

"Hindi ba masakit yung sampal niya kanina? Para kasing wala lang sayo." tanong ko sakanya.

"Ih kung ikaw kaya sampalin ko ng ganun ka lakas?" tanong niya sa akin.

"Nag tatanong lang ih, buti nga ina alala ka bobo mo."

"Mag drive kana, gutom ako" Sabi niya

"Aba-" Namamanghang sabi ko sakanya.

Hindi nako nakapag salitang muli nang kinuha niya sa akin ang susi ko at siya na ang nag maneho sa kotse ko, pumasok ako sa passenger seat at umupo sa tabi niya.

Hinayaan ko syang mag maneho at hindi man lang umabot ng twenty minutes ang pag mamaneho nya ay nakarating kami kaagad sa isang resto na simple lang.

Bumaba siya kaya sumunod ako.

Nang maka pasok na siya sa resto ay naupo siya ang sumunod ako. Kinuha nya ang menu at tinignan kung ano ang available doon.

Saka may lumapit na matanda na di nalalayo ang edad sa sengkwenta.

"Isa po'ng bulalo at isang kanin, isama nyo na din po itong beef steak. Paki damihan din po pala ng sabaw yung bulalo" order nito t'saka bumaling ang lola sa akin..

"Ganun nalang din po sakanya lola" bumaling ako sakanya at umalis na ang matanda para i handa siguro ang inorder naming pagkain.

Sa totoo lang hindi ko pa na try kumain ng bulalo dahil madalas kinakain ko ay itlog, hotdog at waffles lang sa umaga, pero dahil kasama ko siya ngayon, siguro makaka tikim na ako. Oo na hambog na alam ko yun.

"Bakit mo ako sinundan doon?" biglang tanong niya sa akin.

"Narinig ko kasi sa locker room nyo na may kumalabog kaya pumunta ako doon at naabutan ko yung mga libro mong naka kalat sa sahig t'saka ako tumatakbong sinundan yung kumuha sayo" mahaba kong paliwanag at di namalayan na naka balik na pala ang matanda dala ang isang tray na may laman nung mga inorder namin.

"Kumain kana, para maka uwi kana sa inyo, masyado nang gabi para gumala ka." sabi ni Blythe at sumubo ng pag kain niya.

Tinikman ko ang bulalo at napa maang ako sa lasa nito.

*BLYTHE'S POV*

Tinignan ko si Lucas na kumikinang ang mata at napatulala sa kinakaing bulalo.

"Ohh bakit ka napa tulala? Ayaw mo ba sa kinakain mo? Akin nalang ba yan?" tanong ko sakanya.

"Ahh ehh hindi, gusto ko naman, diko lang inaasahan ang lasa nito, masarap ih" t'saka ito sumubo ulit at ninamnam na parang nasasarapan nga sa kinakain.

Ganyan din reaksyon ko noon nung una akong kumain dito, pabalik balik ako dahil masarap mag luto si lola Minerva.

Minsan nga tinatawag niya na akong apo dahil sa dalas kong pumunta dito, at na-aabutan ko ang pinaka bata niyang apo na tumutulong din sa pag babantay nitong mumunti nilang resto.

Habang ako ay kumakain, di ko maiwasang tignan si Lucas na namamangha parin sa kinakaing bulalo, HAHA cutie parang batang ngayon pa naka kain ng bulalo.

"Bilisan mong kumain para maka uwi kana" sabi ko nang matapos akong kumain at hinihintay nalang itong matapos.

Tumayo ako at pumunta sa cashier at nag bayad, bumili na din ako ng dalawang soft drinks para sakin at kay Lucas.

Matapos kong mag bayad ay bumalik ako sa kina-uupuan ni Lucas at binigay sakanya ang softdrinks, patuloy pa rin ito sa pag higop ng sabaw at diko maiwasang titigan ito.

"Huwag mokong titigan ng ganyan Blythe baka matunaw ako."

"Ako?tinititigan ka? Asa." saka ako umalis at bumalik sa pinag-parkingan namin nung sasakyan niya at binuksan ang pinto saka pumasok at binuksan ang radyo para mag pa tugtog ng musika.

*NOW PLAYING CLOSE TO YOU BY CARPENTERS*

Hindi ko namalayan ang pag pasok niya sa kotse dahil naka pikit lang ako at ninanamnam ang ganda ng musika.

"Hindi ko alam na mahilig ka pala sa kantang yan?" biglang salita nya

"Paborito ko yan simula nung bata pa ako, lagi kasi pinapatugtog ng mama at papa ko yan kaya nagustuhan ko din pakinggan." paliwanag ko sakanya.

"Hmm, oh ano? Matutulog ka nalang ba jan? Hindi ba tayo uuwi?" tanong niya sa akin.

Saka ako nag maneho papunta sa condo ko, at di man lang kami inabot ng ilang minuto ay naka abot na kami.

"Thanks for the ride" sabi ko saka ako pumasok sa condo ko.

*END OF CHAPTER 5*

LETS LEAVE IT THERE, I WILL CONTINUE THIS NEXT TIME IF I HAVE TIME TO UPDATE, I'M TOO BUSY DOING MY MODULES SO SEE YOU NEXT TIME!

Love Between Lies And SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon