<21> Inggit

5 3 0
                                    

Jade's POV

"Well, what do we have here? A pair of feeling winners" maagang pagmamaldita ng aking kakambal na si Jace. 

Kasalukuyan kasi kaming nanunuod ng paborito naming palabas ni James tuwing umaga, Spongebob Show, nandito kami sa sala ng bahay namin. Maaga kaming gumising kahit na walang pasok para lang mapanood 'to. Tapos biglang maabala dahil lang sa magaling kong kapatid. Ano ba 'yan agang-aga ay may mangyayari pa atang away sa aming magkapatid.

"Nanonood lang naman kami ng Spongebob" pagsagot ni James at tutok na tutok pa din sa pinapanuod namin. 

"Wala ba kayong TV sa inyo at dito ka pa nadayo ng panonood ng cartoons?" pagpatol naman nito, tumayo na'ko sa kinauupuan at hinarap na ang aking kapatid. 

"Ano ba Jace, nananahimik kami oh! Tapos manggugulo ka?" timping-timpi na pakikipag-usap ko rito. Buti na lang wala sina Mommy dito kundi malalagot kami pareho. 

Sa halip na pakinggan niya ako ay inirapan niya ang nakakatandang kapatid! At pinagpatuloy pa din ang pagiging maldita niya. 

"Hindi ba't ikaw ang nanalo dati sa pageant ng Buwan ng Wika?"

Sabi na eh! Hanggang ngayon hindi pa din siya nakakamove on sa pageant na yun! Sheesh, lampas isang taon na yun! Grade five na kami pero hanggang ngayon hindi niya pa din matanggap na natalo siya.

Tumango lamang si James sa tanong ni Jace, walang lingon-lingon dahil patuloy pa din siyang nanonood ng TV. Umismid naman si Jace at umirap muli. 

Sarap tusukin ng mata!

"Nanalo tapos nakikinood ng TV sa kapitbahay? So loser! Nanalo ka na niyan?" 

"Ano namang connect ng mga pinagsasabi mo?" parehas kaming nagulat sa salitang binagsak ni James. Hanggang ngayon naman ay hindi siya natinggin sa'min pero sigurado akong si Jace ang kinakausap niya. Kaming tatlo lang naman ang nasa sala, wala nang ibang tao. 

"Excuse me?" hindi makapaniwalang tugon ni Jace. 

"Unattended, please try again later" walang kwentang sagot niya. 

"What the f-"

"Language Jace" pagpuputol ko sa sasabihin niya. Pinagtaasan niya lang ako ng kilay nang sinaway ko siya. 

"Alam mo, sa halip na kung ano-anong sabihin mo diyan. Bakit hindi ka na lang makisama? Sa halip na manggulo ka bakit hindi ka na lang makisakay? Bakit mas pinipili mong mang-away kung pwede namang makilahok ka, di ba?" mahabang lintaya nitong si James kaya naman muli kaming natigilan ni Jace. 

Mukhang ako lang dahil hindi talaga magpapatalo ang kapatid kong ito. 

"Ako? Sasama sa inyo? No way! Look how cheap you are and look how sassy I am! Compare to you guys, I'm always the winner, and you? Mga feeling lang" 

"Walang magandang patutunguhan ang inggit. At ang pagiging mainggitin ay isang kasalanan" pagbagsak na naman ng malalalim na salita ni James. 

Sheesh, ano bang nangyayari sa isang ito? Nagsasalita at nakikipag-usap nang lahat pero hindi naman inaalis ang tinggin sa pinapanuod. 

"Whatever" huling sinabi ni Jace bago umalis sa sala. Pero hindi nakalagpas sa'kin ang luhang pumatak sa pisngi niya. 

Natamaan ba siya sa sinabi ni James? Pero bakit naman siya mainggit di ba? Sa aming dalawa siya ang pinagmamalaki ni Daddy. Pero ni minsan hindi ko siya kinainggitan dahil aminado ako sa sarili ko na confident siya ako hindi. Bilang ate niya tuwang tuwa ako sa mga nakukuha niyang achievements, mapa first, second, or third, para sa'kin malaking award na iyon dahil bihira lamang mabigyan ng ganoong awards ang isang tao. 

Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon