KABANATA 17

4.7K 408 57
                                    

Sobra ang aking kaba ng pinagpaalam ako ni Frosto kina lolo at lola. Hiyang hiya ako ng mga oras na iyon pero hindi na umangal si lola. Si lolo naman ay kinausap ng masinsinan si Frosto. Nagtagal nga sila sa labas ng bahay kaya medyo kinabahan ako.

Ngayon, ang araw na kami ay aalis. Lumingon ako kay lola at kumaway.

"Bye lolo! Bye lola!"

"Pasalubong Sol ha! Iyong two peach na kulay orange!" sigaw ni lola pabalik sa akin dahil ako ay nasa burol na papuntang kalsada. Ngumisi naman si Frosto at umiling.

Kanina, bago kami umalis ay nag usap na naman si lolo at Frosto. Si lola naman ay dalawang damit lang ang pinadala sakin at ang liit ng bag na pinadala. Wala naman kasi akong maganda talaga na damit. Di bale, maglalaba nalang ako doon ng maya maya para may maisusuot.

Mas nangingibabaw sa akin ang kung anuman ang makikita ko sa Manila kaya naeexcite ako. Pero nang pumasok na kami sa kotse ni Frosto ay unti unti na akong nilamon ng kaba.

Tinikom ko ang bibig at pumasok narin. Ang mga titig niya sakin habang nakaupo na ako ay hindi ko mawari.

"Matagal b-ba ang biyahe papunta doon?"

Dinilaan niya ang pang ibabang labi habang tumango tango.

"A little bit. Don't be nervous. I got you."

Ngumiti siya sa akin bago hinimas ang aking bubok. Halos umurong ako ng lumapit siya para amuyin ang buhok ko. Ang pagpikit niya ng ilang sandali ay nagpatulala sa akin.

Simula ng biyahe, papuntang airport ng Mindoro hanggang sa pagsakay namin sa eroplano ay namamangha ako pwera nalang sa kaba na nararamdaman ko.

Ilang oras rin ang biyahe namin bago makasakay sa eroplano. At....halos manliit ako dahil sa mga titig sa amin ng mga tao. Hindi naman ako manhid o kahit bubo na tao ay alam kung bakit ganon ang titig nila sa amin kanina.

Hindi na ba kaming mga mangyan puwede na makipaghalubilo o sumama man lang sa mga tulad nilang normal na tao? Ibig kong sabihin ay may kayumangging balat? May maayos na pananamit at maayos ang pamumuhay?

Pero kanina parang naiirita si Frosto sa mga nakatingin sa akin.

"Ayos ka lang?" tanong niya sakin. Hindi ko alam kung anong klaseng eroplano ito kasi nakaiba kaming upuang dalawa. Iba sa mga nakikita ko sa telebisyon na maramihan. Kasi ngayon ay kami lang dalawa. Parang isang maliit na kuwarto.

"Oo.." agad akong tumango. Nananantiya ang tingin niya sa akin, nag iingat.

"E-Excited na ako. Uhm, m-maraming artista doon? Ah..si James Reid, ang guwapo nun! Crush ko iyon!"

Inayos ko ang aking pagkakaupo. Nang titigan ko siya pabalik ay tahimik siya at seryoso.

"James Reid? Who's that?"

Ngumisi ako. Naku! Mga tulad talaga ni Frosto hindi mahilig manuod ng mga artista sa tv.

"Si James Reid! Artista iyon!"

"Hmm.." maangas siyang ngumisi. "Bata pa iyan at marami pang dapat matutunan."

Kinagat ko ang labi. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin.

Hindi nagtagal na nakakailang na sandali ay may bumukas ng pintuan. Isang magandang babae, na alam ko na flight attendant ang pumasok. May hawak itong tray ng pagkain at may prutas.

Umayos si Frosto sa aking harapan. May pinindot ang babae at napagitnaan agad kami ng isang lamesa na puwedeng matupi kapag pindutin.

"Wow!" na-amaze ako!

Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon