🍯38🍯

57 5 0
                                    

"Gagi kalat sa internet yung picture mo. Nasa iisang cafe ka pala kasama ang isang idol puta Sana All!" Medyo nanginig ako nang marinig ko iyon.

May nakakita sa amin ni Jay?

Sakto namang nakasakay na ako ng taxi habang hindi pa rin binababa yung call. "Sino ba tinutukoy mo? Anong picture?"

"Gaga ka! Natural bebe mo. Ayiee kinikilig na yan." Pang asar niya pa sa akin sa kabilang linya.

"Hoy hindi ko bebe iyon kaya tigil tigilan mo ako dahil hindi ako kinikilig." Napasipsip na naman ako ng inumin ko at bigla ko ko na namang naalalang ininuman niya ito kanina. Bakit na nababother ako doon?

"Oh talaga hindi mo na bebe si Hueningkai? Ano sis nagbago ka na ba ng bias? Sinetch na ba?" Bigla namang nagbago yung tono niya at baliktad kami.

"What? What do you mean?" Ako naman yung napataas ng tono ng boses.

"Open your IG now. Kung nasaan ka man ngayon, bilisan mo na dahil nakahilata lang ako sa kama mong malambot. Gisingin mo na lang ako pag uwi mo. Babuh!" Ang bastos kong pinsan ay pinatayan na ako ng telepono.

Tinignan ko nga yung pinost kong selca at nahagip pala nito si Hueningkai. Omayghad gusto kong tumili at humiyaw kaso nakakahiya kay manong driver. Jusmiyo totoo ba itong nakikita ko? Tadtad nga ako ng direct messages and notifications from MOAs na nahagip ko ang blonde Hyuka sa selca ko kaya pala ako nagtetrending ngayon. OMG bakit hindi ko siya nakita kanina in person? Naiinis akooo.

Pero seryoso, kinabahan pa rin ako. Akala ko may sasaeng na nakakita or nakapag stolen sa amin ni Jay sa café. Ang tanga tanga ko masyado kung sakaling may nakahuli sa amin. Ayoko pa ring magpakampante sa true lang.

Pagkarating ko sa gate pa lang ay nakacrossed arms akong sinalubong ni Ky na para bang naghihintay ng chika. Habang ako naman ay tinaasan lang siya ng kilay.

"Pasalubong mo nasaan?" Tanong nito sa akin.

"Shut up, wala akong pasalubong." Taray kong tugon dito.

"Pasalubong na chika kase. Eto ang sungit agad. Painom nga--"

"HEP!" kinuha niya yung hawak kong iced latte kaya kinuha ko pabalik sabay palo ng mahina ng kamay niya. Bakit ang weird ko? "May ubo ako baka mahawa ka pa!" Sabi ko pa sabay nagkunwaring umubo.

"Siraulo! May ubo pero ayan ang inorder mo?" Sabi nito sabay pasok at nagpunta agad sa kusina.

"Eh hindi naman ako umorder nito eh. Dumating na ako sa Cafe may drink na ako, alangang tangihan ko pa eh nilibre na nga lang ako tss." Pagsisinungaling ko pa at nilagay ko yung drink sa personal ref ng room ko.

"Saang Café ba yan at may artista diyan? At sinong kasama mo aber? Ang aga aga nakipag date ka ba agad?" Kung makapangaral naman itong pinsan ko parang nanay ko eh mas matanda ako sa kanya tss.

"Ang aga aga, ang dami dami mo nang tanong. May tatapusin pa akong trabaho sa itaas. Maiwan na muna kita at huwag mong iinumin yung latte ko utang na labas!" Pag iiwas ko pa sabay iwan ko sa kanya sa ibaba at pumanik na sa itaas para maglinis, maglaba, maglampaso, magplantsa lahat. Araw araw ko iyon ginagawa.

As usual, hapon na ako natapos kaya hapon na rin ako nakapagtanghalian. Pagkatapos kong magtanghalian ay umidlip na ako sa sofa hanggang sa mag gabi na ulit. Tinext ko naman ang ibong adarna este si Jay kung dito ba sila magdidinner pero wala namang response kaya nagprepare na lang rin ako ng dinner kung sakali.

"Hi guys, ang aga niyo yata? Kumain na ba kayo?" Tanong ko sa kanila pero ang tatahimik nilang lahat. Oo baka pagod sila. Mga walang imik. "Guys okay lang ba kayo?"

"Honey." Tawag ni Heeseung sa akin at lahat sila nakatingin sa amin. Hoy gagi kinakabahan ako. "Can we talk?"

"Sure. Tungkol saan ba?" Pabalik kong tanong rito.

"Hyung naman." Sa tono ng pananalita ni Jungwon ay parang may alam ito. Hoy bakit ang siserious niyo?

"Magtatanong lang, hindi naman masamang magtanong diba?" Sagot ni heeseung kay Wonnie. Nandito pa rin ako sa lamesa nila, kaharap pa rin ang mga pagkain. Nandito na rin pala sa magkabilang gilid ko si Hee.

"Hyung, please, sa labas tayo mag-usap. Sasama ako." Bulong naman ni Jay na sumulpot na rin sa gilid ko.

Kinakabahan na ako. Mukhang seryoso nga.

"Ano ba talagang problema? May ginawa ba ako?" Curious ko nang tanong.

"Diretsahin mo na yung itatanong mo hyung, pinapatagal mo lang eh." Sabat naman ni Sunoo na nasa sofa at nakataas pa ang paa.

"Umamin ka nga, Sasaeng fan ka ba namin?"

Mukha ba akong sasaeng Heeseung?

= ♡ =

Hello everyooone! Namiss kong mag UD hihi. Ngayon ko lang nakita 1k reads na pala ito. Happy 1k reads!!! Salamuch sa inyong nagbabasa ang naghihintay ng beri slow update ko huhu. Namomotivate na naman akong magsulat hihi. Tengkyut ulit gais! Aylabyu all!!

J Y N ♡

Honey🍯 | Enhypen Jay FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon