Chapter 32

5.1K 429 52
                                    

Ngayong wala na kami sa bahay ay mas na-appreciate ko ang getup ni West. Ever since no'ng sa debut ng classmate namin ay ngayon ko lang ulit siya nakitang naka-dress.

May pagka-dark blue 'yon and sleeveless, hanggang half lang din ng thigh niya ang ikli, at pinaresan niya iyon ng snickers. Ang cute-cute niya, jusko.

Ang cute din ng knapsack na dala niya, mas maliit iyon kaysa sa usual niyang school bag.

Nakakahiya kay self, naka-pants lang ako─kupas pa─tapos pink shirt na may minimalist design ng coffee. Parang gusto ko umuwi ng bahay para magpalit.

"You look pretty today,"

Natigilan naman ako sa narinig. Nang tingnan ko siya ay ang aliwalas ng ngiti nito. Why naman ganyan ka, West? Kakalait ko lang sa sarili ko tapos kakaiba na naman nakikita mo sa akin.

"S-salamat."

Tumawa siya ng mahina at hinawakan ako sa braso. "Why I find everything about you fascinating?"

Hindi ako makasagot. Pakiramdam ko namumula ang buong mukha ko sa narinig. Sa kanya ko nga dapat sabihin 'yon, lagi na lang talagang nauunahan ako sa mga bagay-bagay. Why so weak naman kasi, Ella?

Pakiramdam ko talaga siya ang nanliligaw sa amin, kaso kapag sinabi ko naman 'yon sa kanya ay malamang bibigyan niya lang ako ng witty remark.

Ang weird lang na kapag gusto mo yung tao, para bang wala ka na talagang nakikitang iba. Totoo pala talaga 'yon...

Pero truth be told, maganda naman kasi talaga siya, matalino, talented, tapos mabait pa. Ang dami niyang kayang gawin kahit na hindi niya pinapakita sa iba.

Ilang beses ko na yata nasabi 'yon sa sarili ko pero hindi nakakasawa ulit-ulitin kasi totoo naman, eh.

Lord, ang swerte ko. Huwag mo bawiin, iiyak talaga ako.

--

Nagtaka ako nang sa cemetery niya ako dalhin. Wala naman kasi siyang sinabi kung anong pupuntahan namin pero siyempre nakakapagtaka pa rin kung anong meron.

Saka lang nag-sink in sa akin ang lahat ng huminto kami sa tapat ng isang puntod at nabasa ko yung familiar na surname—Hansen. It's her...

"Ma, mukhang may bisita ka last time, ah." Marahan niyang hinaplos yung bungkos ng bulaklak na nasa tabi lang nito. Hindi ko alam kung anong klaseng flower 'yon pero ang ganda no'n. West looked at me. "Ate South often visits her."

Napatango ako bago ngumiti. Nabanggit niya no'n one time na close si South at ang mama niya. Close naman silang lahat sa kanya, since iniwan sila ng Dad niya, hindi ko lang alam kung gaano sila kabata no'n.

Umupo siya sa damuhan kahit na naka-dress siya, ipinatong na lang niya ang bag sa lap. She motioned me to sit beside her na kaagad ko rin namang ginawa. Hindi ko rin alam anong sumapi sa akin pero nakita ko na lang ang sarili kong hawak-hawak siya sa kamay.

Nang ngumiti siya ng matamis—game over pa sa game over si ate mo Ella.

"I want to introduce you to her so I brought you here." Panimula niya. Pinaglaruan niya yung mga daliri ko. "Una kong pinakilala si Jamaica kay Mama kasi best friend ko siya. Then ikaw naman ngayon because I like you."

Hindi ako nakaramdam ng kung ano dahil yung best friend niya ang nauna rito. Para bang nakakatuwa na lang din na ganoon yung strength ng relationship nila. Na kahit wala ngayon si Jamaica sa school, hindi niya nakakalimutan yung tao.

Wala ako masyadong balita sa kanya. Ang alam ko lang ay itutuloy niya ang pagbubuntis at wala na raw siyang pakialam sa tatay no'ng baby. Pero hindi ko rin alam, pakiramdam ko deep inside may care pa rin siya.

Jonah Complex [HSS #3, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon