IASWAK5

923 104 2
                                    

Amy's Pov

Hinigpitan ko ang pagkakakapit ko kay miho dahil sa sinabi ni coleen , shit di ko akalaing ganito pala siya kasama.

Maling mali ako na inisip ko na mabuting tao siya pero sobrang kabaliktaran pala ang resulta.

Sinipa naman ako ni sheki at napadaing ako sa sakit nun kaya natumba ako, nabitawan ko si miho at ngayon ay hinihila na nila palabas.

Nilock na ni coleen yung pintuan ng cr at dahan dahang lumapit sa pwesto ko , ewan sobra akong kinakabahan sa kanya ngayon halata sa mga mata niya na puno siya ng galit at makakaya niya ngang gawin yung mga sinasabi ng mga kaklase namin na hirap kong paniwalaan at yun ay ang pumatay.

"Oh bakit umaatras ka ngayon? Akala ko ba matapang ka? Amy right? Sayang yang maganda mong mukha kong babasagin ko lang naman ngayon, well napakatalas kasi ng dila mo kaya need mong maturuan ng magandang asal para sa ganun ay sumunod ka naman." kumuha na siya ng map at pinutol niya ito ngayon na siyang ikinatakot ko lalo.

Paatras ako ng paatras sa kanya at ipinipilit ko namang tumayo pero nanakit yung paa ko at nanginginig din ito dahil sa takot ko ngayon.

"Coleen alam ko namang di ka masamang tao kaya please! Stop pretending na bad girl ka dahil alam kong hindi ka naman ganun!" Medyo emosyonal na sambit ko dito nakikita ko naman talaga sa kanya na mabuti siyang tao pero di ko alam kung bakut kailangan niya pang magpanggap na masama.

Alam kong di ko alam ang pinagdadaanan niya or kung ano man pero hindi naman siya dapat gumawa ng ganito.

"Oh legit ba? Paano ka nakakasigurado? Di mo pa ba alam yung mga ginawa ko i mean namin? Ang lakas din ng loob mo no? Para hamunin ako?" Nakangising sambit niya na tila bay ready na pumatay ng tao ngayon.

Papalapit ng papalapit na siya sa akin ngayon at ako ay paatras ng paatras lang hanggang sa makorner na ako.

"Oh bakit mukhang natatakot ka ngayon? Akala ko ba matapang ka? Alam mo ba na ikaw lang ang nag iisang nagsabi na mabuting tao kami? Like unbelievable! Kakalipat mo palang sa Class 1-A kaya wag kang mag magaling na kilala mo na agad ako or kami dahil kahit ilang taon ang gugulin mo sa amin ay mahihirapan kang kilalanin kung sino man kami." Napapikit nalang ako ng akmang ihahampas na niya yung map na hawak niya ngayon.

Nakapikit pa din ako pero wala naman akong nararamdaman na tumama sa katawan ko pero ayokong imulat ang mata ko dahil natatakot ako na baka pagmulat ko doon niya na ako hampasin or kung ano man.

Bigla naman akong nagulat ng may biglang malambot na dumampi sa mga labi ko , napamulat naman ako at nagulat ako ng makita si coleen na ngayon ay naluluha habang hinahalikan ako.

Napa estatwa nalang ako habang naktingin lang sa kanya na tuloy parin ang pagluha habang nakadampi ang mga labi niya sa akin.

Gustuhin ko man siyang itulak pero bakit hindi ko magawa? Kinagat naman niya yung labi ko na siyang dahilan para maibuka ko ang bibig ko dahil sa sakit.

Ipinasok niya yung dila niya sa loob ng bibig ko at nalalasahan ko na ngayon yung matamis niyang labi.

Akmang tutugon na ako sa mga halik niya dahil hindi ko na rin kinakaya yung tukso nang bigla siyang huminto at lumayo sa akin ng unti.

Tinignan ko naman siya nang nakakapagtaka kung bakit ngunit di siya tumingin ngayon sa akin na tila bay nahihiya sa ginawa niya.

Tuloy parin ang paluha niya ngunit ang mas lalo kong ikinabigla ay nung magsalita siya.

"Im sorry amy! Di ko sinasadya" malungkot na sambit niya sa akin , ramdam ko na rin yung hapdi sa gilid ng labi ko hinawakan ko naman ito at nagdurugo ito ngayon.

"Sorry saan? Sa ginawa mo sa kapatid ko or sa paghalik mo sa akin?" Direstsahang tanong ko sa kanya pero nakatingin lang siya sa may ilalim at binitawan niya na yunge hawak niyang map.

"Sa lahat! Di mo ako masisisi kung bakit ko yun ginawa sa kapatid mo dahil malaki ang atraso nila sa akin dahil binubog nila ng walang kalaban laban ang pinsan ko at ngayon ay malubha ang kalagayan sa hospital" nagulat naman ako sa sinabi nito edi bumabawi lang pala siya pero bakit sa kapatid ko pa?

"So anong pinagkaiba niyo sa mga taong nambugbog sa pinsan mo? Katulad mo na rin sila ngayon dahil ginawa niyo na iyun ngayon kay miho! Alam kong ginawa mo lang yan para maghiganti pero may nagawa bang maganda yung pagbawi niyo sa nakaratay sa hospital mong pinsan? Gumaling ba siya sa pambubugbog mo sa isang tao na sangkot din kung bakit siya nasa hosy ngayon?" Seryosong sambit ko alam ko may mali din si miho at kung sino pa man na kasama niya sa pambubugbog aa pinsan ni coco pero maling mali eh.

Hindi magiging maayos ang isang sitwasyon kung papatungan lang ng another kasalanan ang isa pang kasalanan (sana gets niyo hahaha pag hindi edi bahala kayo dyan ahhaa)

"Oo hindi siya gumaling sa ginawa namin pero atleast maramdaman man lang nila yung gaano kasakit yung sitwasyon niya ngayon dahil sa pinang gagawa nila! Kulang pa nga yang natamo ni miho sa ginawa nila , alam mo bang bali bali ang buto niya at kinuryente pa nila ito!" Nang gagalaiti sa galit na saad niya , nakatingin na siya ngayon sa akin na tila bay parang ako ang may kasalanan sa sinapit ng pinsan niya.

"Hmp! Bakit ba ako nag eexplain sayo? The heck kahit anong sabihin ko hindi mo maiintindihan yung nais kong sabihin!" Tumalikod na ito sa akin ngayon at unti unti niyang binubuksan yung pintuan ng cr na nilock niya kanina.

"Alam kong hindi kita maiintindihan pero sana hayaan mong makilala kita upang mas maintindihan ko kung saan nanggagaling yang sakit at galit sa puso mo!" Napalingon naman siya sa akin ngunit hindi na niya ako sinagot pa at diretsong lumabas na siya sa may cr.

Nauna na siyang naglakad habang naiwan dito ngayon si brei at sheki na hawak hawak si miho.

Kinuha ko na sa kanila si miho at sumunod nang naglakad si sheki para sundan si coleen.

Si brei naman ay nakayuko lang ngayon sa akin at tila bay nahihiya sa ginawa niya.

"Im sorry amy!" Nakayukong sambit niya sa akin at bigla na siyang naglakad papalayo nang hindi pa naririnig ang response ko.

"Apology accepted brei!" Sigaw ko dito dhail medyo nakakalayo na nga siya , himala ah maliit lang naman siya pero ang bilis niyang maglakad kagaya ni sheki.

Napalingon naman siya sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti bago tuluyang umalis at hindi ko na nga sila matanaw pa.

Dinala ko na sa kotse ko si miho at mabilis ko na itong pinaandar para makauwi na kami agad ng bahay at magamot ko na yung mga sugat niya ngayon.

Nalulungkot ako sa sinapit niya ngayon dahil sa kagagawan nila coleen pero hindi ko rin sila masisisi kung bakit nila ginawa yun.

Hays ewan pero ramdam ko yung lungkot ni coleen at mukhang mas naaawa pa ako sa kanya nung nakita ko siyang lumuluha kanina.

Napahawak nalang ako sa labi ko nang bigla kong maalala yung ginawa niyang paghalik sa akin kanina.

"Am i inlove already?" Tanong ko sa sarili ko habang hawak hawak ang puso ko dahil sobrang bilis ng pagpintig nito ngayon habang nag mamaneho ako.









Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now