Chapter 12

2.4K 143 17
                                    

Malori

"Sa tabi nalang po manong"usal ko sa tricycle driver

Binaba naman nito ako sa may kanto

Bitbit ang maliit na bag ko na naka sukbit sa balikat ko at suot ang subrero at itim na facemask ay bumaba ako sa isang bayan na hindi naman gano kadamihan ang tao

"Thankyou kuya.."usal ko nang maiabot ko ang five hundred pesos dito susuklian pa sana ako nito pero hindi ko na iyon tinanggap.. at sinabing sa kanya nalang ang sukli nag palasamat naman ito sakin
Bago umalis

Tinignan ko ang lugar kung nasan ako

Sa tingin ko naman hindi naman na ako matatagpuan dito ng mga magulang ko pag sinimulan naman na nila ako hanapin

Nag lakad lakad naman ako at nag tanung tanong sa mga tao kung saan may 'room for rent' dito

"Ah dun po sa may dulo po nun miss pag liko nyo po duon sa unang kanto may malaking red na gate may room for rent po dun"sagot ng babaeng napag tanungan ko

Nag pasalamat naman ako dito at tinungo yung itinuro nitong lugar

"Tao po!" Usal ko habang sunod sunod na katok ang ginawa ko dito

"Wait lang wait!!" Rinig kong boses ng babae

Lumayo ako ng unti sa may gate at tinanggal ang subrerong suot ko habang hindi ko parin tinatanggal ang itim na face mask na suot ko

"Hello po ano po kailangan nila?" Usal ng batang babae

Hindi ko naman maiwasan na mapangiti ang cute cute kasi nito habang nakatingala sakin satingin ko nasa mga pitong taon palang sya

Gusto ko kung mag kakaanak man kami ni Beatrice gusto nang kasing cute nya..

What the..

Nagpaka layo layo kana nga para hindi ka masaktan pero isip ka naman ng isip sa kanya!! At anak pa talaga ah??

Napailing nalang ako

"Hello po ate...okay lang kayo?" Usal nito nabaling ang tingin ko sa kanya

"Oh sorry ..tanong ko lang bata available ba itong room for rent nyo??" Tanong ko dito umupo pa ako para maging mag kasing tangkad lang kami

Ngumiti naman ito sakin "wait lang po tatawagin ko si mama" sabi nito sabay takbo sa loob ng bahay nila napailing naman ako sa bata dahil iniwan nyang naka bukas ang gate

Hindi ako pumasok sa loob at matyagang nag hintay sa labas hanggang masilayan ko ang isang babae na lumabas mula sa pintuan

Ang ganda naman ng mama nya..

Nasa tingin ko mga unti lang ang tanda sa akin..

Inayos ko pag kakatayo ko ng mapansin kong malapit na ang babae sa akin

"Hello available po paba ito?" Sabay turo sa papel na naka dikit sa gate nila na may naka lagay na 'room for rent'

"Yes available naman uupa poba?"

Tumango naman ako " yes po"

"Kung ganun pasok muna po tayo masyado mainit dito sa labas" usal nito sakin

Tumango naman ako at sumunod dito ng matapos nito masara ang gate

"So bali miss hindi lang ikaw nag iisang nakiki upa dito may mga kasama tayo"pasimula nito "btw ako nga pala si Quinn Siera ang taong may ari nitong lugar.."usal nito humarap ito sakin at nakipag kamay "malori" pakilala ko

Loving Beatrice Salvatore Where stories live. Discover now