Chapter 19

62 15 0
                                    

Chapter 19...Visit




Alexandra's Point of View

(One and a half months later)

"Ops! Saan ka pupunta?" Aalis na sana si Mary pero nahawakan ko ang hood ng jacket n'ya.

Pagod s'yang tumingin sa akin. "Tinatamad ako."

"Bawal ang tamad dito. Kita mo ba kaming lahat? Lahat kami may ginagawa tapos ikaw tatakas."

"Ih nakakatamad nga."

"Hindi pwede. Nikki!" Tawag ko kay Nikki na nagwawalis ng mga tuyong dahon sa lupa.

Tumigil naman ito at tumingin. "Bakit?"

"Halika." Pinalapit ko s'ya sa akin. "Akin na 'yan." Kinuha ko ang walis sa kanya at binigay iyon kay Mary. "Oh ayan magwalis ka. Magpahinga ka na muna Nikki kanina ka pang nagwawalis."

"Ay hindi ayos lang ako wala rin naman akong gagawin."

"S'ya nalang kasi Alex."

"Manahimik ka." Saway ko kay Mary na nagrereklamo. Tumingin ako ulit kay Nikki. "Samahan mo nalang ako sa laundry area baka kakaunti na ang tao."

"Okay sige."

Iniwan namin si Mary.

"Alex!"

"Kaya mo 'yan." Sabi ko pa habang naglalakad paalis.

Napakatamad edi ayan magwalis ka.

Pumasok kami sa bahay at kinuha ang mga damit na kailangang labhan. Walang tao dito may mga kanya-kanyang ginagawa. Linggo eh kaya busy lahat. Nang makuha namin lahat ay sabay kaming pumunta sa laundry area ni Nikki. May bakante pang hindi nagagamit kaya naisipan na naming maglaba.

"Marunong ka ba Nikki dito? Kasama ko kasi sina Mary kapag pumupunta kami dito kaya sa kanila ako nagpapatulong."

"Oo naman marunong ako. Akin na ako na." Kinuha niya sa akin ang laundry basket.

"Sige salamat."

I watched her pressing the buttons.

"Tara muna sa labas maya-maya natin ito balikan." Sabi n'ya.

Lumabas kami at pumunta kung nasaan ang iba pa naming mga kaibigan.

"Tingnan mo susunod din pala." Sambit ko habang nakatingin kay Mary na nagwawalis nga tulad nang sinabi ko.

"Alex!" Nakita ko si Jace na kumakaway habang lumalapit.

"Oh Jace. Bakit?"

"Tapos na ba kayo sa gawain?"

"Katatapos ko lang sa farm kanina at kagagaling lang namin sa labahan."

"Ahh...wala kasing kasama si Niel pupunta s'ya sa bayan kasi may picnic tayo mamaya. Puro busy ang iba kaya baka sakaling free ka na samahan siya."

"Wow! Picnic? Naks gusto ko 'yan. Sige-sige ako nalang ang sasama sa kanya. Nasaan ba s'ya?"

"Sa bahay may inaayos pa."

"Alex!" Tumingin naman ako kay Louise na paparating. May dala-dalang dalawang pandilig. "Tulungan mo akong magdilig."

"Nako sasamahan ko pa si Niel eh."

"Ay ganon ba?"

"Ah, pwede bang ako nalang ang sumama kay Niel?" Biglang volunteer ni Nikki. "Gusto ko rin kasing lumabas eh."

"Sure ka?" I reassured her and she nodded. "Okay sige. Akin na." Kinuha ko ang isang lagadera kay Louise. "Mag-iingat kayo."

"Mmm. Salamat."

Pass or Die? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon