CHAPTER 54

1.3K 176 13
                                    

Jaydee's POV


"Good morning." Saad ko nang makababa ako-- naabutan kong kumakain si Frances at si Gabb naman ay nakaupo lang.


"Good morning, Jaydee." Saad naman ni Frances, nginitian ko lang ito at pumunta na sa kitchen, nagtimpla ako ng coffee ko. Hindi na rin ako sanay mag almusal eh.


Bumalik na ako sa dining area at umupo sa tabi ni Gabo.


"Breakfast?" Tanong naman ni Frances.


"No thanks, hindi na rin talaga ako sanay mag breakfast." Saad ko naman at tumango nalang siya. Sunod-sunod na silang nagising.


"Jaydee, ingat kayo mamaya ha." Saad naman ni Ate Lara.


"Opo, ate." Sagot ko naman.


"Sige na, mag-ayos na kayong lahat. 10 am, aalis na tayo." Saad ko naman. Isa-isa na itong nagtayuan. Nagpunta na ito sa kani-kanilang kwarto nila.


-----


"Ate Sela aalis na po kami." Pagpapaalam ko naman. Nandito kasi si ate Sela sa may garden, pinapaarawan si Selaine.


"Mag-iingat kayo ha. Update niyo ako kaagad." Saad naman niya.


"Yes ate." Saad naman ni Gabb at humalik sa pisngi ni ate Sela.


"Tara." Saad ko at sumakay na sa Van, Lahat kami ay nasa iisang Van lang. Tumabi naman saakin si Frances.


"Lopezville subdivision kuya, may access naman ako ng card don kaya makakapasok tayo." Saad naman ni Frances sa driver.


"Sige po ma'am. Noted po." Saad naman ng driver, umalis na kami, ang  iba saamin ay natulog muna dahil 1 hour pa naman ang byahe.


"Bakit hindi ka natutulog? bagsak na silang lahat oh." Saad naman niya.


"Hindi naman ako inaantok kaya ganun hahaha." saad ko naman


"Ikaw, bakit hindi ka pa tulog?" Tanong ko naman sakanya.


"Hindi ako pinapatulog ng kaba eh." Saad naman niya-- Hanggang ngayon kinakabahan parin siya?


"Sabi sayo wag ka ng kabahan eh, nasa likod mo naman kami. Hindi namin hahayaan na mahirapan kayo ulit ni Ate Ella." Saad ko naman sakanya.


"Salamat sainyo, kahit iniwan namin kayo noon, andyan parin kayo para saamin." Saad naman niya


"Hindi niyo naman ginusto yun eh." Saad ko naman.


"Sige na biskot, matulog kana. Kung gusto mo isandal yung ulo mo sa balikat ko, okay lang." Saad ko naman, agad naman niyang isinandal ang ulo niya sa balikat ko. Ilang minuto pa ay nakatulog na ito.


-----


"Ella! Akin!" Masayang saad naman ni Gabo at agad na yumakap kay Ate Ella. Kakarating lang namin ngayon, si Ate Ella naman ang unang bumungad saamin.


"Gabbi? Anong ginagawa mo rito?" Tanong naman nito.


"Ate Ella, nandito sila para tulungan ka/tayo na makaalis sa ganitong sitwasyon." Saad naman ni Frances.


"Ate Ella, sobrang payat mo na, kumakain ka pa ba?" Tanong ko naman. Napansin ko na sobrang payat nga ni Ate Ella, parang wala na siyang laman sa katawan kundi puro buto nalang.


"Ganoon talaga pag naghihirap." Saad naman niya at ngumiti ng mapait.


"Ate Ella, sina mom and dad? nasaan? gusto silang makausap nila Gabo." Saad naman ni Frances.


"Nasa loob, mag-ingat nalang kayo dahil medyo mainit ang ulo ni Dad." Saad naman ni Ate Ella at tumango naman kami.


Pumasok na kami sa loob at naabutan naman namin silang nasa living room.


"Magandang araw po." Saad ko naman ng makita nila kami.


"Jaydee? anong ginagawa niyo rito?" Tanong naman ng mom niya saamin.


"Nandito po kami para kunin si Ella, pansin ko po kasi na sobrang payat na niya. Wag po kayong mag-aalala, tutulungan din namin kayo sa mga gastusin niyo rito. Basta hayaan niyo lang na sumama saamin si Ella." Magalang na saad naman ni Gabo pero umiling si Tito.


"Anong akala niyo? madadaan niyo ako sa ganyan? Pwes, hindi pwede!" Saad naman nito.


"Paalala lang po namin ah, anak niyo po si Ate Ella at Frances, hindi katulong at pambayad ng utang." Iritang saad naman ni Laney, akmang lalapit ang daddy ni Frances pero agad itong pinigilan ng body guards.


"Tama naman si Laney, Dad! Gusto ko lang ipaalala sainyo na anak niyo kami, hindi katulong at pambayad ng utang. Hindi naman po kayo ganyan dati eh, hindi ko alam kung bakit parang sinaniban kayo ng demonyo. Kaming dalawa ni Ate Ella, para kaming nakatira sa impyerno ng dahil sayo. Etong mga bruises na 'to, siguro naman nakikita mo. Kagagawan ito nung lalaking ipinakasal mo saakin para lang mabayaran ang utang mo. Dad, lahat tiniis ko dahil ayaw kitang makulong. Para akong nagdudusa sa kasalanang hindi naman ako ang may gawa. Pero dad pagod na rin ako eh, pagod na kami. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, kukunin namin si Ate Ella dahil alam kong iyon ang makakabuti para sa kalusugan niya. Sana balang araw marealized mo rin ang parusang ginawa mo sa mga anak mo." Saad naman ni Frances at hinila na si Ate Ella palabas.


"Sana marealized niyo po lahat tito, alam kong handa kayong patawarin ni Frances agad." Saad ko naman at lumabas na rin, sumakay na kami sa Van. Umiiyak nanaman ang magkapatid.


"Sshhh, Akin, stop crying na. Nandito lang ako sa tabi mo palagi, hinding-hindi na ako papayag na mahirapan ka pa ulit." Saad naman ni Gabb at niyakap ang Akin niya.


"Ikaw din uy, stop crying na. Papanget ka niyan, bahala ka." Saad ko naman at agad naman itong natawa at hinampas pa ako.


"Baliw ka talaga." Saad naman niya habang nagpupunas pa ng luha.


"Joke lang yun, nasabi ko lang yun para patawanin ka hahaha." Saad ko naman.


-----


Ilang minuto pa ang nakalipas at nakarating na kami sa mansion.


"Welcome to our Mansion ate Ella. Feel at home ka lang, if you want to rest na, may vacant guest room pa sa taas or kung gusto mo, pwede naman sa kwarto ni Gabo, matagal ng walang katabi yan." Natatawang saad ko naman.


"Lakas ng amats mo Jaydong." Saad naman ni Gabo.


"Sige na, magpahinga muna tayong lahat, gigisingin nalang tayo pag hapunan na." Saad ko pa at umakyat na rin sa kwarto.


-------------------------


























































































Sorry kung ngayon lang nakapagupdate, not feeling well these fast few days until now pero pinilit ko parin mag update. Sana magustuhan niyo.

FOOL FOR YOUWhere stories live. Discover now