Kabanata 15

1K 51 8
                                    

Every 17th

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Every 17th

•••

DALA-DALA KO ANG MGA SALITANG BINILIN SA’KIN NI TITA NING bago ‘to umuwi pabalik ng Maynila. 

Mabuti na lang, walang kaguluhang nangyayari sa lugar nila Rafael; mukhang hindi naman na bumalik pa ang tatlong lalaki matapos ko ‘tong makausap ilang araw na ang nakalipas. At dahil papalapit na ang buwan ng Abril, naghahanda na kami ng mga kaklase at batchmates ko sa paparating na graduation. Naalala ko tuloy na malaki na ang posibilidad na mas madalas kaming magkita ni Rafael dahil sa unibersidad na pinapasukan n’ya rin ako mag-aaral ng kolehiyo. 

Aaminin kong nasasabik din ako sa palapit na graduation lalo na’t minsan lang naman mangyari ‘yon sa buhay ng tao. Pero ‘pag iniisip ko rin ang tatahakin ko sa college, dumadagsa ang kaba sa loob ko na para akong kakainin paunti-unti. Panibagong mga kaklase at kalagayan na naman kasi ang makakasalamuha ko. Hindi pa naman pwedeng easy-easy lang doon. 

Kasalukuyan kaming nasa auditorium dahil nagsasanay kami para sa graduation. Nakangiwi ako habang pinapaypayan ko ang sarili ko gamit ang lukot-lukot na photocopy ng mga kakantahin namin sa graduation na ilang linggo na lamang ay magaganap na. Kitang-kita sa mga nakabusangot na mukha ng ibang estudyante na buryong-buryo na katulad ko. 

Napaayos na lang ako sa kinauupuan ko nang mag-anunsyo ang isang guro sa entablado na pwede na kaming humayo para magpahinga at kumain ng ilang minuto. Dahil doon ay biglang gumawa ang ingay ang mga estudyante, para kaming nakalaya sa lugar na kaninang umaga pa namin tinitiis. 

“Bilis, mauubusan tayo ng pagkain!” ani Miran na katabi ko lang. 

“Sandali lang!” Hinawakan ko ang kamay nito at nagpahatak sa kan’ya. Matulin naman gumalaw ang mga binti n’ya kahit may kaliitan s’ya.

Dali-dali kami nitong nakipagsiksikan sa mga tao na paniguradong nagmamadali na rin dahil gutom na sila. Mabuti na lang ay nakasingit kami kaya lakad-takbo na ang ginawa namin papuntang canteen. Mahirap na kapag naubusan kami ng pagkain sa canteen, atsaka may paborito kaming pwesto ng kaibigan ko na kinakainan. Mabilis lang din naman kaming nakaraos sa kumpol ng tao sa canteen, kaya matapos makabili ng makakain, dumiretso na kami sa isang shed katabi ng isang puno ng Narra. 

Habang kumakain, syempre ay hindi mawawala sa’min ni Miran na magkwentuhan sa kung ano-anong bagay. Sinusulit ko na rin ang oras na magkasama kami, ilang araw na lang kasi ang bibilangin bago s’ya umalis ng Idiyanale. Kahit pa hindi ko maproseso sa isipan ko na magkakahiwalay na kami, kinakaya ko namang tanggapin na magkakahiwalay at magkakahiwalay din kami dahil may sarili kaming buhay. Ako bilang mananatili rito, at s’ya bilang aalis.

“Kailan ka pala luluwas? Dito ka muna bago magpasukan…” hiling ko sa kan’ya. 

Ngumuso naman ang babaeng kausap ko. “Hays, kung ako kasi sa’yo, sumama ka na sa'kin. Ayaw mo ba no’n? Magkasama pa rin tayo,” malabong sagot nito. 

Every 17thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon