Mixtape (April 17, 2008)

900 38 2
                                    

Every 17th

•••

Side A

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Side A

Hello, Paeng.

Sana kung pinapakinggan mo ngayon ‘to, mas magaan na ‘yong loob mo. Alam kong... alam ko na hindi maganda ang sitwasyon n'yo, pero alam ko na sa huli, magiging okay din ang lahat. Wala namang Idiyanale kung wala kayo. Kaya naniniwala ako na maibibigay din sa inyo kung ano ang ipinangako.

Ngayong buwan, ga-graduate na ‘ko ng high school, biruin mo ‘yon? Pareho na tayong college. Madalas na rin tayo lalong magkikita, pwede pa nga tayong magsabay pumasok o umuwi kung may schedule tayo na magkadikit. Kinakabahan man ako, pero ‘pag naiisip ko na magkasama tayo, nawawala ‘yon.

Basta, Paeng... tandaan mo na kasama n‘yo ko sa laban n’yo. Hindi ko hahayaan na gano’n na lang, ‘no. Paano ba ‘ko mananatili sa Idiyanale ng wala kayo... o ng wala ka?

Side B

1. South Border - Rainbow
2. Orient Pearl - Pagsubok
3. Bamboo - Hallelujah
4. Eraserheads - Spoliarium
5. Rivermaya - You'll Be Safe Here

Every 17thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon