Kabanata 23

850 47 36
                                    

Every 17th

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Every 17th

•••

DUMATING ANG ARAW KUNG SAAN IPINAGDIRIWANG ANG KAARAWAN KO. Kahit pa humiling ako kina Papa, pati na rin kay Tita Ning na hindi na kinakailangan ng isang party, ay nagpumilit pa rin ang mga ito. Kaya hinayaan ko na lang sila dahil sa huli ay wala naman na 'kong magagawa pa para pigilan ang kagustuhan nilang mag kapatid.

Ilang araw na rin ang nakalipas, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nag-uusap ni Rafael. Hindi ko rin s'ya nakakasalubong dahil madalang lang akong lumabas ng bahay, at iyon ay kung mag-aaya pa si Tita Ning na magpasama sa'kin.

Iniisip ko tuloy kung nakalimutan n'ya ba na birthday ko ngayon.

Mataas na ang sikat ng araw na sumisilip mula sa bintana ng kwarto ko. Ilang minuto lang din matapos kong gumising, kaya tuliro pa 'ko at wala sa tamang pag-iisip. Tumungo ako saglit sa banyo upang maglinis para tuluyan na 'kong magising.

Napalabas na lang ako ng banyo nang marinig ko na may kumakatok sa pinto ko.

"Yngrid, dear?" tawag ni Tita Ning.

Bago ko pa mapagbuksan ng pinto si Tita Ning ay naunahan na 'ko nito at nagmamadaling dumiretso papasok ng kwarto ko.

Habang nakataas ang isang kilay ay nagtatakang nagtanong ako rito, "Anong mayroon, Tita?"

Lumapit 'to sa'kin at walang pasabing sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri n'ya, patuloy n'ya 'yon inayos habang nakatulala ako at wala pa rin alam sa kung anong nangyayari.

Hinawakan ko ang magkabilang kamay n'ya para patigilin ito sa kung anong ginagawa n'ya na masyado pang maaga para magpagulo sa isipan ko, lalo na't wala akong maproseso dahil ang aga pa ngayon masyado.

"Tita?" tawag ko ulit dito.

Naglabas ito ng isang buntong-hininga. "May bisita ka, dear. Nandoon at naghihintay sa labas ng gate."

Bisita? Sino naman ang bibisita sa ganitong oras? Ala-otso pa lang ng umaga at may bisita na agad ako ngayong birthday ko. Hindi iyon nakagagalak.

"Huh?" ang tanging nasabi ko dahil lalo lang akong nagtaka. "Bakit hindi n'yo po pinapasok?"

Nagkibit balikat s'ya. "E, sa ayaw n'yang pumasok. Alam mo naman ako, kapag ayaw, e 'di 'wag."

"Sino ba kasi 'yong bisita? Kilala n'yo po ba?" muli kong usisa.

Sa pagkakatandanda ko ay wala naman akong iniimbita. Kung iisipin ko kasi na baka si Miran iyon, panigurado akong napaka imposible dahil lumuwas na s'ya papuntang Maynila kahapon lamang. Kinakailangan n'ya pa kasing ayusin ang mga gamit n'ya sa apartment na pansamantala n'yang tutuluyan. Sa katunayan ay bumisita rin s'ya sa'kin kahapon upang magpaalam at ibigay ang regalo n'ya sa'king matching charm bracelet na suot-suot ko ngayon.

Every 17thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon