Kabanata 26

936 58 7
                                    

Every 17th

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Every 17th

•••

KAHIT GAANO KAKAPAL ANG ULAP NA HINDI NA KAYANG MAGLABAS NG ARAW NG SINAG, KAILANGAN MO PA RIN BUMANGON. Sinubukan ko man na magkulong sa kwarto ko ng ilang araw na aabot na sa mag-iisang linggo, ay pinigilan ko iyon dahil malamang ay magtataka sila Papa sa kung anong inaakto ko. Kaya imbis na iyon ang gawin ko ay inabala ko na lang ang sarili ko dahil ako lang din naman ang kayang magpahupa ng sakit na nararamdaman ko. 

Iniiwasan ko na mapag-isa para huwag pumasok sa isip ko ang nangyari. Kaya para na rin sa ikabubuti ng loob ko, itatanggi ko na lang na nangyari lahat ng ‘yon. Mas madali siguro kung kakalimutan ko.

Nalagi ako ng bukid, nagpunta ako sa unibersidad na papasukan ko dalawang linggo na lang ang bibilangin, gumala ako kung saan man ako ayain ni Tita Ning lalo na’t s’ya lang ang nakakaintindi sa sitwasyon ko. 

Ewan ko ba, kahit hindi na ‘ko magkwento, mukhang alam naman na n’ya ang nangyari. Sa pag-iyak ko sa kan’ya noong isang gabi, mukhang nakuha n’ya kung saan nanggaling ang mga luha at hikbi, kaya hindi na rin n’ya binanggit ang ano man na patungkol kay Rafael.

Ngayong umaga ay sabay-sabay kaming nag-aagahan, maliban na lang kay Ian dahil kanina pa ‘tong bago mag ala-siete hinatid ni Papa para pumasok, nagsimula na kasi ang pasukan nila. Sa tabi ko ay si Tita Ning na katapat lang si Ninong Gani. Kung hindi lang siguro ako nagdaramdam ngayon, kanina ko pa s’ya inasar. Nakakapagtaka naman kasi na nandito pa s’ya sa Idiyanale at anong petsa na. Mukhang wala na s’yang balak umalis. 

Nakikinig lang ako habang nag-uusap sina Papa at Ninong tungkol sa mga bagay-bagay, pero tumalas ang pandinig ko nang mapunta ang usapan nila sa kaso nila Rafael at ng mga magsasaka.

“Mahihirapan kaming idiin na hindi aksidente ang nangyaring sunog. Wala naman din kaming maibibigay na ebidensya,” ani Ninong. “Kaya kailangan ko pang kausapin sila Rafael patungkol sa nangyari. Kung hindi namin mailalaban ang krimen nang nangyaring sunog, ang hiling nila ay maibigay na lang sa kanila ang pinangakong lupa. Iyon naman ang puno’t dulo ng lahat, kaya doon din dapat ang huling hantong.”

“May pag-asa pa ba na maibigay sa kanila ‘yon?” tanong ni Papa.

Ngumiti si Ninong. “Kaya nga ‘ko nandito. Hindi ako aalis hangga’t hindi iyon napapa sa kanila.”

Gumaan ang loob ko sa isinaad n’ya. Tila lalong tumaas ang admirasyon ko para kay Ninong. Iba ang dedikasyon n’ya para sa bagay na ‘to. Kaya kahit pa hindi maganda ang lagay naming dalawa ni Rafael, ramdam ko ang saya na sa wakas ay may taong kaya at handang ipaglaban sila. 

🎶🎵🎶

“Yngrid, nakita mo ba si Ian?” tanong ni Ate Carmen na napadaan sa sala. Hindi na n’ya naayos ang mga takas na piraso ng buhok mula sa pagkakapusod nito, at alam ko na ganito ang itsura n’ya dala ng kunsumisyon.

Every 17thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon