Chapter 12

13.6K 748 303
                                    

Labis ang kabog ng dibdib ko habang sumusunod kami sa dalawang tanyag na Engineer. Daddy and Engineer Teorico is leading us towards the middle area of the lobby. Nasa likuran lang ng Daddy niya si Tyson at naka-sunod rin. Nahuhuli kami ni Kuya at parang gusto ko ng kumapit ng mahigpit sa braso niya sa sobrang kaba at hiya. He just said he wants to see my painting up close. Does that mean he liked it? It got his elusive attention? Oh my.

Prominent and famous businessmen and professionals dominated the event. Their presence reminded me that I am attending a multi million business right now. Sa kabila niyon, iisang tao lang pa rin talaga ang mas nakakapag-paliit ng confidence at self esteem ko rito. I stole a glance at his broad back. Umiwas ako ng tingin at pinaalalahanan ang sarili sa mga sinabi niya sa akin dalawang buwan na ang nakakalipas.

He was modest enough to shook hands with me earlier. And even said hi. Was that because we're around our parents? O naaalala niya pa ba ako? Imposible namang makalimutan niya agad ako. Pero maiksi pa ang buhok ko nun! Ugh! I'm going crazy.

Nang narating namin ang grupo ng mga matatandang businessmen ay batian na naman ulit. May iilang bata pa naman din pero mas marami ang may edad na.

"My head engineers, everyone!" Masayang lahad ng isang matandang may balbas at moreno sa Daddy ko at kay Engineer Teorico. Everyone in the group clapped their hands and shook hands with the two. Ang eksaharada naman! Ganito ba talaga sa corporate world?

"Thank you. Thank you, Mr. Cordovez." Sabi ni Daddy sa matanda at sa lahat ng mga papuri sakanila bilang mga head engineers. May dalawa pa ngunit hindi ko na nasundan pa ang mga pangalan.

"I guess, we can now start the ribbon cutting." Sabi nung Mr. Cordovez. Wait, is he that guy Daddy was talking about? The one who liked my painting? Napa haplos ako sa braso ko sa hiya at kaba. It feels like anytime I can be in the spotlight.

"As you please, Sir." Sabi nung parang assistant. Hindi nag-tagal ay nahati na ang kumpulan. Pinapagitnaan na nila ang kulay red na ribbon habang hawak naman nung Mr. Cordovez ang gunting.

Magkatabi pa rin kami ni Kuya habang si Daddy ay sumama roon sa gitna. Nasa gilid lamang kami ni Kuya habang si Mommy ay abala pa rin sa pakikipag-batian sa mga asawang babae ng mga panauhin. Taray ni mudra! Akala mo event niya, eh.

"You sure that was just for your school publication?" Biglang nag-salita si Apollo sa gilid ko. Kumunot ang noo ko at sa huli ay na-intindihan ko rin. Bininat ko ang leeg ko para hanapin ang painting ko sa may front desk ng lobby.

"Yup. May lokaret akong school mate na ipinagkanulo iyon sa Daddy niyang head engineer din."

"Galing mo pala talaga, Aps. Akala ko pag-iinarte lang ang Fine Arts mo." Aniya. Umirap ako sakaniya.

"Talaga! Mas marami akong talent sa'yo, no. Atsaka, hindi pag-iinarte ang choice of program ko, Kuya. Hindi nag-iinarte ang mga taong may gustong i-pursue na career." Sabi ko. He raised his hands and giggled at me. Pa cute ampanget naman!

"Chill, lil sis."

"Mabuti naman at hindi na brother. Tanda mo na uncultured ka pa rin." Inabot ko ang unang butones ng long sleeves niya at inayos.

"Whoa! Why are you grilling me? Ang sungit mo, ah, kanina pa. Huwag kang papabili sa'kin ng matcha sa Macao Imperial." Inirapan niya ako. I grinned.

Nakuha ang atensyon naming dalawa nang humiyaw ang mga tao. Nakita kong tapos na palang na cut ang ribbon. Ang daming echos!

Nag-likot ang mga mata ko at hinanap si Tyson. Nawala siya bigla nung nahati ang kumpulan para umpisahan ang ribbon cutting. His father was with my father and I did not see him since then.

The Merciless Stud (Hot Trans Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon