01
Hanggang ngayon ay inaalala ko pa rin kung anong sinabi ng lalaking nakabunggo ko sa may bilihan ng school supplies at sa may kainan na pinuntahan namin ni mama kanina.
Napanguso ako at napatingin sa kisame ng k'warto ko.
"I told you to be careful. Pipi ka na nga kanina, nabulag ka pa."
Muling umulit sa isipan ko ang isabi ng lalaking iyon. Matipuno at mukhang mayaman s'ya pero ubod naman ng arogante ang awra at sobrang sungit. Masakit din s'ya magsalita.
Hating gabi na. Hindi pa rin ako makatulog kakaisip ko sa p'wedeng mangyari bukas at sa mga susunod pang araw dito sa La Castellana.
May mga makikilala kaya akong mga kaibigan dito? Mababait din ba sila tulad ni Winter na dati kong kaibigan sa Leyte?
Bumuntong hininga ako at pumikit na. Hinagkan ko ang katabi kong unan at pinilit ang sariling makatulog nguni't ilang minuto na yata akong nakapikit at patuloy lang ang pagbuntong hininga dahil hindi talaga ako makatulog.
Pinili kong bumangon. Magulo ang buhok ko mula sa pagkakahiga kaya naman sandali ko itong hinawi at sumilip sa bintana ng kuwarto ko. Bukas ang kurtina ko at nasisilip ko sa labas ng buwan na nagbibigay liwanag sa tahimik na gabing ito. Ngumiti ako at inilihis ang katawan ko paharap sa buwan. I slowly folded my knees and wrapped my hand around it. Nakapalumbaba ako habang nakatingin sa buwan.
Napaka kalmado. Sobrang ganda.
Isa sa pinaka magandang pagmasdan para saakin ang buwan. Napakapayapa at tila sumisimbolo ito sa isang natatanging ganda sa kabila ng kadilimang dala ng nakapaligid sa kanya.
Patuloy ko lang na pinagmasdan ang buwan hanggang sa makaramdam ako ng antok. Nang tuluyan nang antukin ay muli na akong nahiga.
"Ang ganda!"
"Kasing ganda mo, Chantrea." I looked at him and the smile on my face didn't fade.
Sa pagtama ng mga mata ko sa kanya ay unti-unti ring napawi ang ngiti sa aking mga labi. Nag umpisa sa malabo hanggang sa tuluyan s'yang nawala sa paningin ko.
Ang lugar kong nasaan ako kanina habang pinagmamasdan ang buwan ay tuluyan naglaho. Nabalot ako sa dilim hanggang sa unti-unti kong naramdaman ang init sa balat ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang sa isang iglap ay natutupok na ng malaking apoy ang harapan ko.
"Chantrea! Chantrea!"
Chantrea!
Hingal na hingal ako nang imulat ko ang mga mata ko. Napabangon ako mula sa kinahihigaan at sunod-sunod na ang pagpatak ng maiinit na luha saaking pisngi.
"Mama," hikbi ko.
"Chantrea?" Sunod-sunod na katok ang narinig ko kaya napatingin ako sa pintuan ng k'warto ko. Mas lalo akong napaiyak nang marinig ko ang boses ni Mama.
Hindi ko maintindihan. Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n ang panaginip ko. Hindi ko maintindihan kung bakit matinding takot ang bumalot saakit ng araw na iyon dahil sa panaginip ko. Hindi ko alam kung bakit ramdam na ramdam ko 'yung panaginip na 'yon. Parang totoo. Parang nangyari talaga.
Ilang araw na kami sa La Castellana. Wala pa rin akong kakilala dito dahil mas pinipili ko namang manatili sa bahay. May trabaho na rin pareho si Mama at si Papa. Minsan ay naiiwan ako sa bahay at kapag gano'n ay nagbabasa lang ako mag isa sa k'warto ko.
Lunes ng umaga. Maaga akong gumising dahil unang araw ng pasok ko. Kabado ako dahil bago at hindi ko alam kung paano ako makikipag-usap sa mga makakasalamuha ko.
