Chapter 20

63 13 3
                                    

Chapter 20...Cousin




Alexandra's Point of View

Nakapamaywang pa ito habang nakatingin sa amin.

"Ano namang ginagawa mo dito?" Eto si Mary lumapit na sa kanila.

"Well, pakinig namin ang mga boses nyo. And...parang nagkakasiyahan kayo."

"Sali ka Aby!" Sigaw ni Jace.

"Nah. Make her leave." Agad na pigil ni Mary.

"No thanks. Hindi ako magsasaya kapag kasama itong bruhang 'to." Maarte niyang sabi.

"Aba hoy mas lalo naman ako. Lumayas ka na iwan mo nalang si Juliana dito."

"No way. Hindi ko s'ya hahayaang sumali sa inyo."

"Hala Aby sali tayo bilis." Na-excite bigla si Juliana.

"Manahimik ka. Aalis ako at sasama ka."

"Please Aby ngayon lang naman eh."

"Sumali na kasi kayo sa amin hayaan nyo nalang si Mary." I suggested but as expected, nagreact si Mary.

"Ano?! As long as nakikita ko ang mukha nito, hindi ako mag-eenjoy. Ayoko nga. Hayaan nyo silang umalis."

"Aalis sadya kami. Tara na nga Juliana nayayamot lang ako dito."

Gusto talagang sumama ni Juliana pero ayaw ni Aby.

"Wait lang." Hinila ni Louise si Juliana palayo kay Aby. Pati ako nagulat. Hindi ko namalayan na nakaahon na pala siya. "Hayaan mong mag-enjoy ang kaibigan mo. Kung ayaw mong sumama, you can leave alone."

"Wait, what? Ayoko nga. Kaibigan ko hahayaan kong sumama sa inyo? Never." Hinila ulit nito ang kaibigan palayo kay Louise ngunit hinila s'ya ulit ni Louise at inakbayan na.

"Sumama ka nalang. Mas marami mas masaya. Hindi ba?"

"How about me? I don't want to see the face of this dog." Mabilis na reklamo ni Mary.

"Shut up you witch! I don't even want to see your face!"

"And stop calling me witch. You have no right to call me that! "

"Why not? You're a witch because you're crazy!"

"Crazy your face! Stop barking and leave this place, NOW!"

Umahon na rin ako para pakalmahin sila na nagkakainitan na naman. Sinasabi ko na nga ba't hindi pwedeng hindi mag-aaway ang dalawang ito.

"Okay tama na tama na." Pigil ko sa pag-aaway nilang dalawa. "Hayaan mo na Mary. Kunwari nalang wala siya sa paligid."  Lumapit ako kay Mary at niyakap siya sa braso.

Kaso pagtingin ko kay Aby, masama ang tingin nito. Ako naman ay nagtaka. Bakit parang mas irita siya sa akin kumpara sa iba?

"Hindi ko kaya. Hindi naman ako bulag para magawa 'yon."

"Alam nyo pumunta kayong dalawa dito." Hinila ko si Mary palapit sa tubig. Hinila naman ni Louise si Aby palapit din sa amin.

"What the hell are you doing? Just let me leave. Ayokong sumama sa inyo."

Hindi pinansin ni Louise ang mga reklamo ni Aby.

"Pumunta ka na rin naman dito, edi sumama ka na." Sabi ko pa.

"Ha?!"

"Shhh. Just look at the crystal clear water. Hindi ba masarap maligo ngayon? Bahala kayo ngayon lang ito kaya dapat mag-enjoy kayo." Sinubukang i-brainwash ni Louise si Aby na badtrip pa rin.

Pass or Die? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon