#15

208 24 0
                                    

Abby's Pov

Kanina ko pa napapansin na panay tingin yung marsela sa amin at lalong lalo na sa akin , nababaliw na ba talaga siya? Kung inaakala niya na jowa niya ako?

Ni hindi ko nga siya kilala at never ko pa siyang nakita eh ever since na nabuhay ako sa mundong ito , ewan lang ang pero ang weird niya at nakakatakot , obsessed ba siya sa dating jowa niya at ganyan nalang siya ka desperada na kulitin at guluhin kami ni rans na kaibigan niya?

Pero this past few days napapansin ko na hindi din sila nag uusap is this because of me? Wah feeler ko sa tunog na yun ah pero ewan ko di ko na dapat iniisip yun si rans nalang bahala magsabi sa akin if gusto niya man ishare yung bagay na yun tungkol sa mga kaibigan niya.

Tulala na naman si rans kaya hinalikan ko siya sa may pisnge niya , magkatabi na kasi kami ngayon nakipagpalit ako sa ka seatmate niya habang wala pa yung prof namin ngayon dito sa classroom.

Dati kasi si Jl yung katabi niya at thank God dahil nagkaroon ng seating arrangement kaya ayun hindi na sila magkatabi.

Tuloy lang ako sa pagyakap kay rans pero tinatanggal niya yung mga kamay ko na nakayakap sa kanya , anong problema niya? Dahil na naman ba to sa itlog na yun? Kaya ayaw niya na maging sweet kami gaya ng ginagawa namin dati?

"Babe may problema ba? Bakit parang ayaw mong niyayakap at hinahalikan kita ngayon is this because of that egg---" napatigil naman ako sa pagsasalita ko nang tinignan niya ako ng masama, red days ba siya ngayon?

"Nasa classroom tayo abby at wala sa motel or kung saan , anyway bakit nga pala biglaan yung paglipat niyo ng bahay at sobrang layo pa this time?" Pag iiba niya ng usapan , naiintindihan ko naman fudge si sheki kasi unang nagsabi niyan nakaraan eh tumatak na tuloy sa ulo ni rans.

"Ah okay babe naiintindihan kita , ewan ko din kila mom and dad eh biglaan lang kami nagbalot ng gamit na tila bay may mangyayaring masama pag hindi namin binilisan yung pag alis sa bahay na yun" nagtaka nga din ako nung pag uwi ko nung hinatid ako ni sheki ay kinagabihan ay pinag impake na ako ni mom at dad dahil lilipat na daw kami ng bahay.

"Hmp weird ah pero wala ba silang nasabi sayo? Or may nag offer sa kanila na lumipat ganun?" Nagtatakang tanong ni rans sa akin , mukhang napapansin ko talaga na may problema siya pero hindi niya naman sa akin sinasabi.

"Actually yung boss niya daw nagsabi na lumipat na ng bahay dahil may binigay siya na lote at bahay sa cavite , sobrang ganda nga dun eh! Ang bait lang ng boss ni daddy dahil binigyan niya kami ng bahay at lupa kaso nga lang medyo malayo pa ang babyahiin ko papuntang bahay pero okay lang naman pwede naman ako mag stay sa condo mo diba babe?" Pagkukuwento ko sa kanya ang bait ng boss ni daddy sa part na yun ang ganda sobra ng nilipatan namin at tsaka may inano pa sila na bodyguards sa amin na weird din ah.

"Yeah pwede naman babe! O siya mamaya nalang tayo mag usap dahil nandyan na ying prof bumalik kana din sa upuan mo dahil baka mahuli ka na naman na lumabag sa sitting arrangement" sabi niya sa akin tumango nalang ako bumalik nalang sa may upuan ko.

Napatingin naman ako kay Jl na masama ang tingin sa akin ngayon for sure tungkol to sa nangyari nung nakaraan.

Kasalanan ko ba yun? Eh ang kulit kulit ng sela na yun lagi nalang lumalapit sa akin at pilit na niyayakap at hinahalikan ako sa labi at baka daw bumalik yung alaala ko.

Like nagpapatawa ba siya? Wala akong amnesia o anumang sakit baka nga siya pa yung may sakit sa utak eh argh nakakainis.

Flashback

Naglalakad lang ako sa may hallway nang nag iisa iniwanan kasi ako nila sheki at belle tsaka si rans naman ay hindi ko mahanap.

Pabalik na ako ng classroom ng makasalubong ko itong mukhang itlog na babae na to na kaklase namin ngayon.

Di na ako tumingin sa kanya at diretsong naglakad na lang habang siya ay papalapit sa kinaroroonan ko.

Bigla niyang hinawakan yung kamay ko at napatingin nalang ako sa kanya ng masama may saltik ba talaga yung utak ng babaeng to?

"Abby? Hindi mo ba talaga ako natatandaan? Ako to si sela yung girlfriend mo! Mahal please naniniwala ako na makalimot man ang isip pero hindi ang puso" sabi niya sabay halik sa akin sa may labi agad ko naman siyang itinulak at nabigla ako ng tumilapon siya.

Hindi naman ganun kalakas yung pagkakatulak ko sa kanya ah? Bakit ganun nalang kalayo ang ipinadpad niya.

"Baliw kana ba talaga? Dapat sa mental ka inilalagay eh! Sino ka ba huh! Ni hindi nga kita kilala eh bakit ba pinipilit mo na ako yung jowa mo eh hindi nga ako yun!" Sabay punas ko ng labi ko fudge paano nalang kung may nakakita sa amin na ganun?

Kilala pa naman ako dito at tsaka si rans kilala na din siya bilang girlfriend ko baka akalain ng iba na may ibang babae pa ako dahil sa ginawa ng itlog na to.

"Abby please itry mong alalahanin okay? I can't bear to see you with someone at sa kaibigan ko pa! Please abby , Garnett that's the place kung saan tayo nagkita at nag ibigan" napailing iling nalang ako sa kahibangan ng babaeng to , paano kaya nakapasok yan dito sa HIC sa lagay na yan?

Mukhang hindi siya nararapat dito eh may malala atang sakit tong babae na to sa pag iisip.

"Pwede bang tumigil kana? Tigilan mo na ang kahibangan mo at tsaka i recommend you to go sa psychiatrist ah baka kasi amy problema kana sa pag iisip and please lang huh wag ka nang lumapit sa akin dahil hindi nga ako yung kasintahan mo at never kitang magugustuhan over my dead body" singhal ko sa kanya at iniwan na siyang nakaupo sa may sahig habang umiiyak habang naglalakad naman ako ay tila bay kumikirot yung puso ko ngayon na hindi ko maintindihan kung bakit.

Is this because na guilty ako at medyo harsh na din yung sinabi ko dun sa sela na yun? Tsk deserve niya naman na mahimasmasan eh.

End of the Flashback









Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕 Last 5 chapters will be publish soon😉

MY WISH UPON THE STARS (SEBY)Where stories live. Discover now