Chapter 15

151K 8.9K 3.6K
                                    

JORDAN MOISES HERRERA KISSED ME AGAIN!

Ang lambot at ang init ng mga labi niya. Nakakalasing ang mabango niyang hininga.

Katulad noong una, nawindang ako ng ilang segundo. Nang lumaon ay kusa nang pumikit ang mga mata ko. Kinailangan kong kumapit sa mesa habang nakatingala dahil para akong hinihigop, kahit magaan lang naman ang pag-atake niya. 

Nang tigilan niya ang paghalik sa akin ay pareho naming habol ang aming paghinga. Nakakapaso ang mga titig niya habang nakatungo at nakatingin sa aking mukha.

Humihingal ako nang magsalita. "B-bakit mo ko kiniss?"

"Magsusumbong ka?" humihingal din na balik-tanong niya. Bahagya pang basa ang mapula niyang mga labi.

Pigil ang ngisi na umiling ako.

Nang lumayo siya sa akin ay bumalik siya sa inalisan niyang upuan. Iyong cake na pinatutusok niya kanina ay sinimulan niya ulit na kainin. Ginutom yata.

"Gusto ko rin cake." Ginutom din ako. Tumayo ako at nag-slice ng cake para sa akin.

Tahimik lang naman siya sa tabi ko. Tahimik lang kami na kumain ng cake. Hanggang sa maubos na ang nasa platito namin, tahimik pa rin kami. Nagpapakiramdaman. 'Tapos pinapakiramdaman ko rin iyong lips ko kasi  namaga yata. .

"Tubig?" alok ko sa kanya kasi sunod-sunod subo niya ng cake. 

Tumango siya pero siya ang tumayo para kumuha. Pinanood ko naman siya kung paano niya buksan ang ref namin at kung paano siya magsalin ng tubig mula sa pitsel. Napakapino at sigurado ng bawat galaw niya.

Paglagay niya ng baso sa harapan ko ay muli siyang naupo sa upuan. "Kakain ka pa ba ng dinner?" marahan tanong niya sa akin. Iyong parang mabait na siya ulit.

"Hmn?" Nilingon ko siya habang umiinom ako. Nakakagulat na naitanong niya iyon.

"Anong kakainin mo?" mahinahon pa rin ang kanyang tono. Napakabait, napakainosente na akala mo walang ginawang kahalayan kanina.

Ibinaba ko ang baso. "Ewan ko. Hindi kakain si Mommy kaya baka di na rin ako kumain."

Kung mag-usap kami ay casual lang, parang hindi kami nagpalitan ng laway at naubusan ng hininga sa pagki-kiss kanina. 

"Kumain ka," sabi niya na hindi sa akin nakatuon ang paningin.

"Anong kakainin? Wala namang pagkain diyan."

"'Sabi ng mommy mo, umorder ka."

"Katamad." Nangalumbaba ako. "Mabuti ka pa sa inyo, marami kang kasabay kumain."

"Past 7 na. Tapos na silang kumain," tukoy niya sa kanyang pamilya. "Wala na akong kasabay."

Napangisi ako at inilabas ang aking phone. "Kawawa naman pala tayo, pareho tayong walang kasabay. So ano? Oorder na ba ako ng dinner nating dalawa?"

Nang tumingin siya sa akin ay may naglalarong ngiti sa kanyang mapulang mga labi.

"Dami pang etching, gusto lang pala akong makasabay kumain," nakangising bubulong ako. 

Nang gabi ngang iyon ay nag-stay siya sa amin hanggang 8:00 pm. Umorder ako ng two orders of Jollibee chicken with rice and soda. Sabay kaming kumain. Tinulungan niya rin akong magligpit ng kinainan pagkatapos.

Wala kaming usapan sa buong sandali, pero ang mga mata namin ay nagkakaintindihan kapag nagkakatinginan kami. 

Nang pauwi na siya ay sinalakay ako ng kakaibang lungkot. "Ingat ka."

South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon