-089-

235 13 0
                                    

-toni pov-

"tangi, halika na" napalingon ako kay jay na kakapasok lang ng shop.

"huh? where?" takang tanong ko sa kanya, pero nagsimula na akong magligpit ng gamit ko

"kakain, nakausap ko na si katie, susunduin sya ni jake" tumango lang ako sa kanya, he waited for me while he was doing something on his phone.

"anong gusto ni lola? para makapagpa-reserve na ako" biglang saad nya, napalingon tuloy ako sa kanya

"huh? kahit ano, saan ba tayo kakain?"

"sa lenox, steak house" i locked the shop tapos sumakay na din kami agad sa kotse nya.

"how was your day? na-miss kita tangi," he wasn't looking at me kasi nagda-drive sya but i saw he slightly pouted.

"i had a nice day," kasi nakita na ulit kita. "kamusta exam?" i asked him back.

"ayos naman, easy lang kasi nitutor talaga ako ni heeseung, bawal ako bumagsak, kailangan ko pa maging engineer or hindi ko makikita ulit si dad" he let out a small chuckle but i don't know how i distinguish it as a fake laugh.

"i am proud of you, i know your dad as well" he threw me a quick glance and smiled a bit.

"ano plan mo since tapos na ang finals?"

"work, and extra work...for now, may ilan pa akong aasikasuhin sa school before ng ceremony" pagkwe-kwento ko sa kanya.

"okay, same tangi" we just talked about our day and tumigil na din kami sa resto.

we entered the classy building, nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa tumigil kami dahil may sumalubong sa amin na waiter.

"sir park?" he nodded immediately, "follow me sir" saad nung waiter.

"tangi~ bakit ang layo mo? halika nga dito" he turned back and grabbed my hand.

hindi na ako nagulat, pero parang may kung ano sa tyan ko ang nag tumbling, gutom na siguro.

"nakakahiya pala dito, jay. naka uniform pa ako" bulong ko sa kanya habang nakasunod kami sa waiter, nagsimula na kaming umakyat sa mahaba at magandang hagdan.

"ako din naman ah" tama naman sya, pero hindi na nya suot ang coat nya dahil nakasabit na ito sa braso nya, maluwag na din ang tie nya at nakabukas ang unang dalawang butones ng polo nya.

"gwapo mo pa din naman tignan dyan?" he suddenly stopped walking making me flinched.

nakatungo sya sa akin at nakatitig lang. "what? ano-"

"may problema po ba, sir?" napalingon ako sa waiter na nasa unahan namin at nakatingin sa amin, bigla akong nahiya

"wala po, pinakikilig lang ako nitong tangi ko" jay chuckled and gesture na tumuloy na ulit kami sa paglalakad. he slightly tighten his grip on my hand, napalingon tuloy ulit ako sa kanya at nakangisi lang ang loko.

"what?" bulong ko

"don't worry, tangi. maganda ka din naman sa suot mo" hindi ko na lang sya pinapansin kasi nang-aasar na naman sya.

"JAY!!!!" nakarating na kami sa second floor, which is kami lang ang tao.

nandoon na sina jungwon, ni-ki, sunghoon, irene at heeseung.

"wala pa sina jake?" pinag-usod ako ni jay nang upuan bago sya tumabi sa akin

"thank you" i mouthed at him

"nasa entrance na daw," sagot ni heeseung. "kelan daw ise-serve ang pagkain?" dugtong pa nya

"kalmahan mo nga muna heeseung hyung" puna si jungwon,

"bakit ba, kanina pa ako dito eh"

kinausap nila ako, so i feel so welcome and comfortable. they are so goofy around so i can't help but to laugh.

"guys!" napalingon kaming lahat kay jake na sumigaw.

kumaway ako kay katie at kay psyche na kasama ni jake.

"where's sunoo?" tanong ni sunghoon

tumabi sa kabilang bahagi ko si katie, at naupo na din naman agad sina jake.

"nasa baba, may kausap pa"

"should i call the waiter? papaayos ko na pagkain" saad ni jay, nag nod lang si jake at he raised his hand. agad na lumapit yung waiter.

"ang sossy talaga nitong nabingwit mo gaga" siniko ko si katie dahil baka may makarinig or what.

"wait for my order, guys!" naputol ang pang-aasar ni katie dahil sa nagsalita mula sa likuran namin,

"zoe" rinig kong saad ni irene na nasa harapan ko lang,

nasa likuran ni zoe si sunoo, na mukhang problemado.

okay, what's with the heavy atmosphere? i wanna run.

winter nightmare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon