CHAPTER 59

1.3K 173 10
                                    

Frances's POV


I was sleeping peacefully when suddenly my phone rang. I looked at the wall clock. Wtf? 1:46 am and there's someone calling me. Kinuha  ang phone ko at nagulat naman ako ng makita kong si Jaydee yun. Agad ko namang sinagot ang call.


"Hello po Ma'am" Saad naman ng lalaki sa kabilang linya. Wtf? bakit lalaki?


"Hello, sino ka? bakit nasayo phone ng kaibigan ko." Saad ko naman, medyo kalmado pa.


"Crew po ako rito sa Bank Bar sa BGC, nandito po kasi yung kaibigan niyo, sobrang lasing na. Magsasara na po kasi kami and ayaw niya pa rin pong umuwi. Kayo po ang pinakahuling tinawagan niya sa contacts niya kaya kayo na rin ang tinawagan ko." Saad naman ng lalaki sa kabilang linya. Nagulat naman ako ng marealized ko, si Jaydee, nasa bar? bakit?


"Sige kuya, pakibantayan ng mabuti si Jaydee. Pupunta na ako" Saad ko at inend na ang call. Agad akong nagpalit ng damit at nagsuot ng hoodie bago bumaba. Teka paano 'to eh wala naman akong sasakyan.


"Oh, Frances, why are you still awake?" Saad naman ni Ate Sela ng makababa ako. Thank you Lord, gising siya.


"Ate kasi tumawag po saakin yung crew ng bar, lasing na lasing raw dun si Jaydee, ayaw pa raw pong umuwi eh magsasara na sila." Saad ko naman


"Hala ka, buti pala bumaba ako. Kakatapos ko lang magpa breast feed kay Selaine. Manang pakicheck nga yung kwarto ni Jaydee pati na rin yung mga car keys niya ron, tignan mo kung anong susi ang wala." Saad naman ni Ate Sela sa isang katulong. Agad namang umakyat ang maid at agad ding bumalik.


"Yung car key po nung Lamborghini niya, wala." Saad naman nung maid


"Nako po, sabi ko na, sports car ang dala nun dahil imposibleng dalhin niya yung jeep niya. Delikado idrive ang sports car kapag lasing." Saad naman ni Ate Sela.


"Pupuntahan ko na po siya kaso hindi ko lang alam kung paano, wala naman po akong sasakyan." Saad ko naman.


"Marunong kang magdrive diba?" Tanong naman ni Ate Sela at tumango naman ako.


"Kunin ko lang yung susi nung Cayenne ko sa taas, kaya mo naman siguro yun." Saad naman ni Ate Sela at umakyat na.


"Oh, ayan." Saad naman niya at ibinigay na saakin ang susi.


"Ay ate Sela paano pala yung sasakyan ni Jaydee, hindi naman pwedeng maiwan doon yung baka mapagtripan." Saad ko naman.


"Si Abelaine gising naman, marunong naman ata siya sa sports car. Wait." Saad naman ni Ate Sela at umakyat-- Pagbalik nito ay kasama niya na si Ate Abby.


"Tara na, Ces. Babe, si Selaine ha." Paalala naman ni Ate Abby kay Ate Sela.


"Oo, ako ng bahala ron. Ingat kayo, ikaw na rin ang magbayad ng bill ni Jaydee." Saad naman ni Ate Sela, tumango nalang si Ate Abby at naglakad na kami papuntang parking.


"Hay nako, pasaway talaga 'tong si Jaydong." Saad naman ni Ate Abby ng makasakay kami, siya na rin ang nag-insist na magdrive.


"Nagulat nga rin po ako sa tawag ate eh. Baka po may problema si Jaydee." Saad ko naman.


"Sure yan." Saad naman ni Ate Abby at nagsimula ng magdrive.


------


Saktong 2:30 am nakarating kami sa Bar. Agad kaming pumasok ni Ate Abby.


"Kayo po ba yung tinawagan ko?" Tanong naman ng isang crew at tumango naman ako. Wala ng ibang tao rito.


"Nasa VIP room po si Maam Jaydee, sundan niyo po ako." Saad naman nung crew at sumunod naman kami. Naabutan ko namang nakayuko si Jaydee sa sofa.


"12 am po nagpunta ang kaibigan niyo rito, Naka 2 bottles po siya ng tequila, gusto pa nga po humirit kaso napansin namin na lasing na rin siya at malapit na kaming magsara kaya hindi na namin binigyan." Saad pa ng Crew.


"Pasaway talaga yan kuya, pasensya na. Asan na yung bill niya? Ako na magbabayad." Saad naman ni Ate Abby. Lumabas na sila nung crew at naiwan naman kami ni Jaydee.


"Jaydee, bakit ka naman uminom mag-isa. Paano nalang kung may nangyaring masama sayo, buti nalang mababait yung crew dito." Saad ko naman at nilapitan siya. Namumungay na ang mga mata niya.


"Frances, alam mo bang mahal na mahal kita. Umabot pa sa punto na nasak-nasaktan ko yung taong walang ginawa kundi ma-mahalin ako." Saad naman niya and she started sobbing. Did I heard it right, she still loves me? At nakapanakit pa siya ng tao para sakin--- wait, naguguluhan ako. Pinakinggan ko lang siya dahil sabi nila, hindi marunong magsinungaling ang lasing.


"Mahal na mahal ako ni Jie, kaso wala eh, ikaw parin ha-hanggang ngayon. Ang sama ko lang dahil nag--hanap pa ako ng panakip butas para lang--kalimutan ka." Saad pa niya--


Jaydee you're making me more confused--


"Tara na, Ces." Saad naman ni ate Abby at inakay na si Jaydee. Tinulungan ko na rin siya.


"Jaydee, why are you crying?" Tanong naman ni ate Abby sakanya habang naglalakad kami palabas-- pero hindi siya sinagot ni Jaydee. Isinakay na si Jaydee sa sasakyan ni Ate Sela.


"Kaya pala hindi sumagot kasi nakatulog na." Saad naman ni Ate Abby nang maiupo na si Jaydee sa passenger's seat.


"Ikaw na bahala diyan, Ces. Dun na ako sa Lamborghini niya, sundan niyo nalang ako. Hindi ko nalang bibilisan." Saad naman ni Ate Abby at tumango naman ako. Sumakay na ako sa Driver's seat at inistart na ang sasakyan. Nagdrive na ako pabalik.


---------


Lagpas 3 am na ng makarating kami sa Mansion.


"Tara na, akayin na natin paakyat 'to." Saad naman ni Ate Abby.


"Wasted nanaman si Jaydee." Saad naman ni Ate Sela nang makapasok na kami sa mansion.


"Problemado ata babe eh" Saad naman ni Ate Abby.


"Sige na iakyat niyo na." Ate Sela said at iniakyat na namin ni Ate Abby si Jaydee


"Iwan muna kita dyan Frances ha. Pero kung gusto mo ng matulog, go lang." Saad naman ni Ate Abby at lumabas na


"How can I sleep kung makikita kong nasa gantong sitwasyon si Jaydee?" Bulong ko naman sa sarili ko. Tumayo na ako at naghanap ng face towel at nagpunta sa cr niya. Kumuha ako ng basin, nilagyan ko ito ng tubig at inilabas ito mula sa Cr. Nilapag ko ito sa may side table niya. Pinunasan ko siya ng basang towel.


"Bakit ka naman kasi naglasing ng ganyan, pwede ka namang magsabi ng problema mo saakin eh." Saad ko naman habang pinupunasan parin siya.


After ko siyang punasan ay pinagmasdan ko muna ito-- Nagulat naman ako nang dumilat ulit siya.


"Staring is expensive." Saad naman niya at hinila ako dahilan para mapahiga ako sa tabi niya. Niyakap ako nito at--- hinalikan ng marahan. It's just a french kiss at bumalik na ulit siya sa pagkakayakap.


"From now on, you're stuck with me a-again." Saad naman niya at nag stutter pa sa dulo. Sana palagi ka nalang lasing, Jaydee-- Kasi pag lasing ka, mahal mo ako eh.


--------





FOOL FOR YOUWhere stories live. Discover now