IASWAK11

778 90 5
                                    

Amy's Pov

Maaga akong pumasok sa school at kasabay ko ngayon si Laney , si Jaydee naman ay nag aayos pa rin hanggang ngayon sa bahay nila.

Nakarating na kami ng room at himala dahil ang aga ngayon ni trinidad , well maaga naman talaga siya laging pumapasok pero masyado na atang napaaga ngayon.

Anyways nilapag nalang namin yung bag namin at kinuha na yung notes para magkabisado ng kanta ulit , bukas na gaganapin yung pre- concert namin at sobrang kabado naman ako.

Wala pa naman sa kondisyon yung boses ko dahil may tonsillitis ako ngayon pero thanks sa ginger tea na ginawa ni mommy ay nagiging okay na yung boses ko ngayon at hindi na nananakit yung lalamunan ko.

"Amy? Pinapunta daw tayo ngayon sa Studio ni Miss Mae , tara na tawagan nalang natin si jaydee na doon nalang siya dumiretso sa studio" tumayo na si laney habang hawak hawak yung cellphone niya.

"Sige sandali lang , may kukunin lang muna ako sa bag" kinuha ko na yung cellphone ko at inilagay sa may bulsa ko, madami dami naman na yung kaklase namin kaya naisipan naming iwanan nalang yung bag namin at tsaka wala rin naman kaming mahalagang gamit na nakalagay doon.

Napatingin naman akong muli kay coleen na nakayuko ngayon sa kanyang desk at mukhang natutulog.

Napailing nalang ako at lumabas na ng room namin , patungong studio na kami ngayon ng makasalubong namin si brei.

"Hi amy! Saan punta niyong dalawa?" Masayang bati sa akin ni brei nginitian ko nalang siya habang itong si laney nakataas pa ang kilay na nakatingin kay brei ngayon.

"Hello brei ah pupunta kaming studio may important meeting kami para sa pre concert bukas, uhm avail ka ng tickets ah" masayang sabi ko sa kanya , nilabas naman niya yunh ticket na binili niya at ipinakita sa akin.

"Syempre pag may ganap si Lodi hindi pwedeng wala ako , anyways punta na ako sa room see you later" sabi niya bago tumalikod , masasabi kong mabuting tao tong si brei at tsaka napakamasayahin din gaya ni sheki.

Pero bakit kaya si trinidad laging nakasimangot na aakalain mong pasan pasan lagi yung mundo?

"Amy ano yun? Wag mong sabihin na nakikipag kaibigan kana sa mga bully? Remember na mapanganib silang tao at hindi dapat kaibiganin" Nag aalalang sabi ni laney ,  grabe naman tong si bebang kung makapanghusga sabagay di ko naman siya masisisi dahil ganun naman kasi yung nakakakalap namin na impormasyon tungkol sa tatlo.

"Ano namang masama don laney? Tsaka mukhang mabait naman si brei eh hindi kagaya ng mga pinagsasabi ng mga kaklase natin, iba yung pakikitungo niya sa akin" alam kong mabuting tao si brei pati sila sheki at coleen may reason lang siguro sila kung bakit ginagawa nila iyun.

"Hmp sa bibig mo na mismo nanggaling na "mukhang mabait" so ibig sabihin hindi ka din sure doon , napansin ko din na kakaiba nga yung pakikitungo niya sayo feeling ko may gusto yan sayo pustahan pa tayo" nakapamewang na siya ngayon , nako kaya ka laging nasasaktan eh kasi ang hilig mong mag assume ng mga bagay bagay.

I dont think na interesado sa akin si brei dahil lang sa magandang pakikitungo niya sa akin.

"Hay nako bebang! Ayan ka na naman sa mga iniisip mo tara na nga bilisan na nating maglakad ng makarating na tayo sa studio" singhal ko sa kanya at naglakad na ng mabilis , for sure kasi di niya ako titigilan sa kakatanong niya ng kung ano ano.

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now