First

533 33 30
                                    

Your voice was the FIRST thing I heard—ever.



I'm not exaggerating. And I'm not talking about you singing some love song or dropping some corny pick-up line. Nauna ka raw ngumalngal sa'kin, 'di ba? Kuwento ng mga nanay natin na mag-best friends at magkahawak-kamay pa noong inire nila tayong dalawa.



Mula pagkabata, wala akong choice kung hindi ang makita ang pagmumukha mo sa araw-araw. Pampalubag-loob na lang sa'kin na nakakaganti ako dahil wala ka rin namang choice kung hindi ang makita ako sa bawat mabahong hininga mo.



Walang Elliot Martinez kung walang Millina Torre. Walang Millina Torre kung walang Elliot Martinez. That has been the unspoken fact within our families since who knows when. Palagi tayong magkasama. Palagi tayong magkahati sa lahat ng bagay. Pati sa birthdays natin, iisa ang handa, iisa ang cake. At hindi tayo nagrereklamo. Hindi natin naiisip na may kakaiba ro'n. Gano'n lang ang paraan natin ng pamumuhay. Sanay tayo sa gano'n.



Nagsimula lang naman ang lahat no'ng huling taon natin sa Senior High.



"Hoy, andiyan na si miss!"



Mabilis kong inilagay sa ilalim ng desk 'yong malaking bag ng chips na kinakain ko. Punong-puno pa ang bibig ko habang nagpa-panic ang lahat dahil kilalang terror na teacher at matandang dalaga si Ms. Perez. Lumingon ako sa likuran, kung saan ka nakaupo, at nakitang busy ka pa rin sa paglalaro ng ML sa cellphone mo.



"Gago, akala ko ba walang klase?!"



"I don't know, papunta nga rito si miss!"



"Sabi n'yo—"



"Quiet, section Einstein! Naturingan kayong special section, rinig hanggang faculty 'yang mga bunganga ninyo!"



Biglang naging mas tahimik pa sa library ang classroom natin. Ramdam ko na inilagay mo rin sa ilalim ng desk ang cellphone mo na malamang ongoing pa ang laro.



"Hindi ako magkaklase ngayon. Ayan diyan kayo magaling! Mga ngiting-ngiti! Hindi ako magkaklase dahil magpa-practice kayo para sa final dance performance ninyo. Class president!"



"Yes, miss?"



"Dalhin mo sa 'kin do'n sa faculty ang listahan ng magkakapareha bago mag-uwian."



"Yes, miss."



"Sige, iiwan ko na kayo. Mag-practice kayo ha. Walang makakarating sa 'kin na nagkakagulo kayo rito."



"Yes, miss!"



Hindi ko napigilang mapahugot ng malalim na hininga noong makaalis si Ms. Perez. Malaking part ng grade natin sa MAPEH 'yong dance performance na 'yon. At ang mga ganoong bagay na nangangailangan ng kapareha ay isang nightmare para sa 'kin.



"That was deep," biro sa 'kin ng katabi kong si Venus. Midterm na nang mag-transfer siya sa 'tin. Bukod sa graduating na tayo kung kailan siya lumipat, sikat siya dahil sobrang ganda niya at sexy—aminado ka nga rin na crush mo siya.



"May step do'n na bubuhatin ng lalaki ang babae kaya alam ko na kaagad na mahihirapan akong makahanap ng kasama," may pilit na ngiting sabi ko sa kaniya.



Hindi na ulit siya nakapagsalita nang may lumapit sa kaniya para yayain siyang maging ka-partner sa sayaw. Wala nang nagulat na lahat ng kaklase nating lalaki, siya ang unang niyaya. Tapos, ikaw ang pinili niya.



"Eli, puwede bang ikaw ang partner ko?"



Hindi na rin naman ako nagulat. Kahit pa nakikita kitang puno pa ng muta ang mga mata sa umaga, at saksi ako sa uhugin days mo, lumaki kang gwapo at captain pa ng basketball team. Typical na formula ng mga lalaking crush ng lahat.



Napakunot ang noo ko nang hindi kita narinig na sumagot. Lumingon ako sa 'yo at nakitang busy ka na ulit sa paglalaro sa cellphone mo. "Hoy, Eli, tinatanong ka ni Venus," sabi ko sa 'yo.



Nag-angat ka rin naman kaagad ng tingin. Kinilig pa ang lahat nang magkatitigan kayo ni Venus. "Ah, sorry, ano 'yon?"



"Puwede bang ikaw ang partner ko sa sayaw?" pag-uulit niya.



"Ay sorry. Partners na kami ni Millie."



Nagulat ang lahat. Lalo na ako. Hindi rin ako aware na mag-partners na pala tayo. Kahit kailan desisyon kang hayop ka. Tapos bumalik ka lang kaagad sa paglalaro sa cellphone mo na para bang hindi laglag ang panga ng lahat habang nakatingin sa 'yo.



"Bakit ako ang pinili mong partner?" 'Di ako nakatiis at tinanong kita habang naglalakad tayo pauwi. Hindi ako mapakali. Iniisip ko pa na baka i-prank mo ako. Alam ko namang hindi mo ako ipapahiya sa harap ng maraming tao, pero hindi rin kasi ako makaisip ng dahilan kung bakit ako ang gusto mong kasayaw.



"Ayaw mo 'kong ka-partner? Napaka-choosy mo naman!"



"Gago, may sinabi ba ako?! Nagtataka lang ako na ako ang pinili mo eh 'di naman ako payat. Mahirap akong buhat—"



"Bawal piliin 'pag mataba?"



"Tang ina—"



"Kaya kita."



Dalawang salita at isang marupok na gaya ko. Ayun, na-fall ako.



– M

25 StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon