Fourth

167 23 6
                                    

The last FOUR days of our high school life were supposed to be chill, but our class had a huge problem.



Ilang araw na lang at graduation practice na noon. Kumpleto na ang grades natin pero bilang "special section" mula sa STEM students, naatasan tayong mag-perform sa final event ng senior high. Parang send-off party na rin daw sa 'ting lahat 'yon. May performance ang lahat mula sa iba't ibang strand. Nagbunutan ang mga class representatives at play ang napunta sa 'tin. Walang kamatayang Romeo and Juliet.



Prepared naman tayo. Noong nakaraang linggo pa nga bago ang araw na 'yon, nakapag-last rehearsals na tayo kasi as in kumpleto na ang lahat. Props, costumes, mga gaganap. Wala na tayong kulang. Kaso sa mismong araw na 'yon, sabay na nilagnat 'yong mga leads natin.



"Eli, ikaw na lang ang mag-Romeo," sabi kaagad ni Ms. Perez sa 'yo. Siya ang namamahala sa 'tin dahil siya ang teacher natin sa Music at Arts, at musical ang play.



Nakahanda ka na kaagad na umangal sa pangalawang pagkakataon. Sa 'yo talaga unang in-offer ang role pero tumanggi ka noon. Sa pagkakataong 'to, pinandilatan ka lang ni ma'am at wala ka nang nagawa. "Opo. Si Millie po ang Juliet ko."



"Ha?!" Nawindang nanaman ang buong klase natin dahil sa sinabi mo. Desisyon ka nanamang kingina ka.



Mabilis akong tumanggi. "Gago, ayoko!"



Napalunok pa ako nang makitang parang nandiri din si ma'am sa idea na ako ang gaganap na Juliet. "Si Venus na lang ang mag-Juliet. Mas bagay—"



"Mas madaling makakabisa ni Millie 'yong lines, ma'am," katwiran mo pa. Hindi agad ako kinilig kasi sanay naman akong ibinibida mo. Napaka-proud mo sa 'kin sa hindi malamang dahilan. O wala ka lang choice kasi lahat naman ng tungkol sa 'kin, bahagi ka.



Tahimik lang ang lahat dahil sino bang siraulo ang sumasagot kay Ms. Perez? Tapang mo ah.



Nilingon ako ni ma'am at sa laki ng katawan ko, ramdam ko pa rin ang panliliit nang tignan niya ako mula ulo hanggang paa. Napayuko ako.



"O-Opo, ma'am. Medyo mahina po ako sa memorization."



Napaangat ang ulo ko at nakitang gulat din ang lahat. Umaayaw si Venus sa role. Hindi ko pa na-gets noon kung bakit.



"Hindi puwede," matigas na sabi ni Ms. Perez na muling nakapagpayuko sa 'ting lahat. "Eli at Venus, kayo ang a-acting. Millie at kung sino mang lalaki na marunong magbasa, i-voice over ang mga linya."



"P-Po?"



"Hindi n'yo kaya? Naturingan kayong special section—"



"Mas kaya ko pong um-acting, ma'am, kung si Millie po ang kaharap ko do'n." Nahila ko ang dulo ng polo mo nang subukan mo nanamang ipilit ang gusto mo. Sinamaan mo ako ng tingin at pinandilatan naman kita.



"Hindi bagay na Juliet si Millie."



Alam kong nakita mo. Magkaharap tayo eh. Hindi puwedeng hindi mo na-witness ang mabilis na panunubig ng mga mata ko. Alam ko naman eh. Hindi naman na kailangang sabihin. Kaya nga ayaw ko rin. Alam ko namang hindi mataba si Juliet. Nabasa ko naman 'yong story.



"Parang okay lang naman po..." Nangatwiran ulit si Venus. Ikaw, nakatingin ka lang sa 'kin.



"Okay lang, Ven." Iniwas ko ang tingin mula sa 'yo at pilit na ngumiti sa kaniya. "Hindi ako kaya ng stage." Sinubukan ko pang tumawa. Nakitawa ang mga kaklase natin. Hindi ko alam kung pinapagaan lang nila ang atmosphere, o sadiyang 'di tulad mo, hindi nila alam kung tunay o hindi ang ipinapakita ko.



"Ayusan na ang dalawang 'yan. Sunod kayong magpe-perform after ng HUMSS."



"Opo," sagot ng lahat maliban sa 'yo. Nagulat ako nang lingunin kita at nakatingin ka pa rin sa 'kin. Parang umihip ang hangin. Parang may tumugtog ulit na romantic music. Kinikilig na ako pero naalala kong nasa gitna tayo ng mga kaklase natin. Kahit naman ganito ang itsura ko, minsan na rin nilang binigyan ng malisya ang closeness natin. Nahiya ako bigla. Kinatok ko ang nakakunot mong noo at lalo namang sumama ang tingin mo. "Mahirap akong tunawin," sabi ko pa.



"Ayaw mo talaga 'kong ka-partner?" bulong mo sa tonong alam ko na nagkukunwari ka lang na nagtatampo. Gago ka, kung alam mo lang na gusto kitang ka-partner sa totoong buhay, habambuhay. "Tangina, Milliot, kasama mo 'ko sa lahat ng mga kahihiyan mo—"



"Manigas ka," pang-aasar ko sa 'yo. "Dapat nando'n ako sa may magandang view para makatawa ako nang maayos 'pag nagkamali ka."



Gano'n lang at naging okay na tayong dalawa sa setup. Pero hindi pala maganda ang view kahit saan ako pumuwesto. Gusto ko ang Romeo at Juliet dati pero bakit parang naging mas mapait ang kuwento?



Ikaw ang Romeo, iba ang Juliet. Bago pa pala tayo g-um-raduate ng senior high school, binabalaan na ako ng mundo sa kahihinatnan ng nararamdaman ko.



– M

25 StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon