Eleventh

147 25 22
                                    

"Hoy, ELEVEN na! Magbabagong taon ka ba nang tulog?!" Walang nagbago sa 'tin. Inamin mo nang gusto mo ako pero gago ka pa rin.



Ginising mo ako no'n dahil malapit na ngang mag-12 midnight. Bagong taon na. Taon-taon naman natin 'yong sine-celebrate kasama ng mga magulang natin pero sa taong 'yon, alam nating pareho na may iba.



"Kailan mo pa nalaman?" Tinabihan kita habang nag-iihaw ka ng barbeque dahil hindi na kayang maghintay ng tanong ko. Mula nang umamin ka, gabi-gabi yata akong puyat kakaisip kung dapat ba umamin din ako. O kung nangyari ba talaga ang lahat ng 'yon, kung sinabi mo ba talaga 'yon. Huling araw ng taon na nga lang ako ulit nakatulog, ginising mo pa ako.



"Ang alin?" tanong mo saka tinanggal ang isa sa mga stick ng barbeque mula sa grill. Hinipan mo 'yon saglit saka itinapat sa bibig ko. Automatic na kumagat ako ro'n, saka ko lang na-realize kung gaano tayo kalapit sa isa't isa. Nailang ako bigla. Normal lang 'yon dati, pero nakakapang-init na ng pisngi bigla.



"Na..." Nilunok ko muna ang laman ng bibig ko. "Na-fall ka na?"



"Sa 'yo?" Napatigil ka sa pagpapaypay sa apoy at ngumisi ka sa 'kin. "'Di ako na-fall sa 'yo ah."



Halos malaglag ang panga ko. Putangina, joke lang ba 'yon? All this time ba, nananaginip lang ako?



"Nag-dive ako," dugtong mo na nakapagpangiwi lang lalo sa 'kin.



"Gago ka tala—"



"Naisip ko lang na kung hindi rin lang ikaw, 'wag na lang," seryoso mong sabi. "Aanhin ko ang ibang babae?"



Natigilan ako. Ibig bang sabihin no'n, ginusto mo na gustuhin ako? Na kahit kailan, wala kang ibang inilagay sa choices mo, kung hindi ang pangalan ko?



"Ano ba, Milliot, taon-taon kong sinisimulan ang taon kasama ka, ibig sabihin gusto kitang kasama buong taon!" paalala mo pa no'ng hindi ako sumagot sa huling sinabi mo. Kitang-kita ko ang magkahalong desperasyon at pagkayamot sa mukha mo kaya naisipan ko pang asarin ka.



"Use the word taon in a sentence yarn?"



"Tangina mo! Milliot pa nga ang tawag ko sa 'yo kasi ship name natin 'yon!"



Napaawang nanaman ang mga labi ko. "Ship—ano?!"



"Hoy, diyan pa kayo nag-away sa harap ng barbeque," saway sa 'tin ni papa. Ngumiti lang naman ako sa kaniya at dumiretso na siya sa lamesa kung saan nagtsi-tsismisan ang mga nanay natin. Nang ibalik ko ang tingin ko sa 'yo, kulang na lang humaba ang nguso mo. Pabulong-bulong ka pa.



"Tagal-tagal kong hinintay na gawin mong Ellina 'yong pangalan ko sa chat natin, hanggang sa ako na lang din ang nagpalit!"



"Ah, akala ko nang-aasar ka lang. Malay ko ba!" depensa ko sa sarili ko. Inismiran mo lang ako, hayop ka. "Teka, baka mamaya prank 'to ah?"



Napabuga ka ng hangin saka ibinaba ang pamaypay. Inis mong tinanggal ang pink na apron na suot mo saka diretsong humarap sa 'kin. "Ewan ko sa 'yo, Milliot! Napakamanhid mo!"



Napabuga rin ako ng hangin. "Ako pa ang manhid? Excuse me, matagal na rin kitang gusto pero 'di mo napapansin!"



Silence.



Tahimik lang tayong dalawa habang nakatingin sa gulat na mata ng isa't isa, hanggang sa may isang tao na pumalakpak. At isa pa. At isa pa. Kingina, napalakas yata ang boses ko. Nagdiwang bigla ang mga magulang natin na noon pa man, sini-ship na rin talaga tayo.



"Uh..." Hindi ko malaman ang sasabihin nang lumingon ako at nakitang nagyayakapan ang mga nanay natin, habang teary eyed naman si papa.



"Mag-uusap lang po kami," sabi mo naman sa kanila saka ako hinila papasok sa bahay ninyo. Lumabas din tayo sa main door at sa gate. Ewan ko, pero hindi na ako nagulat nang marating natin 'yong malapit na park. "I, Elliot Martinez, promise to take and love every inch of you, Millina "Milliot" Torre."



"T-Teka... english yarn?"



Biglang naging tuwid ang ekspresyon mo na para bang gusto mo akong tirisin. "Tang ina mo, ilang taon ko na 'tong pina-pratice, makinig ka na lang."



"Tang ina mo rin, ikaw lang ang nagko-confess na minura ang pinagko-confess-an."



Pumikit ka at huminga nang malalim na para bang pinipilit ang sarili mo na pagpasensyahan ako. Nang magmulat ka ulit, hinawakan mo ang magkabilang kamay ko at diretsong tumingin sa mga mata ko. "I never regret every minute of my life because all of them were spent well with you, and swear to spend every second that remains in my life in your cute chubby arms that could lift me."



Tumawa ka pang hayop ka. Gusto kong magreklamo kung bakit bigla ka na lang nag-wedding vows habang nasa park tayo at naghihintay ng bagong taon pero malamang magagalit ka lang kaya hinayaan na lang kita sa trip mo. Mukhang patay na patay ka nga sa 'kin at matagal mo na ngang pinag-practice-an 'yon kaya nakinig na lang ako.



"You have always been the perfect lady, just the right one for me kasi perfect ako, 'di ba?"



"Tang ina ka." Pa'no ba naman kita seseryosohin na siraulo ka, eh may halong kagaguhan lahat ng sinasabi mo.



"'Di ka pa rin naniniwala?" reklamo mo.



"Eli, sa araw-araw na ginawa ng Diyos na nagrereklamo ka sa 'kin, wala akong ibang naiisip na tingin mo sa 'kin bukod sa ako ang kapitbahay na kumakain ng pagkain mo kaya ganiyan ka kapayat."



I was expecting you yo defend your muscles, pero iba ang narinig ko mula sa 'yo.



"I love you so much that I won't mind going through hunger, if it's the price to pay to stay by your side." Wala na, kinilig na ako no'n. 'Di ko na napigilan 'yong ngiti ko. "Dang, how did I get so lucky to be born at the same exact time as you? Stay with me, will you?"



Kinabog ng liwanag sa mga mata mo ang lahat ng maiingay na fireworks sa kalangitan noong mga oras na 'yon. Kinabog din naman ng puso ko ang ingay nila nang yakapin mo ako. Niyakap din kita nang mahigpit. Bagong taon, bagong tayo.



– M

25 StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon