Thirteenth

136 21 2
                                    

"S-So... THIRTEEN pa lang pala tayo, crush mo na 'ko?"



Napaka-awkward. Lumaki akong minu-minutong nakikita ang pagmumukha mo at oras-oras ang pinapalipas sa presensya mo pero para bang naging ibang tao tayo bigla noong araw na 'yon. Hindi ako mapakali. 'Di ko alam kung paano ba dapat kumilos.



"Eh, ano?"



Tanginang sagot 'yan. 'Di ko tuloy alam kung maniniwala ba akong gusto mo ako. May parte pa rin sa 'kin na iniisip na baka prank lang ang lahat at talagang kinasabwat mo pa ang mga magulang ko.



"'Di ka pa rin ba naniniwala?"



Hindi ako nakasagot no'n. Baka kasi mag-walk out ka nanaman kapag sinabi ko ang totoo. At kung tunay man na gusto mo ako, baka naman ma-offend ka.



"Tara."



"H-Ha?" 'Di ko alam kung naiilang ka rin ba tulad ko, pero kung noon hinihintay mo ako para sabay tayong maglakad, that time nauna ka at hindi man lang ako nilingon. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa 'yo.



"S-Saan tayo pupunta?" Akala ko tatawid lang tayo papunta sa bahay ninyo pero lumabas ka nanaman ng gate. Parang naulit lang ang nangyari at sunod nanaman ako nang sunod sa 'yo habang walang ideya kung saan tayo patungo.



"Basta." 'Yon lang ang sabi mo.



"Eli naman. Puyat tayong dalawa ta's kung saan-saan tayo nagpupunta. Pagod na 'ko," reklamo ko, hindi pa man tayo nakakalayo. Ikaw kaya ang tumimbang ng 72 kilograms? Madali akong hingalin sa mga physical activities, 'di ba? Idagdag pa na paakyat 'yong kalsada.



Pumihit ka ulit. 'Di tulad noong nag-walk out ka, hindi ka diretsong humarap sa 'kin. Umikot ka papunta sa likuran ko at inilapat ang magkabilang palad mo sa likod ko.



"A-Ano'ng ginagawa mo?"



"Kung ano'ng nakikita mong ginagawa ko," sabi mo na para bang ayaw pag-usapan ang nangyayari. Tumahimik na lang ako at naglakad. Ikaw naman, nasa likuran ko at itinutulak ako. Tinutulungan mo akong buhatin ang sarili ko.



Gumaan nga ang paglalakad. Nagawa kong makarating nang buhay sa location ng lumang playground na pinaglalaruan natin noong mga bata pa tayo. Doon mo lang din ako binitawan.



"S-So?"



Tumalikod ka nanaman sa 'kin. Medyo naiinis na ako, pero hindi na lang ako nagsalita. Pinanood lang kitang kumuha ng stick at nagdrawing ng bilog sa lupa. "Naglalaro tayo kasama ng ibang bata noon. Nahuli ako kaya nakaupo ako sa loob ng bilog dito. Walang may gustong magligtas sa 'kin."



'Yon pa lang ang sinasabi mo, unti-unti nang nanlaki ang mga mata ko. Natatandaan ko ang araw na 'yon. Mabigat na ako noon pa man pero umalis ako sa pinagtataguan ko at tumakbo para kuhanin ka.



Hindi ako umabot. Nakaabang ka na sa 'kin nang mahuli rin ako ng isa sa mga kalaro natin. Paiyak na 'ko noon kasi pinagtatawanan nila ako. Bakit ko ba naman daw binalak na magligtas habang napakabagal kong tumakbo?



Pinipigilan ko pa ang mga luha ko nang sumigaw ka noon. "Ayawan na!" sabi mo. "Uwian na!"



Napakurap-kurap ako matapos alalahanin ang larong 'yon na napasali lang din naman ako dahil pinilit mo ang mga kalaro mo. Sa huling pagkurap ko, tumutok ang mga mata ko sa mukha mo. Ngumiti ka sa 'kin.



Ngumiti rin ako.



"'Wag."



"Ha?"



"'Wag kang ngumiti."



Litong-lito ako. Bukod sa hindi ko alam kung inaano ka ba ng ngiti ko, 'yon ang unang beses na hindi mo pinag-trip-an ang "ha" ko.



"Nagpipigil lang ako, Milliot."



"Ha? Ng ano?"



Sandaling umawang ang mga labi mo pero itinikom mo rin kaagad. Huminga ka nang malalim at napakunot naman ang noo ko.



"Napapano ka ba?" nag-aalala nang tanong ko. 'Di ko alam kung na-impatso ka ba sa dami ng handa natin sa pagsalubong ng bagong taon o ano. "Eli?"



Huminga ka ulit nang malalim, mas mabilis. Binitawan mo ang stick. Mabibilis ang mga hakbang na tinawid mo ang pagitan natin. Mabilis pa sa isang kurap na nawala ang distansya sa mga labi natin.



"F-First kiss ko 'yon." 'Di ko rin alam kung bakit 'yon lang ang nasabi ko pagkatapos. Gulat na gulat ako. Kilig na kilig din.



Hinalikan mo 'ko ulit, mabilis lang, tapos ngumiti ka. "Second kiss ko 'yon," sabi mo.



Hmp.



– M

25 StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon